Natauhan ako nang makarinig ako ng putok ng baril. Biglang humiwalay ang kaniyang labi sa akin at saka nagmura nang malutong. Nang imulat ko naman ang aking mga mata ay para akong binuhusan nang malamig na tubig lalo na nang mamukhaan ko ang lalaking kahalikan ko kanina. "What the fck? Terrence," bulong niya. "Bakit hindi niyo tiningnan nang maayos nang bar na ito?" Kaagad niya akong hinila kaya napasunod ako sa kaniya. Aligaga ko namang inilibot ang aking mga mata para hanapin ang dalawa kong kaibigan. "Sina Madel at Reina!" sita ko sa aking kasama. Sinubukan kong tumakas ngunit mahigpit ang kaniyang pagkakayakap sa aking bewang na naging sanhi para ako ay mas lalong kabahan. "Huwag kang malikot, Gladys!" sigaw niya at pinilit akong magpatuloy sa paglalakad. Kaagad namang pumalibot

