Ayumi's pov Maaga akong ginising ni Yaya para sabihing may naghahanap sa akin sa baba. Pagtingin ko kausap ni Daddy Ang ilang pulis. "Good morning, Dad. Bakit?" Tanong ko. "Kayo ho ba si Miss Ayumi Gayle Cuevas?" Tanong ng isang pulis. "Oo, bakit?" "Iniimbitahan ka namin sa presinto para sa mga katanungan tungkol sa pagtangka sa buhay ni Ma'am Diana." "Bakit ako? Kailan ba nangyari 'yan?" Kunwaring tanong ko. "At kung may katanungan man kayo sa akin pwede niyo ng tanungin ngayon dahil hindi ako sasama sa presinto. I know my rights." Nagtinginan pa ang tatlong pulis bago sumang-ayun sa akin. Ang sinasabi nila ay ang ginawa ko kagabi. Tinakot ko lang naman at wala pa akong balak na patayin siya. Pinaulanan ko lang naman ng bala ang kwarto nito, malas na lang niya pag mamatay siya da

