Ayumi's pov "Akala ko ba nag-aaral kang mabuti kaya ka laging busy, bakit pasang awa ka sa isang subject?" Tanong ni Yves. "Hindi ko alam, bakit hindi mo itanong sa Prof ko?" Masungit na sabi ko. Kanina pa ako umiiwas na mapatingin kay Shawn. At ngayon nga ay nasa tapat lang namin siya. Nasa Clemente Mansion ako ngayon para humingi ng tawad kay Tita Sheen dahil sa mababang marka na nakuha ko. Hindi ko lang inaasahan na daratnan ko rito si Shawn at talagang nakatambay pa sa living room. "Bakit ba ang sungit mo kahapon pa? May dalaw ka ba?" "La lang," tamad na sagot ko at binalik ang tingin ko sa phone. Naramdamam ko ang pag-akbay ni Yves sa kanya kaya tinignan niya ito. "Bakit?" "Nasa harap mo lang si Bro," bulong nito sa akin. "Oh, tapos?" "Himala hindi ka nagpapapansin sa kan

