Akala ko lahat ng problema namin ay natapos na. Ngunit mali ako. "Azi!" sigaw ko sa kaniya habang patuloy siyang nakikipagpalitan ng putok ng baril sa mga kalaban niya. Lumingon siya sa akin at nakita niyang nagpupumiglas ako sa mga kaibigan niyang patuloy akong hinihila para makalayo kami sa lugar na iyon. Lugar na kung saan niya ako dinala noong una naming pagkikita at kung saan kami bumuo ng pamilya. Saksi ang bahay na iyon sa aming pagmamahalan. Bawat sulok, minarkahan namin dahil malaking parte ito sa aming buhay. Ngunit sa isang iglap, bigla itong tinupok ng apoy dahil sa mga kalaban nila na sumugod na lang basta-basta. "Azi!" sigaw ko sa kaniya kahit nanlalabo na ang aking mga mata. I can’t leave him alone. Mahal ko siya at kung saan siya, dapat nandoon din ako pero pinipilit

