Chapter 4

1935 Words
NINIA MAAGA pa lamang ay marami ng nakapila sa maluwang na basketball court ng Sta. Rita. Ngayon ang araw ng medical mission ni Alexis at hindi niya maintindihan ang sarili pero excited siyang talaga. Sa katunayan ay mas nauna pa nga siyang nagising kaysa rito kaninang umaga. Nagluto siya ng almusal at dinatnan siya nito sa kusina na siya ang gumagawa noon. Maagang-maaga ay inuyam na siya nito. Ininsulto at sinabing masyado naman daw siyang umaarteng pabibo. Naisip tuloy niyang marahil ay hindi nilulutuan ni Nancy ng pagkain ang asawa kapag nasa bahay ang mga ito. Hindi siguro nasanay si Alexis sa ganoog set up kaya hindi niya masisisi kung ikanagulat nito ang ginagawa niya. Kung sabagay ay wala talaga sa personalidad ni Nancy ang maglalagi sa kusina. May mga naririnig siya sa ilang naging kasambahay ng kakambal na maging ang pagtatanggal ng scrunchie sa buhok nito ay inaasa pa nito sa iba. Na maging ang pagkakamot at pagsisintas nito ng sapatos ay hindi pa nito magawang mag-isa. Lihim siyang napabuntong-hininga. Hindi niya alam kung bakit naging gano'n si Nancy samantalang napalaki naman silang mabuti ng kanilang Mommy at Daddy. Dinisiplina naman sila ng mga ito noong malilit sila pero sadyang iba talaga ang ugali ng kapatid. Palibhasa'y marami itong naging kabarkada noon na ayaw man niyang sabihin pero naging masamang impluwensya kay Nancy. Simpleng jeans at red t-shirt na may mukha ni Alexis na naka-imprenta roon ang kanyang suot. Bawat araw ng pangangampanya nila ay nasanay na siya na ganoon ang kanilang uniform, kahit pa siya bilang si Ninia ay mabibilang sa daliri na nagsuot ng jeans at shirt. Madalas kasi ay naka-bestida siya kahit saan magpunta. Pero since mangangampanya sila, hindi pwedeng ganoon ang kanyang attire. Ayaw niyang pandilatan na naman siya ng asawa ng kakambal. Isa pa ay mas okay kung naka-jeans siya. Mas okay na attire iyon lalo't alam niyang hindi niya masyadong mapagtutuunan ng pansin ang sarili dahil magiging busy siya. Tatlong malalaking tent ang dinatnan nilang nakatayo sa basketball court. May ilang medical frontliner na nakatoka sa bawat tent na sa pagkakaalam niya ay galing sa iba't ibang barangay. Kahon-kahon ang mga ipamimigay na gamot. Bata, matanda, may sakit at wala ay mabibigyan. May libre pang mga food packs. "Nice smile, huh? Sana mapanindigan mo 'yan hanggang mamaya." Muntik na siyang mapapitlag nang mula sa likod ang umangil na naman si Alexis. Pinakapigil niya ang sarili na umikot ang kanyang eyeballs. Bakit ba daig pa nito ang CCTV cameras? Pakiramdam niya ay nakasunod sa kanyang galaw ang mga mata nito kaya nag-uumpisa na siyang mailang. Sa kabila ng pagiging abala nito sa mga residenteng naroon ay hindi pa rin talaga ito nawawalan ng time na usisain kung ano ang kanyang ginagawa. Parang humahanap talaga ito ng way para sirain ang araw niya. Palagi itong may puna. Parang wala na siyang ginawang tama. "Don't mind me, please? Maraming taong nakaabang sa'yo." Pagkasabi noon ay walang paalam na iniwan niya ito roon. Tinungo niya ang isang tent kung saan kasalukuyan ng binibigyan ng pangkaraniwang gamot ang mga bata. Tumulong siya sa pamamahagi. Gamot sa ubo, lagnat, sipon ang ilan lang sa nakita niyang nakapaloob sa mga paper bags. Pagkatapos ay inaabutan ang mga ito ng tig-iisang kiddie meal ng isang sikat na fast food. Tuwang-tuwa ang mga ito. Napangiti siya nang makakita ng batang pagkakuha ng kiddie meal ay ibinigay kaagad sa kapatid na karga-karga nito. Paalis na ang mga ito nang tawagin niya. Binigyan pa niya ng isa para sa nag-aalagang ate. Dala marahil ng labis na katuwaan ay nayakap pa siya ng mga ito. Hindi niya maintindihan pero kakaibang saya ang dulot sa kanya noon. Sobrang sarap sa pakiramdam na may napapasaya silang mga batang kagaya ng mga ito. Lingid sa kanya ay nakikita ang lahat ng iyon ni Alexis. NANG sumapit ang tanghali ay halos bumaha ng pagkain sa isang kulob na tent para sa mga staff. Marami na ang naroon pero siya ay naaliw sa patuloy na pamimigay sa mga bata. Mag-aalauna na ng tanghali ay naroon pa rin siya dahil marami pa ang nakapila at patuloy pang dumarating ang mga tao. "Magpahinga ka naman daw, sabi nila," sabi ni Alexis na hindi niya namalayang nakalapit. May dala itong bottled water na binuksan pa para sa kanya. Kinuha niya iyon at uminom. Sa tagal ng pagkakatayo niya rito ay talagang uhaw na siya. Nararamdaman din niya na tagaktak na ang pawis sa kanyang noo. Pinunasan niya iyon ng palad pero sinegundahan iyon ni Alexis ng panyo na dinukot nito sa bulsa. Ito ang nagpatuloy ng kanyang ginagawa. "T-thank you," awang ang bibig niyang sabi. Totoong nagulat siya sa ginawa nito. Sabihin pang kanina lamang ay para itong babaeng may period sa klase ng init ng ulo. Gusto na sana niyang magdiwang. Gusto niyang isipin na inaalala naman siya nito kahit paano. Pero naisip niyang ang lahat ay pakitang tao na naman ulit nito sa lahat ng mga taga-San Miguel. Siguradong kung sila lamang dalawa ay hahayaan nitong mamuti ang mata niya sa gutom. "Whew, nakakapagod," sabi niya para maibsan ang pagkailang na nararamdaman. "Masyado mo namang dinidibdib itong ginagawa natin," anas nito na sapat lamang para dumating sa kanyang pandinig. Ingat na ingat itong may makarinig na iba. "Masarap kasi sa pakiramdam na may mga napapasaya tayong tao. Ang hirap ipaliwanag pero iba 'yung fulfillment na nararadaman ko, Lex. Sana nga, ikaw ang maging Mayor para marami pang maging ganito," sabi niya pero bandang huli ay natigilan din. Parang gusto niyang mahiya sa sarili. Maging Mayor man si Alexis ay hindi naman siya ang first lady. Kung hindi si Nancy. Nang mapansin niyang nakatingin si Alexis sa kanya na para bang may nasabi siyang kamangha-mangha ay nag-react siya. "Bakit? Duda ka na naman sa sincerity ko? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin naniniwalang may kabutihan ding nakatago sa loob ko? Na sinisikap ko na talagang magbago para patunayan sa 'yo na gusto ko talagang isalba ang marriage natin?" Matagal bago ito sumagot. "Kumain ka na sa loob. Ako muna rito," sa halip na sagutin ang mga tanong niya ay tugon nito. "I-Ikaw, kumain ka na ba?" "Hindi pa rin." "Mayor, kami na ho diyan. Sabay na ho kayong mag-lunch nitong si Ma'am Nancy," anang dalawang barangay officials na lumapit sa kinaroroonan nila. Gaya ng inaasahan ay binigyan ito ni Alexis ng pamatay na ngiti kaya ginaya naman niya. "Kayo? Tapos na ba kayo?" "Tapos na ho kami." "Okay, good. Alam na alam n'yo naman na ayokong nagugutom kayo," biro pa ni Alexis sa mga ito. Pagkuwa'y ginagap nito ang palad niya at iginiya siya papasok sa tent na kinaroroonan ng mga pagkain. Pagdating doon ay pinaupo siya nito sa isang bakante ng mesa at ito pa ang kumuha ng pagkain para sa kanya. Mabilis lang ito at bumalik kaagad. Natuwa siya at hindi naman gaanong marami ang kinuha nito. Pero may napansin siya sa laman ng kanyang plato. May ilang pirasong buttered shrimp doon. Bagay na hindi niya kinakain. Allergic siya sa hipon. Napupuno ng pantal ang buo niyang katawan kapag kumakain siya noon. "Let's eat, I know na gutom ka na rin. Tiniis mo lang para maging maganda ang tingin sa 'yo ng mga tao, right?" Nang-uuyam na naman ang tinig nito pero hindi na lamang niya pinansin. Gutom na siyang talaga at mas gusto na lang niya ay kumain. Inumpisahan niyang galawin ang pagkain sa plato. Inubos niyang lahat ang inilagay nito pero iniwan niya ang shrimp. Kita niyang nangunot ang noo ni Alexis dahil doon. Kumakain pa rin ito pero sandaling huminto para titigan siya. "Why you don't eat that? Shrimp is your favorite, 'di ba?" Takang-taka ang boses nito at hindi niya napigilang mapalunok dahil doon. Kung bakit naman kasi nakalimutan niya na paborito nga pala ng kakambal niya ang hipon! Lumikot ang mata niya dahil doon. Nag-isip ng isasagot. "N-Nothing. I just don't want it right now." Sinadya niyang tapangan ang tinig. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na ito magtanong. "KUMUSTA sa Sta. Rita, hija?" Masayang mukha ni Misis Villarubin ang sumalubong sa kanila ni Alexis pag-uwi nang gabing iyon. Ginabi na sila dahil dumaan pa sila sa kapitolyo at nakipag-meeting pa ito sa partido. Nakakapagod pero masaya. Nakakatuwang marinig ang mga plataporma ni Alexis at iba pang mga balak nito sa bayan kung sakaling ito ang bagong uupong alkalde. Humalik siya sa pisngi ng ginang. Humawak ito sa isa niyang braso at humantong sila sa sofa. Si Alexis ay tahimik lamang na nakasunod. "It was good, Mama. Ang sarap magserbisyo sa mga tao," bokal sa loob niyang sabi dahil iyon naman talaga ang nararamdaman niya kanina. Sa bawat ngiti ng mga taong nakapila, sa bawat simpleng pasasalamat ng mga inosenteng batang naroon ay parang hinahaplos ang kanyang puso. "Stop those nonsense lies, Nancy. Tayo-tayo na lang ang nandito kaya pwede ka ng lumabas sa pagbabalatkayo mo," bigla ay tirada na naman ni Alexis. Doon ay nainis na siya ng tuluyan. Kung kanina ay nagagawa niyang magtimpi dahil ayaw niyang makaagaw sila ng atensyon sa mga tao, ngayon ay hindi na niya kayang palampasin. Tiningnan niya ito ng masama. Saka sinabi rito ang mga salitang kaninang-kanina pa niya gustong isatinig. "Bakit ba ganyan ka? Balewala ba sa 'yo lahat ng ginagawa ko? Wala bang chance na magbago ang isang tao? Ginagawa ko naman ang lahat, ah! Bakit paulit-ulit mo pa ring pinapaalala kung anong klaseng Nancy ako noon? Look, pinipilit kong magbago para sa 'yo. Para diyan sa kandidatura mo. Pero ano? Ito pa ang matatanggap ko?" Hindi niya alam pero bakit parang totoo ang sakit na nararamdaman niya? Batid niyang para kay Nancy ang lahat ng pang-uuyam nito pero hindi niya maiwasang masaktan dahil siya ang narito ngayon at hindi ang kakambal. "Nancy was right, hijo. Sa tingin ko ay nagiging unfair ka sa kanya," sabad ni Mrs. Villarubin. Natigilan ito at nawalan ng kibo. "Excuse me, Mama. Aakyat ho muna ako sa kwarto." Paalam niya sa matanda saka walang lingon-likod na umakyat sa hagdanan. HINDI na niya nakuhang maghapunan. Kinakatok siya ng maid pero sinabi niyang busog siya. Well, totoo naman 'yon. Kumain na sila ng early dinner bago umalis sa kapitolyo. Isa pa ay ayaw na niyang makaharap si Alexis. Kota na siya sa mga pang-iinsulto nito buong araw. Matapos mag-shower at magbihis ng damit pantulog ay humiga na siya. Nakakapod na maghapon ang nangyari sa kanya kaya naman sobrang sarap sa pakiramdam nang lumapat na ang likod niya sa kama. Napangiti siya bago pumikit nang bigla niyang marinig ang pag-click ng pinto. Hindi niya iyon nilo-lock dahil ayaw niyang baka kung ano ang isipin ni Alexis. Isa pa ay pwedeng mula sa guest room ay may biglang kuhanin ito sa kwarto. Kagaya nga ngayon. Nakita niyang bumukas ang pinto at iniluwa ito. Nakapantulog na rin na nakatingin sa kanya. "Why?" Hindi natiis niyang tanong. Pero sa sarili ay umuusal ng isang panalangin na sana ay hindi ito dito matutulog. "Nothing. I just want to say thank you and I'm sorry," sabi nito na ilang sandali pa munang nanatili sa ganoong pwesto. "It's okay. Good night," nagmamadali niyang sabi dahil gusto na niya itong lumabas. Kumakalabog na ang dibdib niya at hindi niya gusto ang pakiramdam na gano'n. "G-Good night." Lumabas din naman ito pagkatapos. Unti-unting bumalik sa normal ang t***k ng kanyang puso pero bigla ay nawala ang kanyang pagka-antok. Parang ayaw niyang maniwala na ang isang Alexis Villarubin ay hihingi ng paumanhin sa ipinakita nitong kagaspangan buong araw. Ito na ba ang umpisa ng pag-amo nito at pagtanggap sa akala ay pagbabago ng asawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD