"Gladys! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na layuan mo ang lalaking iyon?!" sigaw sa akin ni Daddy. Nakarating na naman sa kaniya ang pagkikita namin ni Kazimir noong isang gabi. Hindi ko alam kung paano pero pakiramdam ko, may mga nakatingin sa akin na mga tauhan din lang ni Daddy. Kumpleto kaming lahat ngayon. Kapag sinabi kong lahat, lahat ng angkan ng Sy. Hindi ko alam kung para saan pero mukhang gusto nila akong ilayo sa lalaking mahal ko dahil sa tradisyon namin. Gusto talaga nilang i-preserve pero ayaw kong sundin. Kung noon gusto kong sumunod, ngayon ay ayaw ko. Mahal ko si Kazimir. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, handa akong lumabag sa mga gusto nila kahit na alam kong aayaw sila. "Dad, what's wrong with that? Mahal ko—" "You will learn to love your fiancé, Gladys. Ti

