Ayumi's pov "AHHHHHHHHHH!" Sigaw ko ng maramdaman ang hampas sa likod ko. Hindi ko kilala ang lalaking nanakit sa akin ngayon. Sa matagal na panahon na nandito ako ang babaeng nakamaskara lang ang laging nagpapahirap sa akin. Hindi ko alam kung ano pa ang gusto niya sa akin, halos patayin niya na ako rito pero hindi pa siya kontento at ayaw pa akong pakawalan. Ilang beses ko na ring sinabi sa kanya na patayin na ako pero nage-enjoy pa raw ito na nakikita akong nahihirapan. "P-putcha," hindi ko mapigilan mapadaing dahil sa sakit ng paghampas ng lalaki sa likod ko, alam ko na nagdudugo na ko ruon. "s**t!" Hindi pa nakontento ang lalaki at nakuha pa akong sipain. Hindi ko alam ang sinisigaw niya, kung sino ang tinutukoy nitong demonyo lalo pa at alam kong wala akong ginawa para ikagalit n

