Chapter 12

1823 Words

NANG maramdaman niya ang kamay nitong nakahanda ng ibaba ang zipper ng kanyang damit sa likod ay natauhan siya bigla. Tila nagising siya sa isang masarap na panaginip. Bahagya niya itong itinulak saka nang-aakit na pinaglakbay ang dalawang daliri niya sa pisngi nito. "Don't you think kakapusin na tayo sa oras? Seven o'clock na. Ang sabi mo'y eight o'clock ang umpisa ng pa-party sa 'yo ng mga empleyado ninyo." Maging ito ay parang biglang natauhan. Nawala ang nag-uumapoy na pagnanasa sa mga mata nito bagaman nananatiling malalim ang paghinga. Bigla itong umahon mula sa pagkakadagan sa kanya. "Oo nga pala," sabi nitong tila binuhusan ng malamig na tubig. Bumaba ito sa kama at tinungo ang naka-hanger nitong longsleeve para magbihis. Nakahinga naman siya ng maluwag. Sa isip ay mananatiling

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD