Yves's pov "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Yves. Hinayaan kita ng dalawang buwan na gawin ang gusto mo dahil alam kong masakit para sayo ang pagkawala ng bestfriend mo pero hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Anak naman." "I'm sorry, Mom." Umuwi ako ngayon na lasing at narito siya sa kwarto ko para asikasuhin ako. Wala eh, kailangan ko ng alak para kahit papaano makatulog. Ilang buwan na ang nakakaraan pero hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Ayumi. Masisisi ba nila ako? Babaeng mahal ko ang nawala, hindi lang basta nawala dahil pinahirapan pa nila at kitang kita ko 'yun sa video. Tuwing naaalala ko ang itsura niya sa video sobrang galit ang nararamdaman ko. Galit sa kambal ko na hindi niya inaalagaan ang babaeng mahal ko at galit sa gumawa nun sa kanya. "Hindi ko na

