Chapter 11

1675 Words

KANINA sa barbecue party ay pinilit maging natural ni Ninia. Hindi naman siya nahirapan dahil masarap ka-bonding ang mga kaibigan ng mag-asawa. Mababait ang mga ito at mukhang talagang masasaya tungkol sa pagbabalikan nila. Pinilit din niyang memoryahin ang pangalan ng mga ito. Nakilala niya doon si Allen Jordan at ang asawa nitong si Belle. Ganoon din sina Martin at Jewel, at ang mag-asawang Ivan at Jade. Pero isa man sa mga ito ay walang naghinala na hindi siya si Nancy. Pansamantala rin niyang nakalimutan na nagpapanggap lamang siya. Naging masaya ang barbecue party. Panay ang bato ng tuksuhan sa kanila ni Alexis na sinusuklian lamang niya ng tipid na ngiti. Si Alexis naman ay nanatiling seryoso at walang ibang ginawa kung hindi titigan siya ng matiim. Lalo na nang tanungin siya ng isa

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD