Ayumi's pov "Lady na ang itatawag ko sayo niyan," bulong sa akin ni Ivory. "Bakit?" "Mafia Lord na ang boyfriend mo-" "Gaga, 'wag kang maingay baka may makarinig sayo. Alam mo namang tago ang pagkatao ko," pag-remind ko kay Ivory. "Kahit si Master hindi alam?" "Yeah," tipid na sabi ko at tumingin na sa harap kung saan nanduon angang boyfriend ko kasama si Master Uno at ang iba pang namamahal ng organization. Ngayong gabi ginaganap ang paglilipat sa kanya ng trono, asus trono parang king tapos ako ang Queen. Lol! Nasa may pintuan lang kami dahil kami ang inatasan na magbantay sa mga papasok. Wala namang mangangahas na manggulo dito lalo pa't kompleto ang mga miyembro ng organization. "After this sa club tayo." "Na-ah pupunta ako sa penthouse ng boyfriend ko," sagot ko. "Bruha ka

