Tama nga si Kazimir, buntis ako. Sinubukan kong mag-take ng pregnancy test noong araw na iyon at ang lumabas ay positive. Magmula noon ay nakokontrol ko na ang mood ko. Hindi ko na rin madalas pag-initan si Kazimir hindi kagaya noon na halos sampalin ko siya o hindi naman kaya ay sinasabuyan ko siya ng tubig. Humingi rin ako ng tawad sa kaniya dahil hindi naman makatarungan iyon sa side niya lalo pa pero umiling lang siya na parang naiintindihan ang mga nangyayari. "Magtitiis na lang ako. Ako naman may kasalanan kung bakit ka nabuntis." Iyan ang buong sinabi niya na hindi matanggal sa aking isipan. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kaniya at mas nakokonsensya sa ginawa ko. Kaya ginawa ko talaga ang lahat para hindi ko na siya mapagbuntunan. Kinausap ko ang anak namin na maging mabait na

