"Saan mo gustong pumunta kapag nanganak na ako?" tanong ko sa kaniya. Natigil naman siya sa pagnguya at mabilis na lumingon sa akin na para bang nagtataka sa aking tinatanong. Gusto ko kasing mamasyal kami pagkatapos kong manganak. Ang problema lang ay hindi ako makapag-decide nang maayos. Kaya kailangan kong magpatulong kay Azi dahil siya lang naman ang mahilig pumunta sa ibang bansa dahil sa kaniyang mga transactions. "Hindi ka pa puwedeng magpunta sa kung saan pagkatapos mong manganak," striktong saad niya. Natigilan naman ako sa kaniyang sinabi. Oo nga naman. Bawal pa lalo pa at mainit sa mga mata ng kaniyang mga kalaban ang anak namin. Puwede naman niyang burahin ang records ni Kyler kung sakali pero mas mabuti pa ring maayos at naitatago namin nang maayos ang anak namin dahil sa

