Ayumi's pov "Tara na pustahan kung sino ang madaming maaakit sa Boracay." Iba ang nagagawa ng pag-ibig, kita niyo si Ivory broken hearted. Nalaman nitong wala palang balak makipaghiwalay ang boyfriend niya sa asawa nito kaya ayan ilang araw ng lalakero. "Wala akong pera, kayo na lang ni Ella." "Pass," saad ko naman. "Game ako dyan, magkano ba?" Game na game naman itong si Ella na naging malandi pero takot sa label. "Magkano ba ang kaya mo?" Naghahamong saad ni Ivory. "Alam ko naman na mananalo ako." Ayan na naman ang dalawa, magyayabangan na naman. Hindi ko alam kung magkaibigan rin ba ang turingan ng dalawa dahil laging nagpupustahan, lagi ring nagbabarahan. Madalas tameme si Ella dahil savage talaga magsalita si Ivory, ang maganda lang eh hindi ito nananakit pag nagkakapikunan s

