"Ayaw ko," ngumisi siya. "I fcking love you, Gladys Sloane. Hindi ko pa nga naipapakita kung paano kita mahalin tapos gusto mo nang itigil na natin?" Umiling ako at inihilamos ang aking mga palad sa aking mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin ito sa akin. Buo na ang desisyon ko. Ititigil ko na nga kasi kailangan kong harapin ang buhay na naghihintay sa akin. Kasi ano pa ba ang point ng pagmamahalan namin kung ikakasal ako sa iba? Natatawa ko siyang tiningnan. "Kazimir, hindi mo naiintindihan. Magkaiba ang mundong kinagagalawan natin. Isa kang mafia, isa akong Chinese." "What the hck are you saying? Hindi pa ba sapat iyong mahal kita?" naiinis na tanong niya sa akin. "Hindi! Bakit ba hindi mo maintindihan na Chinese ako? May sinusunod akong tradisyon, Kazimir!

