"Blooming ka yata ngayon, ha?" bungad sa akin ni Madel. Napairap naman ako at naupo sa bakanteng couch na may kalayuan sa kaniyang table. "Paanong hindi ako magiging blooming? Naka-leave ako nang isang buwan," wika ko at pinagkrus ang aking hita. "Taray! Seryoso ka? Naiinggit tuloy ako," malungkot na sambit niya. Ngunit maya-maya pa ay biglang nagbago ang kaniyang timpla at mabilis na nag-dial ng numero sa isang telephone. "Hello. Yes. Kindly cancel all my appointments this month. I'm taking my leave. Just reschedule it for next month." Napanganga ako sa gulat dahil hindi ko inaakala na magta-take rin siya ng kaniyang leave ngayon. Nang matapos siyang makipag-usap sa kaniyang secretary ay nakangiti niyang ibinaba ang telephone at mabilis na inayos ang kaniyang gamit. "Ayain na rin

