Chapter 3

911 Words
SA PARTY ng partido kung saan ipa-finalize ang line up para sa darating na local elections ay pinilit ni Ninia na ipinta sa labi ang isang totoong ngiti. Ginawa niya iyon magmula nang bumukas ang pinto ng kotse ni Alexis. Ito naman ay nakaalalay sa kanyang siko at todo dikit sa kanya na tila isang totoong mapagmahal na asawa.  "This is my wife, Nancy," pakilala nito sa kanya sa harap ng mga pulitikong naroon.  "Wala pa rin kupas ang asawa mo, Mayor," makahulugang sabi ng isang konsehal na kasama nila.  "Dapat ay bakuran mo ang asawa mo, Mayor. Uso ngayon ang mang-a-agaw ng asawa lalo't maganda kagaya ng asawa mo," sabi naman ng isang batang kongresista na napansin niyang kanina pa iba ang tingin sa kanya.  "Kaya nga madalang ko lang ilabas si Misis, Congressman, e," pabirong sagot ni Alexis. Kitang-kita ni Ninia nang pumakla ang ngiti nito bago siya tapunan ng pailalim at nang-u-uyam na tingin.  Sa paglipas ng mga oras ay hindi ito umalis sa kanyang tabi. Sa kislap ng mga camera na kakambal na yata nang mga ganoong pagtitipon, game na game ito at tila inaral din nitong mabuti ang bawat ngiting pinawawalan. Sa tuwina ay halos mag-kiskisan ang kanilang mga katawan na bagama' t ikinaiilang niya ay hindi niya maaaring ayawan. Batid nilang dalawa na sa kanila partikular na nakatingin ang lahat ng tao na naroroon at wala silang pagpipilian kung hindi umarteng magkasundo kung nais nilang mailuklok sa pwesto si Alexis.  "SA SUSUNOD nga ay huwag ka ng magpagandang masyado! Kung sabagay ay iyon naman nga pala talaga ang gusto mo. Gusto mo ay palaging nasa iyo ang mata ng lahat," himutok sa kanya ni Alexis habang lulan ng kotse pauwi. Sa lakas ng boses nito ay sigurado siyang naririnig sila nang personal driver nito. Mula sa rear view mirror ay nakita niyang pasimple nga itong nakatingin sa kanila ni Alexis kaya mas lalo siyang nanliit sa hiya. "Stop insulting me, Alexis. Kung ganito rin lang na lahat ng kilos ko ay may puna ka, ikaw na lang mag-isa ang pumunta sa mga pagpupulong ng partido n'yo. Huwag mo na akong isama." Inirapan niya ito. "Oo nga at pinabalik mo ako sa buhay mo para ibandera sa eleksiyon, pero hindi mo kailangang ipamukha sa akin 'yon araw-araw. Besides, ikaw naman ang nagsabi na I have to look my best." Hindi ito nakakibo. Naisip niyang marahil ay tinamaan ito kahit paano.  Pagdating sa mansyon ng mga Villarubin ay balik sila sa kanilang totoong estado. Sa guest room ito tumuloy samantalang siya ay sa silid ng mag-asawa. Sa sasakyan kanina habang pauwi ay animo na naman ito mabangis na tigre na handa siyang sakmalin anomang oras. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na sana ay totoo na lamang ang lahat ng ipinakita nito kanina sa mga tao. Na sana ay tunay na pinoprotektahan siya nito.  SA UNANG araw ng kampanya ay pormal na ipinakilala si Alexis sa isang political rally sa harap ng munisipyo. At naturalmente ay kabuntot na naman siya nito. Gaya nang mga nakaraang pagkakataon na nakaharap sila sa maraming tao, isang mamahaling kristal ang turing ni Alexis sa kanya nang araw na iyon sa harap ng mga taga-San Miguel.  Malakas na palakpakan ang maririnig sa bahaging iyon nang umakyat sa maliit na entablado si Alexis. Patunay na mainit na tinatanggap ng mga tao ang kandidatura nito. Ngunit kapansin-pansin na ang karamihan sa mga tumitili at pumapalakpak ay mga babae. Dalaga, may asawa at matrona ay mukhang hook sa kagwapuhan ng tumatakbong Mayor nang bayang iyon.  Kinuha siya nito sa kinauupuan at dinala sa gitna nang magpasya itong ipakilala siya sa mga tao. Muli niyang narinig ang palakpakan ngunit hindi kasing-lakas gaya kanina nang ito ang ipakilala nang emcee. Nagpatianod siya at bahayang kumaway sa mga tao, kasama ang ngiting pinilit niyang maging natural. Hindi niya dapat kalimutan ang bilin ni Alexis. Kailangan na ang makita ng mga tao ay in love na in love sila sa isa't isa. Ni isa ay wala dapat makaalam na may problema silang mag-asawa.  "KAPAG naging Mayor ba ako ay makaaasa ako sa suporta mo, Nancy?" tanong nito sa kanya sa harap ng almusal kasama ang ama at ina nito. Ngunit bago pa siya makasagot ay muli na itong nagsalita. "I doubt it," umiiling na sabi nito. "Knowing you, shopping, spa and salon ang interes mo." "Huwag mong pangunahan ang asawa mo, son," sabi ni Mrs. Villarubin sa anak. "Don't mind him, hija," sabi nito saka pinisil ang kamay niya.  "You're crossing the bridge kahit wala pa tayo roon, Alexis. Huwag kang magsalita ng tapos. Hintayin mong dumating ang pagka-panalo mo saka mo tingnan kung ano ang kaya kong gawin," sarkastikong sabi niya. Sukat doon ay kitang-kita niya ang biglang paggalaw ng mga muscle sa panga ni Alexis pero hindi siya nagpa-apekto. Nakipag-sukatan siya ng tingin dito.  "Sa isang linggo ay may medical mission na gagawin sa Barangay Sta. Rita. Hindi pwedeng hindi ka sasama. Kailangang ipakita mo sa mga tao na may puso ka para sa kanila." "Huwag kang mag-alala at sasama ako," nakaismid niyang sabi. Naiinis siya dahil kung pangunahan siya nito ay ganoon na lamang. Naalala niya bigla ang kakambal. Kung nagkataong si Nancy ang kasama ni Alexis ay siguradong susuko ito sa kakambal niya. Baka nga matalo pa ito dahil sa kaartehan ng kanyang kapatid. Sa style ni Nancy ay nungkang mapasama ito ni Alexis sa mga aktibidad na kailangan nitong daluhan lalo kung katirikan ng araw. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD