Chapter 2

1217 Words
Napanganga ako sa gulat habang tinitingnan ang lalaking mura nang mura sa aking tabi habang nagmamaneho. "Fck!" he whispered. Hindi ko maintindihan ang nangyari. Kanina lamang ay nakikipag-usap ako kay Mommy tungkol sa dinner namin kasama ang fiance ko tapos nakita ko siyang may binugbog at pinatay sa underground parking saka niya ako hinila at isinakay sa sasakyan kasi may bomba raw? "Bakit hindi mo ba sinabi sa akin, Terrence? Muntikan na kami roon!" naiiritang sambit niya. Dahil tahimik ang kaniyang sasakyan ay rinig na rinig ko ang mahihina niyang bulong. Hindi pa rin natatanggal ang takot sa aking puso at panginginig dahil muntikan na akong mamatay kung hindi niya ako isinakay sa kaniyang sasakyan. "Yes. Kami. May kasama akong babae ngayon. Nakita niya akong ginugulpi iyong lalaking iyon." Napasinghap ako nang maalala kong kausap ko pala si Mommy sa kabilang linya kaya kaagad kong tiningnan ang aking cellphone ngunit nang mapansin kong patay na pala ang tawag ay nangunot ang aking noo. Hindi ako puwedeng magkamali kanina kasi sigurado akong magkausap pa kami ni Mommy nang nasa loob pa ako ng underground parking. Hindi namatay iyong tawag kanina. Pero bakit ngayong tiningnan ko ay namatay na? Possible kayang dahil sa pagsabog kanina kaya naapektuhan ang signal ko? "I can't leave her," sambit niya bago kami tuluyang kainin ng katahimikan. Napalunok ako ng aking laway habang tinitingnan ang kaniyang bahay. Alam ko namang mayaman kami pero mukhang nakakalula yata ang ganda at garbo ng kaniyang bahay dahil sa mga nakakasilaw na diamonds sa kaniyang chandelier. Mukhang mamahalin din ang karamihan niyang gamit kagaya ng vase at iba't-ibang klase ng paintings na nakasabit sa diding ng kaniyang bahay. "Alam kong nagtataka ka kung bakit kita dinala rito," panimula niya at sumimsim sa kaniyang copita. Bumaba naman ang aking mga mata sa kaniyang adams apple lalo na nang umalon ito. Hindi ako nagsalita at iniling ang aking ulo saka iniangat muli ang aking mga mata sa kaniyang mukha. Guwapo siya, oo. Mukhang hindi nga siya taga isang purong Pinoy dahil mahahalata mo kaagad sa kaniyang mukha na may iba siyang lahi. Hindi ko nga lang sigurado. May makapal siyang kilay at almond eyes na akala mo ay medyo inaantok. Ang kulay naman ng kaniyang mata ay kulay asul. Kaya kapag nakikita ko ang mga mata niya ay para akong nahihipnotismo. May mahaba at maalon din siyang pilik mata at kung idadagdag mo naman ang kaniyang ilong, matangos ito at bumabagay sa kaniyang mukha at mata. Ang kaniyang labi naman ay bow-shaped lips at sobrang pula rin nito na akala mo ay gumagamit siya ng lip tint or lipstick. Medyo na-insecure tuloy ako dahil sa kaniyang mukha dahil sobrang guwapo niya at hindi mo aakalain na pumatay siya ng tao kanina nang kami ay nagkita. "Kailangan ko nang umuwi," matapang na sambit ko. Umangat naman ang gilid ng kaniyang labi at saka niya ibinaba ang hawak niyang copita na may white wine. Hindi niya tinanggal ang suot niyang itim na leather jacket. Doon ko lang din napansin na ang kaniyang panloob ay sando lamang at hapit na hapit ito sa kaniyang katawan. Kaya medyo halata rin ang kaniyang muscle. "Hindi ka uuwi dahil delikado. Hindi natin alam kung may susunod ba sa iyo. Saka sumabog ang university niyo dahil sa bomba, hindi ba?" paalala niya sa akin kaya natigilan ako. Naalala ko ang nangyari kanina kung paano sumabog ang university namin at nasisiguro kong matatagalan bago maka-recover ang university namin. Hindi ko rin sigurado kung ilang tao ang nadamay dahil sa nangyari pero mukhang madami ang nasawi dahil sa sobrang lakas ng bombang iyon. Kaagad kong binuksan ang aking cellphone para kausapin ang aking mga kaibigan. Sigurado akong nakarating na sila ang balita at hindi nga ako nagkakamali dahil nakatanggap ako nang maraming text messages. "Bawal ka munang gumamit ng cellphone," sambit niya at kaagad na hinablot ang aking cellphone. "Pero kailangan kong kausapin ang mga kaibigan ko kasi nag-aalala sila!" rason ko dahil totoo naman. Ngunit hindi siya nakinig at kaagad na nagpunta sa kaniyang puwesto kanina bago humarap muli sa akin. Nagtiim bagang siya pero hindi ako nagpatinag. Gusto ko na kasing umuwi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado kung mabuting tao nga ba ang lalaking ito. Nasaksihan ko kung paano siya pumatay kanina kaya gusto ko nang umalis sana dahil baka ako naman ang susunod niyang patayin. Ngunit bakit hindi ako kinakabahan magkamali at sigawan siya kahit na alam kong kaya naman niyang pumatay ng taong katulad ko? "They're okay," simpleng saad niya. "Kailangan nating mag-usap tungkol sa pamamalagi mo rito." "Ano? Magtatagal ako rito?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. Hindi kasi ako makapaniwala na titira ako sa bahay na ito na kung saan ay puwedeng-puwede niya akong patayin kapag may nagawa akong mali. At isa pa, hindi naman kami magkakilala para tumira ako rito nang matagal. "I need to secure your safety. Posibleng habulin ka ng mga kalaban ko dahil nandoon ka kanina sa underground parking at nakita mo ang nangyari kanina," paliwanag niya sa akin gamit ang mababa ngunit kalmado niyang boses. Ang kaniyang mukha at mga mata naman ay halatang sumisigaw nang malakas na kapangyarihan ngunit hindi man alng ako nangatog sa takot. I wonder why? "May bodyguards naman kung sakali! Puwede akong magpa-hire sa mga magulang ko!" dahilan ko. Umiling naman siya at natatawang isinandal ang kaniyang likod sa sofa. "Tingin mo kaya ka nilang protektahan sa mga nilalang na nakasalamuha ko kanina?" Nanlamig ako sa paraan nang pagsasalita niya dahil nawalan na ito ng emosyon. Tanging malamig na boses na lang ang aking narinig at tiningnan niya ako nang maigi na para bang binabasa ang aking isip. "Iniisip mo yatang mahihina ang mga iyon," aniya. "Kahit gaano pa karami ang mga bodyguard na mayroon ka kung hindi naman sila magaling sa pakikipaglaban, wala ring saysay." Inilabas niya ang isang stick ng sigarilyo sa kaniyang bulsa at inilagay sa kaniyang bibig ang upos ng sigarilyo saka ito sinindihan gamit ang isang mamahaling lighter. Tinitingnan ko lamang siya habang ginagawa iyon hanggang sa bumuga siya ng usok at tinaasan ako ng kilay. "Hindi basta-bastang tao ang nakalaban ko kanina. Kayang-kaya ka nilang matunton nang wala sa oras kapag wala kang kasamang bodyguards na magaling sa pakikipaglaban." "Anong klaseng tao ba kayo?" naguguluhang tanong ko na ikinatigil naman niya. Matagal siyang nakabawi hanggang sa lumitaw ang ngisi sa kaniyang labi bago sumimsim sa kaniyang copita ng alak. Naging isang linya ang kaniyang labi nang siya ay makuntento sa pag-inom ng alak at saka ito inilapag sa mesa. "Miyembro ako ng Mafia Organization," wika niya. Napanganga naman ako sa gulat dahil hindi ko inaasahan na magkikita kami. "And you shouldn't make eye contact with us," he uttered. Kinilabutan ako nang sabihin niya iyon hanggang sa nanlaki ang aking mga mata. Pamilyar ako sa mga Mafia at Gangster pero hindi ko inaakala na mayroon pala sila sa Pilipinas. "Next time na may makakasalamuha ka. Huwag na huwag mo silang titingnan sa kanilang mga mata." Tumayo siya at iniwan ako sa kaniyang sala na tulala. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo pa at hindi naman ako pamilyar sa rules nila. May mga rules kasi ang mga kagaya nila at ngayong unti-unti kong naiintindihan ang lahat ay pakiramdam kong hindi na ako mabubuhay nang tahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD