bc

Wedding Girls - Samantha

book_age16+
143
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
sensitive
independent
boss
drama
bxg
city
office/work place
small town
like
intro-logo
Blurb

Bumiling siya ng higa paharap sa puwesto ng higaan ni Joshua. Ilang araw na silang magkasama sa isla. Barkada pa rin ang turingan nila at hindi gumagawa ng anumang kilos si Joshua upang mag-take advantage sa kanya.

Sa sitwasyon lang nila ngayon ay isa lang siguro ang maniniwala sa isandaang taong makakaalam na ganito ang setup nila sa loob ng cottage.

Hindi raw uubrang walang mangyari sa isang babae at isang lalaki kapag nagkaroon ng pagkakataong magsolo pero napatunayan niya ngayon na hindi totoo iyon.

She was confident of herself being a woman. Alam niya, may taglay din siyang karisma pero hindi rin naman niya nararamdamang naiinsulto ang kanyang pagkakababae dahil sa hindi nito pagte-take advantage sa kanila.

He was indeed a gentleman. Hindi niya alam kung mayroon pang lalaking kagaya ni Joshua. And she was really attracted to him.

Joshua was different from the men she had known. He was friendly and caring. Para bang basta si Joshua ang kasama niya ay tiwala siyang walang masamang mangyayari sa kanya. Tila isa itong knight in shining armor sa kanyang tabi.

Hanggang sa mag-agaw tulog si Samantha ay si Joshua ang laman ng isip niya. Tila nahati pa nga iyon sa dalawang bahagi. Ang isa ay nagdidikta sa kanyang aminin ang pagkahulog ng kanyang loob sa binata habang ang isang bahagi naman ay defensive na defensive sa pagtanggi.

But then, her heart knew better…

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“CHICKEN cordon bleu, pork lengua in mushroom sauce, beef callos, cheesy macaroni, mixed buttered vegetables with quail eggs and grilled gindara,” sabi ni Samantha sa kaharap niyang kliyente. Inuulit lang niya ang napili nitong menu bago niya ipahanda ang kontratang dapat pirmahan para sa catering service niya. “On the spot ang grilling ng gindara. We’ll prepare two different sauces para may choice ang guests ninyo,” paliwanag pa niya. “How about appetizer, soup and dessert? May napili na ba kayo?” tanong niya nang mapansing wala pang marka ng check ang bahaging iyon na pagpipilian sa menu. “Hindi pa ako maka-decide, eh,” sagot ng would-be-bride na nagngangalang Lerma. Kasama nito ang fiance nito subalit tahimik lang iyon at tila ibinigay ang pagdedesisyon sa babae. “Actually, iniisip ko pa nga kung papalitan ko iyong pasta,” sabi uli nito. “What if, putanesca na lang kaya or seafood fettucine para maiba naman? Masyado na kasing pangkaraniwan ang baked mac, hindi ba? Baked mac and chessy macaroni is almost the same, what do you think?” Tumango siya. “It’s up to you kung magpapalit kayo ng menu basta nasa column of choices. Hindi kasi puwedeng mag-interchange sa ibang column dahil maiiba na ang presyo niyon. But then, puwede rin naman kaya lang ay mag-a-adjust tayo sa rate ng per head.” “Walang problema sa babayaran,” kaswal na sabad ng magiging groom at nagtinginan ang dalawa. “Sige, mamaya na ako magde-decide ng sa pasta,” ani Lerma. “I’ll choose assorted international cold cuts for appetizer. Cream of corn with crabmeat for the soup and all vegetables with thousand island dressing and Caesar’s dressing para sa salad bar. Puwedeng lagyan na rin ng crispy bacon and croutons?” “Of course,” nakangiting sagot niya. So far ay hindi pa naman siya napipikon sa kaharap bagaman nasabi na sa kanya ni Jenna na medyo mahirap kausap ang nasabing kliyente dahil pabagu-bago ng isip ang babae. Karaniwan naman sa mga magiging groom ay tahimik lang. Bihira sa mga lalaki ang mas mausisa pa sa detalye. At kagaya ng nauna na niyang kliyente sa catering business niya, galing din sina Lerma kay Jenna. Nakipagsara na ito ng kontrata sa Perfect Wedding ni Jenna pero bukod pa ang kontratang pipirmahan nito sa kanya para sa catering ng kasal nito three months from now. Isa pa, sanay naman siyang hindi agad nakakapag-desisyon ang kanyang kliyente pagdating sa pagpili ng mga putaheng ihahain sa kasal ng mga ito. Ang iba ay budget conscious samantalang ang iba naman, ang gusto ay pawang masasarap ang ihahanda sa bisita. Kung ang huli ang ikokonsidera ay wala iyong problema sa kanya. Matagal na niyang subok ang mga putaheng nasa menu niya. Siya ang mismong nag-develop ng mga putahe bagaman hindi naman niya maaangkin ang kredito ng pag-imbento ng mga iyon. Ang laban lang niya ay ang magandang track record ng Sam’s Kitchen sa catering world. Pawang papuri ang natatanggap niya sa bawat catering service niya. At iyon din ang isa sa pangunahing dahilan kung kaya’t nakikilala ang kanyang negosyo. At hindi rin siya tumigil sa pagte-train at pagsu-supervise sa mga cook niya para mapanatili ang kalidad ng lasa ng pagkain na inihahain niya. “What can you suggest for desserts?” tanong sa kanya ni Lerma. “Halo-halo bar, sherbet ice cream or assorted pastries. Kung mga health conscious naman ang karamihan sa magiging guests mo, I suggest fresh fruits in season. Kungsabagay, hindi rin naman masyadong bawal ang sherbet ice cream.” Natawa ito. “Actually, puro kagaya ko ang mga iyon na mahihilig sa matatamis.” “We can serve cake,” mabilis na sabi niya at naisip si Imee. Sa wedding girls ay si Imee ang eksperto sa mga pastries and cakes. Ang totoo, kapag ang dessert na pinipili ng kliyente niya ay kakailanganin pang i-bake, ipinapasa na niya iyon kay Imee at sila na lang ng kaibigan ang nag-uusap ng tungkol sa presyo. “Nasabi sa akin ni Jenna na may wedding supplier din siya na eksperto sa cake. Hindi pa kasi kami nagkakausap but I’m thinking if it’s possible na miniature cake ng wedding cake ko ang ihahain sa dessert table,” sabi ni Lerma. “Puwede iyon. Makikipag-coordinate ako kay Imee, iyong baker ng Perfect Wedding. But it would be costly. Kung marami kasing details ang cake na mapipili mo, natural ganoon din ang magiging miniature cakes.” “Okay lang. We want the best for our wedding,” sabi uli ng future groom. Napangiti si Samantha. Sa totoo lang, kahit na sabihin pang medyo mahirap kausap ang mga kliyente hindi iyon nagiging problema sa kanya basta willing magbayad ang mga ito. Bagaman naiintindihan naman niya na mahirap ang buhay, mas maigsi ang pasensya niya sa mga kliyente na hindi pa nauunawaan ang kalidad ng serbisyo na kaya niyang ibigay ay puro discount na ang hinihingi sa kanya. Kung minsan nga, pakiramdam niya ay binabarat na ang presyo niya samantalang hindi naman niya ugaling mag-overprice at hindi rin naman niya nahihingi ang mga rekado at karne sa supermarket at Farmer’s market. Nakakalimutan yata ng mga barat na kliyente na hindi rin libre ang pagtatrabaho sa kanya ng staff niya, sa kitchen man or sa waitering. Pagkatapos ng mahigit pang isang oras ay nai-finalize na rin ni Lerma ang desisyon nito para sa menu ng kasal nito. “May gusto sana akong i-request, Samantha,” dagdag nito. “Ano iyon?” “Please prepare assorted drinks. Orange juice, soft drinks, coffee and tea. Lalo na sa principal sponsors namin, karamihan sa kanila, gusto ng kape or tea pagkatapos ng meal.” “It’s alright.” At gumugol pa siya ng ilang minuto para sa adjustment ng babayaran ng mga ito. Mayamaya pa, ipinaliwanag niya sa dalawa kung bakit naging ganoon ang presyong inabot ng pipirmahang kontrata. “Sige, ipa-prepare mo na ang contract,” sabi ni Lerma na napatunayan nga niyang willing magbayad kahit na medyo mahal ang presyong sinabi niya. “Darling, kaninong tseke ang ibibigay natin kay Samantha?” baling nito sa fiance. “Ito nang sa akin,” mabilis na sagot nito at mabilis ding inilabas ang checkbook. “Tumatanggap ka naman ng tseke, hindi ba?” tanong sa kanya ni Lerma. Tumango siya. “Any major checks for the reservation and downpayment is accepted. Pero iyong susunod na payment saka iyong final payment, I prefer cash.” “We understand. Huwag kang mag-alala, magdadala kami ng cash sa susunod.” Kalahating oras pa yata ang lumipas bago naging lubos ang ngiti niya. Pirmado na ang kontrata at hawak na rin niya ang tseke. Dagdag na sales niya iyon para sa buwan na iyon. At kapag nabayaran siya ng buo, madadagdagan na naman ang savings niya. Ugali na niyang sa panghuling bayad kumuha ng para sa savings niya. ang mga paunang bayad ang siyang ginagawa niyang puhunan pambili ng pagkain at pangbayad sa mga kusinera niya at staff. “Ma’am, tumawag ang mama ninyo. Baka daw makalimutan ninyo iyong kasal na pupuntahan ninyo ngayong gabi,” paalala sa kanya ng sekretarya niya. “Hindi ko nakakalimutan. Pakisabi mo sa kanya na tutuloy na ako sa parlor pagkatapos ko dito.” Ngunit mabilis ding nagbago ang kanyang isip. “Huwag na pala, Anna. Ako na lang ang tatawag sa kanya.” “HANGGANG ngayon, nanghihingi ng dispensa si Kumareng Cora sa atin. Kung hindi nga lang daw regalo ng isang ninong sa kasal ang food and drinks sa kasal ni Carla, talagang ikaw ang kukunin niyang caterer,” sabi ni Mrs. Betty Leanio, ang mama niya habang patungo sila sa Manila Cathedral upang dumalo ng kasal. “Wala namang problema sa akin kung hindi ako ang nag-service, Ma,” sport na sagot niya. “Actually, ito iyong pagkakataon ko para ma-enjoy naman ang isang kasalan. Kahit na ba sanay na ako sa ganitong okasyon, iba pa rin naman ang pakiramdam na isa ako sa mga guests at hindi iyon ako ang abalang-abala kung meron pa ba o wala nang nakahain sa buffet table.” “Pero sa dami ng guests ni Carla, sayang din naman na hindi ikaw ang nakakontrata, ‘no?” Napangiti siya. Matagal na niyang alam na sa ina siya nagmana ng pagiging businessminded. “Sayang kung sa sayang pero talagang ganoon. Hindi naman lahat ng ikakasal ay ako ang papalarin na mag-cater. Pero okay lang din, Ma. Kanina, may naisara akong kontrata. Hindi kasing-bongga ng kasal ni Carla pero maganda rin naman ang naging presyo. Madadagdagan nang malaki ang savings ko. Most probably, early next year ay mabili ko na iyong dream lot ko sa Tagaytay.” “Meron na tayong bahay-bakasyunan sa Antipolo kung bakit gustong-gusto mo pa rin ang loteng iyon. Kanino ko pa ba ipapamana ang mga naipundar ko kundi sa iyo rin? Nag-iisa lang naman kitang anak.” “Ma, para namang hindi mo alam ang katwiran ko. Magandang investment ang lupa. Saka ideal ang lokasyon ng sinasabi ko sa inyong lote. Kung pagawaan ko man iyon ng bahay pagdating ng panahon o tayuan ko ng restaurant, hindi ako lugi. Iyong sinasabi mong bahay natin sa Antipolo, matagal na iyon. Marami na tayong memories doon lalo na noong buhay pa si Papa. For sure, hindi ko iyon magagawang ibenta kung kailanganin ko mang magbenta ng lupa. Unlike iyong mga properties na ipinupundar ko ngayon. Puwede kong ibenta pagkaraan ng ilang panahon,” mahabang sabi niya. “Pero kasasabi mo lang na dream lot mo iyong sa Tagaytay. Paano mo iyon ibebenta kung dream lot mo nga?” “Lahat naman ng loteng binili ko, dream lot ko,” natatawang sagot niya. “Pero kung may kakagat sa gusto kong presyo, bakit hindi ko ibebenta?” Lahat halos ng kinita niya sa catering business niya, maliban sa itinakda niyang panggastos sa sarili buwan-buwan ay sa pambili ng lupa napupunta. Para sa kanya ay mas magandang investment iyon kaysa alahas. Nagpupundar man siya ng alahas ay yaong hindi ubod ng mahal. Kaya nga madalas ay kinakantiyawan siya ni Lynette na alahera sa wedding girls. Kuripot daw siya. Hindi totoo iyon. Nagkataon lang na iba ang priority niya pagdating sa pagdadalhan ng kinikita niya. “Samantha, kung hindi ako nagkakamali, bukod diyan sa loteng pinapangarap mong bilhin sa Tagaytay ay may iba ka pang gusto sa ibang lokasyon,” anang mama niya. “Ikaw ba ang nakasagot ng telepono nang may tumawag sa aking ahente ng lupa?” sa halip ay sagot niya. Tumango ito. “Baka daw magustuhan mo iyong lote sa gawing Montalban. Mababa pa ang presyo kung tutuusin pero malamang ay bigla ring tataas dahil may nagde-develop na raw ng lupa malapit doon. Maganda daw sana kung susunggaban mo na. Puwede daw iyong gawing commercial lot kung patatayuan mo ng building.” “I’ll think about it,” mabilis na sagot niya na ang iniisip ay ang halaga ng kanyang ipon. Suki na siya ng ahenteng iyon. Karamihan sa lupang nabili niya ay sa nasabing ahente nagdaan ang bilihan kaya tiwala na siya dito. “Iyong pag-aasawa, Samantha, kailan mo naman kaya pag-iisipan?” biglang tanong ng kanyang mama. Nabigla din siya sa narinig. “Don’t look at me like that,” natatawang wika niya. “Hindi naman ako magmomongha. Last month lang ay may boyfriend ako.” “That was last month. Next week, malamang ay may ipakilala ka na naman sa aking bagong boyfriend. Pero hindi naman ako magugulat na kung pagkatapos lang ng dalawa o tatlong buwan ay wala ka na namang boyfriend. Hindi ka ba puwedeng mag-boyfriend na magtatagal? Iyong sa kasalan ang uwi?” “Wish ko rin iyon, Ma. Pero ano ang magagawa ko? Iyon namang mga lalaking sinasagot ko, akala ko, sila na nga ang para sa akin only to find out later na hindi pala. Mas practical nang makipaghiwalay habang maaga kaysa naman gumugol pa kami ng oras sa isa’t isa gayong alam naming wala na rin namang mangyayari.” “But you’re not getting any younger.” “Twenty-eight lang ako. Sa ibang bansa nga, iyong mga babaeng tutuntong na sa kuwarenta, hindi pa natitigatig.” “Iba tayo dito,” katwiran ng mama niya. “Saka hindi mo pa ba gustong magkaroon na ng sariling pamilya? Mas magandang habang bata ka pa ay may sairli ka nang pamilya. Kung magkakaanak ka next year or the year after, mas marami kayong magiging time sa isa’t isa. Look at us, twenty-three years lang ang agwat ko sa iyo. And in fact, noong panahon ko, medyo may-edad na rin ang nag-aasawa sa edad na beinte y tres. Sana nga lang ay matibay ang naging matris ko para nagkaanak pa ako ng isa pa o dalawa. Kaso, paglabas mo ay kasabay na ring tinanggal ang bahay-bata ko dahil masyado raw manipis at ikamamatay ko lang kung magbubuntis akong muli.” “Mabuti naman akong anak, ah?” depensa niya. “Hindi naman ako sakit ng ulo ninyo ni Papa kahit na nga ba kasabihan nang kapag solong anak ay spoiled brat.” “Yes, Samantha. You’ve always been a good daughter to us. How I wish your father is still alive. Tatatlo na nga lang tayo sa pamilya ay maaga pa niya tayong iniwan.” Nabahiran ng lungkot ang tinig nito. Tatlong taon nang patay ang papa niya pero kapag nababanggit ito sa usapan ay hindi puwedeng hindi pangingiliran ng luha ang mama niya. “Wala tayong magagawa, Ma. We did everything para makasalba siya sa cancer pero hanggang doon na lang siguro siya talaga,” realistic na sagot niya. “At least, naibigay natin sa kanya ang lahat ng medical attention.” “Kaya nga kung ako ang masusunod ay gusto kong mag-asawa ka na. Para naman magkaroon na ako ng apo at maging libangan ko. Kapag busy ka sa negosyo mo at naiiwan ako sa bahay, palaging ang papa mo ang nasa isip ko.” “I’ll get married, Ma. Wala kang dapat ipag-alala sa bagay na iyan.” “Excuse me po,” lingon sa kanila ng driver. “Narito na po tayo.” Saka pa lang nila napansin na nasa parking area na sila ng Manila Cathedral. “Marami nang mga bisita,” aniya habang pababa silang mag-ina. “We’re on time,” sagot ng mama niya. “Hayan at pumaparada na rin ang bridal car sa tapat ng pinto.” Pero sinulyapan lang niya iyon. Ang higit na nakatawag ng pansin ni Samantha ay ang isang lalaking palabas ng kotse na katabi ng sa kanila. “Joshua?!” Magkakahalo ang shock, excitement at tuwa sa tinig niya. Gulat din itong napatingin sa kanya. Sandaling nangunot ang noo ng lalaki ngunit mabilis ding naunat iyon at ang ngiting gumuhit sa mga labi ay halos umabot sa magkabilang tenga. “Samantha!” Halos sabay nilang tinawid ang distansya sa pagitan nila. Bumuka ang mga bisig niya bilang pagbati at sinamantala naman iyon ng lalaki upang yakapin siya. She was stunned. Kay higpit ng yakap na iyon. At bago matapos ang ilang sandaling pagyakap ay hinalikan pa siya nito sa magkabilang pisngi. “God, Sammy, I missed you.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook