Ilang araw na akong naiinis sa amoy niya kaya ilang gabi rin siyang nasa labas ng kuwarto namin natutulog. Ayaw maligo kapag pinapaligo ko tapos maiinis sa akin na kasi raw mabango naman siya. "Ano?" masungit na tanong ko nang lumingon siya sa gawi ko. Nasa dining area na kami ngayon pero ilang silya ang layo ko sa kaniya dahil naiinis ako sa amoy niya. Ewan ko nga rin kung bakit ako naiinis sa mukha niya. Hindi naman ako ganito noon pero bakit naman naiinis na ako nang sobra sa mukha niya? "Bakit ba kasi kailangang lumayo—" "Tinatanong pa ba iyan? Eh, naiinis ako sa pagmumukha mo at amoy mo," mataray na putol ko sa sasabihin niya dapat. Ipinagpatuloy ko naman ang paglantak ng pinya tapos isinasawsaw sa bagoong. Ito ang pinagdidiskitahan ko nitong mga nakaraang araw dahil wala akong m

