Tumatak sa aking isipan ang mga binitawang salita ni Daddy. Hindi ko alam kung paano ko nakayang lumabas sa office niya nang hindi umiiyak. Never akong na-inlove dahil nakatatak na sa aking isipan ang mga sinabi nila sa akin noon. "Balang araw, makakapangasawa ka rin ng isang Chinese." Hindi ba puwedeng putulin na lang ang tradisyon na iyon? Hindi ba puwedeng sundin ang puso kaysa ang tradisyon? Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit paulit-ulit ko lamang naririnig ang sinabi ni Daddy. “Alam mong may lahi kang Chinese, Gladys. Half-Chinese ako, Half-Chinese rin ang Mommy mo.” “Hindi ka puwede sa mga taong hindi mo naman kalahi. Kaya habang maaga pa, tigilan mo iyang ginagawa mo.“ “Huwag mo akong susubukan, Gladys. Wala akong pakialam kahit Monreal pa iyan. Ang gusto ko lang sabihin

