Akala ko matatapos na ang panggugulo niya sa akin pero nagkakamali ako. Kahit leave ko, hindi niya ako tinantanan. Palagi siyang nakasunod sa akin kung may pupuntahan man ako o hindi naman kaya ay nasa tapat siya ng aming bahay. Ipinagpapasalamat ko na lang talaga na wala pa ang mga magulang ko rito dahil kung mayroon? Siguradong malaking gulo na naman ang mangyayari. "Bakit ka ba sunod nang sunod? Hindi ba maliwanag sa iyo noon iyong sinabi kong itigil na natin ang ugnayan natin?" naiiritang tanong ko sa kaniya. Napilitan akong sumama sa kaniya ngayon dahil ayaw kong malaman ng aking mga magulang tungkol sa lalaking ito. Hindi kasi siya basta-basta at hindi rin naman simpleng tradisyon ang mayroon kami. Kung sa paningin ng iba ay puwedeng itigil o baguhin na lang kaagad, iyon ang impos

