Chapter 2

1027 Words
KINABUKASAN ay maaga pa ring nagising si Ninia kahit na wala naman siyang tulog halos. Pasado alas siyete nang lumabas siya nang silid para sumabay sa oras nang almusal. Dito kasi sa bahay ng mga Villarubin ay sabay-sabay dapat kumain hangga't maaari. Napahihto siya sa tapat ng guest room na kanugnog nang kwarto niya dahil tila naririnig niyang nakabukas ang TV doon. Akmang lalapit pa siya para marinig iyong mabuti nang biglang lumabas si Alexis at huling-huli siya nito sa gusto sana niyang gawin.  "A-Alexis…" hiyang-hiya siya at hindi malaman kung ano ang gagawin. Sa huli ay nagyuko siya ng ulo para umiwas sa galit na naman nitong mata.  "What are you doing?!" singhal nito. Nag-u-umpisa na namang mag-rigodon ang t***k ng dibdib niya dahil heto na naman ito. Pagsisi-sigawan na naman siya.  "H-ha? W-wala. Narinig ko kasi n-na naka-ON ang TV. Pakikinggan ko lang sana. Dito ka ba natulog, Alexis?" utal-utal na sambit niya dahil sa nerbiyos na lumulukob na naman muli sa kanya. Kung tutuusin, dapat ay sanay na siya dahil sa tuwing kaharap ang lalake ay hindi naman siya nito kinausap ng hindi naka-singhal.  "Wala kang pakialam, okay?" iyon lang at tuluy-tuloy na itong nanaog ng hagdanan. Hindi niya maintindihan pero nakakaramdam siya nang kahungkagan sa paraan nang pag-trato nito sa kanya kahit pa nga ba para kay Nancy iyon at hindi sa kanya. Wala na siyang nagawa kung hindi tahimik na sumunod dito. Nakaupo na ito sa dining table kaharap ang mga magulang pagdating niya roon.  "Hija, maupo ka na," sambit ni Mrs. Villarubin nang makita siya.  "Siya nga naman, hija," segunda naman ng ama nito. Si Alexis ay walang pakialam na ni hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Nasa pagkain ang buong atensiyon nito at dire-diretso ang pag-subo.  "Hijo, kailan ipa-finalize ang line up ng partido ninyo?" tanong ni Mr. Villarubin sa anak na noon lamang nag-angat ng tingin.  "This weekend, Papa." "Dapat pala, hija, ay magpasukat tayo ng damit na isusuot mo sa pagtitipong iyon," ani Mrs. Villarubin sa kanya. Wala siyang reaksyon ngunit kita niyang nag-salubong agad ang kilay ni Alexis at binalingan ang ina.  "And what do you mean by that, Mama?"  "Naturalmente, para isuot ni Nancy sa party, hijo. Kailangang presentable kayong mag-asawa. Hindi ba't ikaw kamo ay may damit na?" nakangiting sabi ng mabait na ginang.  "So, ang plano mo ba ay pumunta ka roon nang mag-isa, hijo? Natural na hahanapin ng partido ang asawa mo," anang ama nito. Kitang-kita niya kung gaano kadilim ang anyo ni Alexis nang tingnan siya. Siguro'y kung kaya lang siya nitong tirisin sa sobrang galit sa kanya ay matagal na nitong ginawa.  "Then bring her to your designer, Mama," malamig nitong sabi.  "Yeah. Tutal ay nag-abiso na ako kay Sandra," sambit ng ginang na ang tinutukoy ay ang baklang designer at stylist nito.  "M-mama, sa tingin ko ho ay hindi na kailangan. Marami naman ho akong formal wear na pwedeng isuot." "Aba! Ano'ng nangyari at gusto mo yata na magsuot lamang ngayon ng lumang damit, Nancy?? Dati-rati malayo pa ang event na dadaluhan mo ay well prepared ka na. Anyway, sumama ka na sa Mama. Tutal ay kailangan mong maging maganda sa mata ng mga taga San Miguel. Iyon lang naman ang magiging papel mo kaya sulitin mo na," sarkastikong sabi nito.  "Alexis!" saway ng ama nito. "Excuse me, may lalakarin pa ako sa kapitolyo." Idinampi nito sa labi ang table cloth at saka tumayo. Matapos nitong humalik sa pisngi ng ina ay tuluyan ng lumabas ng komedor. Paglabas nito ay kitang-kita niya sa mata ng mag-asawang Villarubin ang awa para kay Nancy. Maging siya ay naaawa sa lagay ng kakambal. Lalo't tahasang inaamin ng asawa nito na pang-display lamang si Nancy para sa darating na eleksiyon.  GABI NA nang umuwi si Alexis. Mula sa bintana ng kanyang silid ay kita niyang sumusuray ito habang naglalakad papasok ng mansyon. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto para salubungin ito dahil maaari itong mahulog sa hagdanan sa klase ng lakad nitong iyon. Eksaktong kabubukas nito ng pintuan sa ibaba nang maabutan niya.  "Alexis…" sinalubong niya ito at akmang dadaluhan ngunit tinabig siya nito. Gayunman ay umagapay pa rin siya dahil hindi naman niya kaya na makitang mahulog na lamang ito sa hagdanan. "Go back to your room!" singhal nito nang tangkain niyang hawakan ito sa siko.  "Aalalayan lang kita. Tingnan mo nga ang hitsura mo, sa ayos mong 'yan ay hindi mo kayang umakyat," aniya na ang tinutukoy ay ang paggabay na lamang halos nito sa barandilya ng hagdanan.  "Bakit ba bumaba ka pa? Leave me alone, Nancy!" lasing na lasing man ito ay tuwid pa ring magsalita.  "Come on, Alexis. Don't be that rude." Sa pagkakataong iyon ay isinampay na niya ang isang braso nito sa kanyang balikat at tuluyan itong inalalayang maka-akyat.  "Stop it, Nancy! Hindi bagay sa 'yo," patuloy ito sa pag-insulto kay Nancy pero hindi naman na ito tumutol pa. Maya-maya ay naramdaman niyang ang halos buong bigat nito ay nakadagan na sa kanya. Hindi na rin ito nagsasalita kaya naisip niyang marahil ay nakakatulog na ito.  Buong sikap niya itong inalalayan. Kulang na lamang ay mangudngod siya sa may kataasan din na hagdanan dahil sa bigat nito. Kung sabagay ay malaking lalake si Alexis kaya given na iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay marating nila ang hallway sa itaas. Saglit siyang huminto para ayusin si Alexis. Lumipas pa ang limang minuto at sa wakas ay naipasok niya ito sa silid nito at ni Nancy. Hinilahod niya ito at ibinagsak sa kama. Ang mga paa nitong nakalawit ay isinampa niya saka inalis ang sapatos nito maging ang mga medyas. Ngunit ang mga damit nito ay hindi niya kayang alisin. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakakita ng lalaking hubad. Isipin pa na kapag binihisan niya ito ay siguradong madadaiti ang mga palad niya sa katawan ni Alexis. Naisip niyang baka magising pa ito habang ginagawa niya iyon at manumbalik na naman ang kagustuhan nitong sumiping sa kanya. Sa huli ay hinayaan na niya ito sa ganoong ayos saka na siya lumipat sa guest room na tinulugan nito nang nagdaang gabi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD