Chapter 5

1730 Words
"NATUTUWA ako na makita ka na ulit dito sa mansyon, hija," sabi ng ama ni Alexis nang umagang iyon nang hatdan niya ito ng kape sa lanai. Sa mga unang araw niya sa mansyon ay ilag siya rito hindi kagaya kay Mrs. Villarubin na madali niyang nakapalagayan ng loob. Pero sa kabila noon ay pinipilit niyang umakto ng normal sa harap nito. Pinipilit niyang maging kaswal at umarteng sanay siya sa presensiya ng mga magulang ni Alexis. "And I'm hoping na tuluy-tuloy na ang reconciliation ninyong ito, Nancy," dagdag pa nito. Nakangiting tumango siya pagkatapos maupo sa harap nito. Humigop ito ng kape bago muling nagpatuloy. "Lalo na ngayon na kailangang-kailangan ka ni Alexis. Malakas ang kutob namin na mananalo siya. At kailangan ng isang Mayor ng isang first lady." Agad nabura ang ngiti niya nang marinig iyon. Alam na niyang kaya lamang tinanggap muli ni Alexis sa buhay si Nancy sa katauhan niya ay para gamitin sa eleksyon. Gayunman ay may kirot pa rin sa puso niya kapag naririnig ang bagay na iyon. Kahit paano ay nahahabag siya sa kakambal. Hindi bokal sa loob ng asawa nito na tanggapin itong muli at bigyan ng chance ang marriage ng mga ito, mana pa ay dahil sa kailangan lamang ni Alexis ng maibabanderang asawa sa araw ng eleksyon. Kung naroon lamang si Nancy, tiyak na sasabog ito sa galit. Sa taas ng pride nito ay siguradong makakatikim ng maaanghang na salita ang ama ni Alexis. Ngunit siya nga ngayon ang nasa katayuan nito. At nangako na siya kay Mrs. Villarubin na magbabago para maayos ang pagsasama nila ni Alexis. Itutuloy na lamang niya ang planong lusawin ang galit nito para kay Nancy. At alam niyang magagawa niya iyon. Matigas ang puso ni Alexis pero hindi siya titigil. HULING araw na nang pangangampanya. Maagang naghanda ang grupo ni Alexis para suyurin ang buong barangay sa bayan ng San Miguel. Siniguro niyang ang lahat ay may nakatalagang mga tao na lalakad para sa kanya. Matindi ang labanan. Hindi rin sumusuko ang kalaban niyang kasalukuyang Mayor. Lahat ng gawin niya ay tinatapatan nito kaya hindi rin siya nagpapakasigurado. Pinanghahawakan na lamang niya ang mga nababalitaan sa taong bayan na marami na ang may ayaw sa serbisyo ng kasalukuyang alkalde. Marami na ang nagrereklamo nitong huling termino nito kaya nakakita siya ng pagkakataon para tumakbo. He is thirty two. Tapos siya ng kursong Political Science major in Public Policy and Governance dahil pangarap talaga niya ang pumasok sa politika simula pa noon. Siguro ay nakuha niya ang fashion ng ama na dating gobernador ng kanilang lalawigan, gayundin ang kanyang lolo na Senador naman noong kapanahunan nito. "Alexis, good luck sa atin, hijo. Alam mo'y ito ang unang pagkakataon na kinalaban ako ng isang batang kagaya mo. But I don't take that serious. Sa tingin ko ay lamang pa rin ang ma-edad na sa serbisyo kagaya ko," nakangising sabi sa kanya ng kalaban sa pwesto na si Mayor Arnulfo. Nagkita sila sa kapitolyo at kagaya ng inaasahan na niya ay may pasaring na naman ito. Tipid siyang ngumiti. Ayaw na niyang patulan ito dahil masisira na naman ang araw niya at ayaw niyang mangyari iyon. Isa pa ay taong bayan naman ang magpapasya kung sino ang gustong iluklok ng mga ito. Sports naman siya at kung ayaw sa kanya ng tao ay buong puso niya iyong tatanggapin. "Well, good for you, Mayor. Kung ganyan ang pananaw mo ay mahimbing ka naman palang makakatulog sa gabi hanggang matapos ang botohan," mapakla niyang sabi sabay talikod dito. Pero bago ganap na malampasan ito ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagtatagis ng bagang ng singkwenta'y singko anyos na alkalde. Nitong mga nakaraang araw kasi ay pinalalampas lang niya ang mga pasaring nito pero ngayon ay napuno na siya. Bumalik siya sa table nila ni Nancy na madilim ang anyo. Siguradong kung matatalo siya ay magdidiwang ng husto ang corrupt na kasalukuyang Mayor. Iyon ang hindi niya masikmura. Ang patuloy itong mamuno habang ninanakaw ang kaban ng bayan. "May problema ba, Alexis?" puna ni Ninia nang muli siyang maupo sa tent nila ng buong partido. "Wala!" Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Make sure na aayusin mo ang pagharap sa mga tao mamaya. Ipakita mo sa kanila na ako ang karapat-dapat manalo dahil may isa akong mabuting asawa! Kahit kabaligtaran 'yon sa totoong buhay!" Nanggigigil niyang sabi. Pakiramdam niya ay nagtatagis ang kanyang bagang dahil sa tindi ng inis. Pinaghalong inis kay Mayor Arnulfo at dito sa asawa niyang si Nancy. Bigla ay naalala na naman niya ang pagtataksil nito. Kung owede lang talaga na mangangampanya siyang mag-isa ay hindi naman niya pababalikin ito sa buhay niya. Isa pa ay pinagbigyan lamang niya ang kanyang mga magulang na magkaayos silang mag-asawa. "Here you go again. Just wait and see. Huwag kang masyadong ma-stress. Kung hindi ikaw ang gusto ng mga taong ihalal, kahit anong gandang ipakita natin sa kanila sa pangangampanya, hindi pa rin ikaw ang mananalo. Nasa kanila ang desisyon at wala sa kung gaano kaganda ang ngiti ko!" pigil din ang gigil na sabi nito. Natahimik ako bigla. Tama si Nancy. Tao ang magdedesisyon kaya dapat ay doon ako magtiwala. HALOS gabi na naman nang matapos ang pag-iikot ng team Alexis sa buong San Miguel. Nakakapagod pero at least ay makakahinga na siya ng maluwag dahil wala na siyang ibang hihintayin kung hindi ang mismong araw ng halalan. Nagbilin siya sa mga tao na sa mansyon dumiretso dahil nagpahanda siyan ng salo-salo roon para sa lahat. Marami ng nauna roon pero sila ng kanyang mga bodyguards ay bumalik pa ulit sa kapitolyo dahil may nakalimutan siyang papeles. Dalawang sasakyan ang nasa unahan nila at isa sa likuran. "Malakas ang kutob ko na ako ang mananalo para sa pwestong ito, Nancy," sagad ang ngiti niyang sabi. Kanina habang nangangampanya sila ay halos magdiwang ang mga tao. May nagsabi pa na patalsikin na niya si Arnulfo at umupo na siya ora-mismo. "Don't be so sure, Alexis. Hindi natin alam ang magiging takbo ng labanan." "Teka nga muna, Nancy! Kanino ka ba talaga kampi, ha?" You sounds you don't want me to be the new town Mayor! Why, huh?" "Hindi sa gano'n, Alexis." "Then what? Oh, I knew it. Ayaw mong maging Mayor ako dahil mawawalan ako ng time sa 'yo, right? Selfish ka kasi kaya ayaw mong mangyari 'yung matagal ko ng gustong gawin sa buhay ko. Gusto mo na ikaw lang ang sentro ng lahat ng atensyon ko! You always wanted to be treated like as if you are the only one existed in this world. Kaya ka nga nanlalaki 'di ba?!" Kahit anong pigil ang gawin niya sa sarili ay paulit-ulit siyang bumabalik sa kasalanang nagawa ni Nancy. Pilitin man niyang idikta sa isip na buong pusong bigyan ng second chance ang asawa ay hindi niya talaga kayang kalimutan ang ginawa nito. "I'm not saying I don't want you to be the town Mayor, Alexis. Ang akin lang, don't jump into conclusions. Paano kung hindi mangyari ang inaasahan mo? I know na marami ang ikaw ang gustong umupo. But what if mas marami pala sa kalaban? Isipin mo nga kung gaano kasakit iyon para sa 'yo. Ayoko lang na masaktan ka kung sakali. Pero ikaw, ayan ka na naman. Ibinabalik mo na naman ang kasalanan ko na maging ako ay ipinipilit ko ng ibaon sa limot. Why is it so hard for you to forgive and forget, Alexis?" Natigilan naman siya. Ang hirap paniwalaan na concern sa feelings niya ang asawa pagkatapos nitong iputan siya sa ulo. Pero kung totoo man na iniisip lang nito ang damdamin niya, marahil ay ibang Nancy na nga ang kaharap niya. Sasagot sana siya nang bigla ay may balang tumama sa bintana sa gawi niya. Siya ang nag-drive ng kotse dahil marami naman siyang bodyguards sa convoy. Pero mukhang sa pagkakataong ito ay nasalisihan sila ng kalaban. Si Nancy sa tabi ay pansin niyang wala pang alam sa nangyayari. "Yuko, Nancy!" bulalas niya habang kinukuha ang kanyang baril sa dashboard ng kotse. "H-ha?" "I said, yumuko ka! Binabaril tayo!" "What?!!!" Oh my God!!" "Just stay there," aniya kay Nancy na balot ng takot ang mukha. Mula sa rearview mirror ay kita niyang wala na ang sasakyan ng bodyguards niya sa likod. Kinabahan siya dahil baka kung ano ang nangyari sa mga ito pero kailangang maging malinaw ang isip niya ngayon. Kailangang hindi magtagumpay kung sino man ang nasa likod nito. Muling nagpaputok ang kalaban. Panay sa gawi niya ang punta ng bala kaya alam niyang siya lamang talaga ang puntirya. Binuksan niya ang bintana at gumanti ng putok. Sharp shooter din siya kaya sapul ang bintana sa gawing driver nito. Isang beses pa itong nakapagpaputok pero sinunod-sunod niya ang mga pagganti. Pagkuwa'y muli niyang namataan ang sasakyan ng bodygurads niya na nakahabol. Biglang umiba ng daan ang sasakyang humahabol sa kanila. Ilang sandali pa ay nawala na ang mga ito. "Oh, God!" nanginginig ang boses na sabi ni Nancy na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin at nakahawak ang dalawang kamay sa ulo.  "You may uncover yourself now. Wala na sila," kalmado ng sabi niya. Inihinto niya sa gilid ng daan ang kotseng minamaneho para na rin i-check kung may nasaktan sa mga kasama nila. Sa pagtakbo niya bilang Mayor ay alam niyang posible ang mga ganitong bagay kaya sa lagi na ay inihahanda niya ang sarili. Dahan-dahang lumabas si Nancy sa pagkakaupo sa gilid ng pinto. Nag-alala siya dahil hanggang sa mga oras na iyon ay nanginginig ito. Tigmak din ng luha ang mga mata nito na noon lang niya nakita. Parang bigla ay nahabag siya sa asawa.  "A-Akala ko katapusan na natin," tulalang sabi nito na nakahawak pa sa dalawang pisngi ang mga palad. "A-ayoko ng putok ng baril. May phobia ako sa putok ng baril simula noong maliit ako dahil saksi ako sa isang holdap-an noon na kinamatay ng biktima," anito na halatang takot na takot pa rin. Kinabig niya ito at isinandig sa kanyang dibdib. Hindi niya alam ang side na iyon ng kanyang asawa. Ibang-iba ang Nancy na nakikita niya ngayon sa pagkatao ng Nancy na kilalang-kilala niya. Kilala niyang matapang at malakas ang loob ng asawa kaya hindi niya akalaing may kahinaan din pala ito.  "Ssshhh...we're safe now. Wala na sila. It's okay." Hindi niya maintindihan pero bigla ay parang gusto niya itong protektahan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD