Ayumi's pov It's Sunday at rest time ko. Nasa Japan ngayon si My loves kaya wala kaming babantayan. Inaya ako nina Wincy at Ella para mag-swimming at kasama pala namin si Ivory. Nag-enrol ito at ka-block namin siya. Masyadong halata ang bruha dahil ang grupo agad namin ang nilapitan at kinaibigan. Hinayaan ko lang siya dahil agad niyang naka-close si Ella. Mabait din naman kaya hinayaan ko lang. Kailangan ko lang mag-ingat sa mga kinikilos ko lalo na pag nagiging si Katana ako. Nakatingin ako ngayon sa sarili ko sa salamin. Ang daming pulang marka sa taas ng dibdib ko. Pinanggigilan ako ni My loves kagabi, puyat pa nga ako kasi hindi niya ako tinigilan. Tapos ginising niya lang ako nang flight niya na. Ngayon masasabi ko na sobrang hilig niya! Nilagyan ko ng concealer ang mga marka

