Paggising ko sa umaga ay bumungad sa akin ang mga branded na paper bags na nasa mismong maliit na table sa gilid ng aking kama. Mayroong VIP suite si Kazimir dito at mas malawak ito kumpara sa ibang room. Mabuti na lamang ay dalawa ang bed room pero alam ko kaagad na pumasok si Kazimir dito para ilapag ang mga ito. Mabilis akong bumangon at kaagad na nilapitan ito at doon ko lamang napagtanto na mga damit ko pala ito. Habang tiningnan ang mga laman ng paper bags ay may umagaw sa aking atensyon at iyon ang isang note na nakadikit sa mismong paper bag. Good morning :) Inilagay ko na rito. Hindi na kita ginising kasi mukhang masarap ang tulog mo. After mong makapag-ayos, kain tayo. Napa arko ang aking kilay sa kaniyang binitawang salita. Kung makapag aya kasi sa akin ay akala mo bati na k

