Ayumi's pov "Ano kayang meron sa likod ng malaking pader na 'yan," bulong ko habang nakatago sa isang malaking puno. Hapon na at pinasya ko na sundan si Shawn. Dito nga ako dinala ng pagsunod ko sa kanya. Mataas na pader at madaming lalaki na nakabantay. Nakita ko si Shawn na pumasok sa loob niyan. Gusto ko sanang subukang pumasok kaya lang mukhang bawal at pangmayaman lang. Kita ko ang ilang kotse na nagsisipasukan. Napaupo ako sa pinagtataguan ko ng mag-ring ang phone ko. "Saan ka? Sinabi ni Wincy na nauna ka ng umalis." "May pinuntahan lang ako-" "Saan ba?" "Kita na lang tayo bukas, best. May ginagawa lang ako. Babush!" Tinago ko ang phone ko at muling sumilip. Lumaki ang mata ko ng makita ko ang isang lalaki na nilabas ang baril at tinutok sa loob ng kotse na papasok. Naalal

