Chapter 38

1732 Words

SA party kinagabihan muli ay tamad na tamad pumunta si Ninia. Malayong-malayo sa pakiramdam niya noong sa party at mga event ng partido ni Alexis siya pupunta. Palagi siyang ganado at halos hindi makapaghintay na mag-umaga kapag sinabi nitong may lakad sila kinabukasan. Ngayon ay wala siyang gana. Kulang na lang ay gustuhin niyang lumalim na ang gabi para wala na siyang ibang gagawin kung hindi ang matulog. Mas gusto kasi niya iyon. Kaysa ang magbabad sa mga parties na hindi naman talaga niya hilig. "Pero bakit noon kay Alexis ay palagi kang ganado? Ni hindi ka nga nakakaramdam ng pagka-bored noon," biglang hirit pa ng kanyang isip. Kung wala ang mga magulang rito ay magdadahilan na lang siguro siya kay Anthony. Pero siguradong pagagalitan siya ng kanyang Mommy at Daddy at sasabihin ng mga

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD