Ayumi's pov "Sigurado ka ba na hindi mo alam kong sino yung Serene?" "Yumi, ilang beses mo ng tinanong sa akin 'yan. At pauli-ulit pa rin ang sagot ko na wala akong alam kung may love life ang kambal ko at kung sino ang Serene na 'yun," naiiritang sabi ni Yves. "Umalis ka na nga sa harap ko at ibigay na 'yung bulaklak kay Bro baka malanta pa dito." "Eh kasi-" "Nag-aalangan ka ng ituloy ang panliligaw mo kay Bro dahil sa tingin mo may gf na ito at 'yung Serene?" "Hindi naman sa nag-aalangan. Sabi mo nga wala pa itong girlfriend kaya tuloy ang panunuyo ko sa kanya. Pero bestfriend tulungan mo naman akong malaman kung sino 'yung Serene, selos na selos na kasi ako duon," pagdradrama ko. "K." "Anong k?" "Oo na nga tutulungan kita. Tatanungin ko siya mamaya kung may girlfriend siya at k

