Ayumi's pov Alas otso na ng umaga dumaan muna ako sa flower shop bago pumunta sa school. "Red rose, nope! White kaya? Haitz hindi bagay sa personality niya," bulong ko habang nakatingin sa mga bulaklak dito sa shop. Nakakita ako ng pink bouquet kaya lang baka itapon niya lang pag bigyan ko siya ng pink. "Ate, ano pong magandang bulaklak para ibigay sa lalaking nililigawan?" Tanong ko kay Ate na lumapit sa akin. "Po? Ikaw ang manliligaw?" Gulat na sabi nito. Wow, ah! First time niya makakita ng magandang babae na manliligaw? "May masama ba?" "Wala naman kaya lang dapat ikaw ang nililigawan. Maganda ka Miss kaya hindi mo kailangang manligaw ng lalaki," pangaral pa nito sa akin. "Hayaan mo ang panliligaw para sa mga kalalakihan. "Hindi kasi ako gusto nung lalaking gusto ko kaya liliga

