Prologue
"Ynah!" malakas na sigaw ang bumulabog sa loob ng maliit na silong na iyon kung saan pinapalibutan ng mga trapal at sira-sirang fly wood ang maliit na kubo-kubo.
Lumabas ang isang lalaking naka-kulay asul at gula-gulanit ang damit bakas sa maduming mukha nito ang inis at labis na galit. Padabog na hinalughog ng lalaki ang loob ng kubo na parang may hinahanap.
"B-bakit ho, Itay?" Nakayukong lumapit sa ama ang walong taong gulang na si Ynah. Bakas sa inosenteng mukha nito ang pagkabahala at pagkatakot sa itsura ng ama. Takot na dati na nitong nakasanayan.
"Bakit ganito ang ulam natin bagoong na naman? Kahapon bagoong, kaninang umaga bagoong puro nalang bagoong, Pesteng buhay ito! Kailan pa ba kayo magsasawa sa pesteng ulam na ito?" Malakas na tinabig ng ama ni Ynah ang pinggan na nasa harapan kaya sumabog ang laman niyon sa sahig na kawayan.
Yakap yakap ang patpating katawan habang nakatunghay sa mala-demonyong mukha ng kanyang ama. Humihikbing tiningala ng batang babae ang ama.
"Anong iniiyak iyak mo ha! Nasaan na 'yang malandi mong nanay ha? Nakikipaglandian na naman ba kay Nestor? Wala kayong silbi! Mga walang kwenta!" bulyaw ng amain ng batang babae.. Kasing dilim ng kalangitan ang mukha ng ama ni Ynah. Para itong papatay ng tao sa oras na 'yon.
"N-nasa kanila ni Tiyang Sandy si Inang nagl-lalabada ho siya, ITay." humihikbing wika ni Ynah. Yakap yakap nito ang payat na katawan sa takot at pangamba.
"Naglalabada, pweh! Ang sabihin mo nakikipaglandian na naman kay Nestor kilala ko 'yang ina mo, Ynah. Kung hindi lang sana ako nilandi landi noon hindi sana magkakaganito ang peste kong buhay mga wala kayong kwenta! Nasaan na ang perang iniwan ng babaeng 'yon? Akin na!" mabalagsik na hinigit nito ang braso ng anak na siyang kinangiwi ng bata.
"P--pero, Itay--"
"Huwag mo 'kong ma tatay-tatay riyan ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi mo ako tatay iyan ang ipasok mo diyan sa maliit mong kokote. Hindi ako ang ama mo! Anak ka ng kabit ng malandi mong nanay! Akin na ang pera kung ayaw mong masaktan. Akin na!" galit na sigaw ni Randy sa anak habang pinipilit na kunin ang perang iniwan ng kanyang asawa.
Dali daling binigay ni Ynah ang pera sa kanyang ama na iniwan nang kanyang ina para sana ibili nang kanilang makakain. Pahablot na kinuha ito nang kanyang ama bago pagalit na lumabas sa kanilang maliit na kubo-kubo.
Umiiyak na napaupo ang batang babae sa sahig dahil sa nasaktang braso at masasakit na salitang iniwan ng amain. Lagi nalang ganito ang ama niya simula ng ipanganak ang kapatid niyang si Yannie. Nagiging lasinggero at magagalitin na ang ama ng bata kapag umuuwi sa tahanan nila lalo pa't kung hindi ito mabibigyan ng sariling gusto. Ang pera.
Ilang minutong lumuha ang bata dahil sa sakit na narinig mula sa sariling ama ng pumasok ang nakababata nitong kapatid na si Yannie na galing sa paaralan.
"Ate Ynah!" tawag nang bunsong kapatid ni Ynah na si Yannie sa pintuan. Mabilis namang tumayo ang bata at inayos ang sarili.
"O-ohh, kamusta naman ang klase nang B-baby Yannie ko. Aba! Ang sigla sigla ng bunso ko, ah" pilit na nginitian ni Ynah ang limang taong gulang na kapatid.
"Ayos n-naman po, Teng Ynah, sabi nga ni Teacher Angel ko berrry good daw ako tingnan mo Ate may star ako, ohh" pagmamalaking pinakita ni Yannie ang star na nasa kamay nito.
"Wow! Ang galing galing naman nang bunso ko sabi ko sayo 'e nakasunod ka sakin s-siguradong matutuwa si Nanay pagnakita niyang may star ka uli" natatawang sabi nito sa kapatid.
Natutuwang makita ni Ynah ang masayang mukha ng kapatid lalo na kung pinagmamalaki nito ang nakuha nitong mga star at puntos galing sa paaralan. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ng batang babae at nakalimutan na ang pananakit ng sariling ama.
"S-saka din si tatay, Ate? Ipapakita ko din sa kanya star ko matutuwa din siya di ba, Teng Ynah?" nababakas na mukha nito ang kasiyahan kaya malungkot na ngumiti na lamang si Ynah sa nakababatang kapatid.
Saglit na natigilan ni Ynah at nilingon ang masayang mukha ng kapatid.
"A-ahh oo naman tiyak na matutuwa si I-itay pero sa susunod mo nalang ipakita sa kanya pag marami ka ng star, ha?"
"Gano'n ba Ate, sige po! Pagbubutihin ko pa, Ate para madami ako star ipakikita kay Tatang."
"Ayan good girl " pilit ang ngiting binigay ni Ynah kay Yannie. "Ohh, halika na kumain na tayo naglalabada pa si Inay kila Tiyang Sandy baka maya-maya dadating na 'yon" Yaya nito sa kapatid.
"Opo, Te Ynah. Gutom na nga po ako e buti nalang binigyan ako ni Kai-kai kanina ng kaunting tinapay kaya hindi ako nagutom." Dali-daling lumapit si Yannie sa lamesa kasunod si Ynah. "Wow! Ang bango naman nang ulam natin Ate. Fried chicken!" biro ni Yannie nang makita ang bagoong na nasa lamesa kasama ng sunog na talong.
"Tinapon na naman ni Ming-ming ang bagoong Ate ohh, sayang pasaway talaga si Ming ming Ate eh.." tukoy ni Yannie sa bagoong na natapon sa lapag na tinabig ng ama ng dalawang bata.
"Hayaan muna sige na kumain ka na para sabay na tayong pumunta sa paaralan aantayin ko lang si Inang sa labas"
"Sige po Ate, ang sarap sarap ulam natin pried chiken. Hmmm salap salap!"
Saglit na iniwan ni Ynah si Yannie sa kusina bago pumasok sa isang kwarto na siyang hinihigaang ng magkapatid para magpalit nang uniporme sa paaralan.
---------Fast-----Forward--------
Malakas na kalabog ang bumulabog sa natutulog na diwa ni Ynah. Maging ang sigaw ng kanyang ama ang siyang nagpagising sa kanya.
"Letse kang babae ka i-ilang beses ko bang sasabihin s-sayo na tigilan mo na a-ang pakikipaglandian kay Nestor hah! hindi ka talaga titigil gusto mo talagang masahktan k-ka pa. H-haliparot ka talaga, Isabel!"
Bulyaw ni Randy sa asawang nakabulagta sa sahig na puro pasa ang katawan dahil sa pananakit ng asawa rito.
"R-randy maawa ka itigil mo na 'to hindi totoo ang sinasabi ni Flor na-napadaan lamang ako sa kanila at tinawag niya lamang ako para sana maglabada sa kaniyang I-ina" Umiiyak na pakiusap nang Ina ni Ynah sa asawang lango nasa alak.
Nakakatakot ang mukha nito kaya labis na kaba ang nararamdaman ni Isabel sa asawa alam nitong sasaktan na naman siya ng kanyang asawa.
"Hah! ako pa l-lokohin mo lumang d-diskarte na iyan sa 'kin Isabel, hindi m-mo na ako madadaan sa panloloko mo. Gumawa ka pa talaga ng kwento ha!" bulyaw niya dito bago malakas na sinampal ito na kinaiyak ng ng Ina ni Ynah at Yannie.
Napabangon si Ynah sa higaan nang marinig na nag-aaway na naman ang ama at ina. Agad na napalingon si Ynah sa kapatid sa tabi nito na mahimbing paring natutulog si Yannie.
Kaagad bumaba ang bata sa higaan para puntahan ang ina sa kabilang silid na sinasaktan nang ama nito. Rinig na rinig ng batang babae ang impit na sigaw ng ina at ang mahihinang hikbi na nanggagaling roon.
"R-randy.. maawa ka tama na! Hindi ko na uulitin Randy maawa ka sa'kin.. baka magising ang mga bata" umiiyak na pakiusap ni Isabel sa asawa na puro pasa ang mukha at katawan.
"H-hoy! hindi ko sila anak, anak mo lang sila sa mga lalaki mo pati na iyang Ynah na 'yan anak siguro ng tarantadong Nestor mo. Huwag na huwag mong ipipilit sa'kin na anak ko sila!"
"A-ano ka ba, Randy! Anak mo sila at hindi magb-bago 'yon huwag mong pagtabuyan ang sarili mong anak ikaw ang tarantado!" sigaw ni Isabel sa asawa na lalong ikinagalit nito.
"Matapang ka na! Sumasagot ka na sakin!" Mabilis na iwinasiwas nito ang hawak na sinturon para sana saktan ang asawa na mabilis na sinalag ni Ynah ng makitang tatama iyon sa mukha ng sariling Ina kaya nasalag iyon ng batang babae at tumama ito sa braso at katawan nito na ikinagulat ng ama at ina ng bata.
"Y-ynah!" gulat na sigaw ng ina ni Ynah ng makitang namumula ang pisngi ni Ynah at braso.
"T-tama na, Itay, lagi mo nalang sinasaktan si Nanay kahit hindi naman totoo ang binibintang sa kaniya na mga paratang!" mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Ynah sa ama bakas sa mukha nito ang sakit na ginawa nang ama.
"Hah! At nakisali ka pa talaga gusto mo ring masaktan gaya nang malandi mong ina. Lumalaban ka na! Pareho lang kayo nang ina mo mga walang kwenta! mag sama kayong dalawa!" malakas na sinabunutan ni Randy ang anak.
"L-lahat kayo mga wha-lang kwenta pabigat kayong lahat magsama kayo nang ina mo! Tandaan niyo mula ngayon hinding-hindi na'ko babalik sa i-impyernong bahay na ito. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha niyo lalo ka na, Isabel!" bulyaw ni Randy bago nito tinulak si Ynah nang ubod nang lakas kaya tumama ang balakang nito sa katreng hinihigaan ng magulang.
"Sumosobra k-ka na Randy pati sarili mong anak sinasaktan mo! Wala kang p-puso. Lumayas ka na dito a-at huwag ka nang babalik pa" umiiyak na sigaw ni Isabel sa asawa.
"Hah! Talagang aalis ako dito sasama na 'ko kay Flor mga walang kwenta! Diyan na kayo magsama kayo nang g*gong Nestor mo!" Padabog na lumabas sa kwarto ang ama ni Ynah na ikinaiyak pa lalo nang ina nito.
Patakbong nilapitan ni Ynah ang ina at niyakap nang mahigpit. Inindang batang babae ang pananakit ng pisngi at hita. Talagang sumama na ang ama ni Ynah sa kabit nito at na desisyunan na nitong iwan ng tuluyan ang sariling pamilya.
Humigpit ang pag kakayakap ni Ynah sa ina ng marinig ang mahihina nitong hikbi. Ito na ang simula ng pagdurusa ng mag ina. Kaya ipinapangako ni Ynah sa sarili na gagawin nito ang lahat para sa sariling pamilya. Gagawin niya ang lahat mabuhay lang silang tatlo.
Siya bilang panganay ang kakayod upang mabuhay sila sa masalumuot na mundong ito.