Pinayagan na nila akong makauwi matapos nang ilang araw. Kapalit no'n ay mas dumami pa ang mga bodyguard ko at hindi rin ako basta-basta maakalis ang bahay. Hindi naman ako pinagbabawalan ng mga magulang ko na mamasyal dahil alam naman nilang naglilibang pa lang ako ngayong taon. Nakausap ko na kasi sila na next school year na lang ako mag-aral lalo pa at sobrang hirap din ng sitwasyon ko ngayon. Sabi kasi sa akin ni Annalise, marami raaw nakamata sa akin na mga kalaban nila kaya impossible raw na makapasyal pa ako kagaya nang dati. Mainit daw ako sa mga mata nila dahil daw sa alam nilang nasa tabi ako ni Kazimir at palagi raw akong nakadikit sa kanila. Hindi ko nga alam kung bakit pa nila ako hinayaang mabuhay kung ganito rin lang naman ang mangyayari sa akin. Exposed na ako sa mafia w

