Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa mansion kasama sila. Kung tutuusin ay puwede naman na akong umuwi pero sinabi ni Annalise na huwag muna dahil delikado pa raw. Sa ilang araw nga na nandito ako ay hindi pa kami nakakapag-usap ni Kazimir dahil hanggang ngayon ay nag-uusap-usap ap rin silang magkakaibigan. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila pero may pagkakataon na nagtatalo sila. Dapat nga ay hindi na ako nakikinig sa mga ganitong pag-uusap nila dahil gumagamit sila ng ibang lenggwahe. Kaso hindi ko maintindihan kung bakit hinila ako ni Annalise rito. Sa totoo nga ay nanginginig na ako sa takot. Kasi hindi ko kayang pakinggan ang mga ginagawa nila. Bigla silang maglalabas ng baril at itututok sa mga kaibigan nila. Kung tutuusin nga ay da

