Ayumi's pov Ito ang unang araw ko sa SA restau bilang waiter kaya maaga akong nagising para makapaghanda. Simula kagabi tuloy-tuloy ang tawag ni Yves sa akin pero hindi ko sinasagot, wala akong ganang makipag-usap. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ng date niya sa akin. Naiinis rin ako dahil magkasama si Shawn at si Serene, ni hindi ko nga alam ang mukha ng babae para malaman ko sana kong may laban ba ako o wala. Kaya ayun wala akong gana sa lahat. Gusto ko nga lang mag-stay lang sa kama ko buong araw kaya lang ayoko namang magalit sa akin si Ate Erza, siya na nga itong nagbigay ng trabaho sa akin tatamarin pa ako? Nakakahiya 'yun. "Good morning. I'm-" "Kilala na kita," saad ng manager at may binigay sa akin. "Yan ang magiging uniform mo. Pagkatapos mong magbihis bumalik ka sa ak

