"Where do you want to celebrate your special day, Marriane?"
Naamoy pa ng dalaga ang imported na pabango ni Froilan nang sumagi sa kaniyang ilong ang bahagi ng katawan ng binata nang kinabitan siya nito ng seat belt. Hindi niya maikaila sa kaniyang damdamin na hindi lang mabait at mayaman si Froilan, napakaguwapo pa nito at napaka-romantic.
"Froilan..."
"Hmm? Bakit ganiyan ang tingin mo sa akin? You are seducing me..." Nakangiti ang binata dahil namumungay ang mga mata ng dalaga habang nakatitig sa kaniya.
"A-ano? Ikaw talaga. Hindi ha. Ahm...bakit kailangan pang mag-celebrate tayo? Hindi ako sanay na nagse-celebrate sa kaarawan ko. Sanay na akong natutulog na walang celebration. Thankful na ako sa Panginoon dahil sa buhay na idinagdag Niya sa akin."
Bakas na naman ang lungkot sa mga mata ni Marriane. Totoo nga naman, sa loob ng labing walong taon ng buhay niya, kahit minsan ay hindi niya naranasan ang naranasan ng ibang mga bata na naghahanda tuwing kaarawan.
"Pasensiya ka na, Marriane. Kahit pandesal lang sana ang maihanda natin sa kaarawan mo. Kulang na kulang kasi ang kita ko sa paglalabada. Binayad ko na naman sa utang natin sa tindahan ni Binyang. Nagagalit nga dahil hindi ko pa raw nabayarang lahat, mangungutang na naman ng bigas at saka de-lata."
"Wala po kayong dapat alalahanin Tiyang. Wala pong problema kung wala tayong handa. Sapat na naging malusog tayo at nabubuhay nang normal kahit salat tayo sa marangyang buhay. Malaki na po ang ang pasasalamat ko sa Diyos dahil ibinigay ka Niya sa akin. Sapat na po ang nagkaroon ako ng tiyahing katulad mo na nagmahal at nag-alaga po sa akin kahit hindi mo ako tunay na anak."
Nagsimulang tumulo ang luha ni Tiyang Lanie. Hindi man niya tunay na anak si Marriane, naging mahalaga ang pamangkin sa kaniyang buhay.
"Bakit ka na naman umiiyak, Marriane? Hayan, nasira tuloy ang kagandahan ng mga mata mo." Naalimpungatan si Marriane sa pagmumuni nang pahiran ni Froilan ang namuong luha sa kaniyang mga mata.
"S-sorry, Froilan. May naalala lang ako."
Kahit labag man sa loob ni Marriane na e-celebrate ang kaniyang kaarawan, wala na rin siyang magawa lalo na at nasa loob na sila ng isang mamahaling restaurant. Napamangha siya sa kagandahan ng loob nito at ngayon lang siya nakaapak sa mas marangyang restaurant na pinagdalhan sa kaniya ng binata.
"F-Froilan...m-masyadong mahal dito. Humanap na lang tayo ng ibang lugar..." nahihiyang sabi niya sa nobyo.
"You deserved to be treated in this place. You don't have to be worried, okay? Ipagpaubaya mo na lang sa akin ang lahat. It is your birthday today kaya kailangang mag-enjoy ka kasama ako. I wanted to see you happy."
Hindi maipaliwanag ni Marriane ang kasiyahan sa kaniyang puso. Ngayon lang din niya natikman ang sarap ng mga inihandang pagkain na nasa harapan nila ni Froilan. For the first time, naka-blow siya ng isang maliit ngunit napaka-elegant na cake. Ito ang kauna-unahang cake sa kaniyang kaarawan.
"Maraming salamat, Froilan. Masyado na akong nahihiya sa mga kabutihang ipinamalas mo sa akin."
"It is my pleasure to see you happy in your special day, Marriane. Huwag ka nang mahiya, nobyo mo na ako kaya kung ano ang mayroon sa akin, magiging sa 'yo na rin."
Ang mahigpit na paghawak ni Froilan sa mga kamay ng dalaga ay parang isang seguridad na rin kay Marriane. Hindi man niya hinangad na magkaroon mg mayamang nobyo pero kusa itong dumating sa kaniyang buhay.
Pagkatapos ng kanilang hapunan ay sumakay sila kaagad ng kotse.
"Maaga pa naman, puwede ba tayong dumulog sa beach, Marriane? Para naman makalanghap tayo mg sariwang hangin," pakiusap ng binata.
"O-okay lang ba sa 'yo? Baka hinahanap ka na ng Mommy mo."
"It is too early. Nasa hospital pa si Mommy. Si Dad nasa conference ngayon sa Cebu. Huwag na natin silang pag-usapan. It is all about us, tonight, okay?"
Tumango na lamang si Marriane at ngumiti nang matipid bilang pagsang-ayon na rin kay Froilan. Masyado lang siyang nag-alala dahil baka malaman ng parent ni Froilan na siya ang nobya ng anak nila. Hindi rin niya alam kung napaghandaan na nga niya ang maaaring mangyari kapag sakaling malaman ng mga ito na isa siyang hamak na babae at pinagkaabalahan ng oras ng isang guwapo at mayamang anak ng mga ito.
Alagang-alaga siya ni Froilan kahit sa pagbaba ng kotse. Dumulog sila sa isa sa mga sikat na beach ng siyudad. Napakaganda ng paligid kahit gabi na. Napapalibutan ng maningning na ilaw ang bawat pusod ng lugar. Malayo pa ay langhap na nila ang preskang hangin. Humalikipkip si Marriane nang manuot sa mga balat niya ang lamig ng simoy ng hangin. Nililipad-lipad ang mahaba niyang buhok. Agad siyang kinabig ni Froilan sa balingkinitan niyang beywang.
"Malamig ba?"
"M-medyo..."
Sapat na ang mainit na palad ni Froilan para maramdaman ni Marriane ang pagdampi nito sa kaniyang balikat. Isinandal nito ang kaniyang ulo sa matipunong dibdib ng binata. Tila siniguro nitong matutugunan ang lamig na nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagkulong ng binata sa kaniyang buong katawan.
"Froilan..."
"Malamig pa ba?" Hinalikan ng binata ang mahaba niyang buhok.
"H-hindi na."
"Mabuti naman. Halika doon tayo sa malawak na bench. Panoorin natin ang pagsalpak ng alon sa dalampasigan."
Hawak-kamay nilang narating ang nasabing lugar. Hinubad ni Froilan ang suot nitong black leather jacket at saka isinalpak sa likuran ng dalaga.
"Thank you, Froilan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napakasaya ko ngayon. Ikaw ang bumuo ng kasiyahan sa aking puso lalo na sa espesyal na araw na ito."
"I am so glad to hear that, Marriane. Masaya ako kapag nakikita kitang masaya. Happy birthday, Sweetie and I love you so much."
"I love you, too, Froilan."
Ang titigan nilang dalawa ang naging hudyat para mapalapit at malanghap ang init ng kani-kanilang mga hininga. Habang pinipisil ni Froilan ang palad ng dalaga, iba ang sensasyong nadarama ng bawat isa sa kanila. Ang nasa paligid nila ay kagaya rin nilang nagpaparamdaman ng emosyon sa tulad nilang nag-iibigan. Ang malamig na lamyos ng hangin na dumadampi sa kanilang mga balat ay naging maalab nang subukang halikan ni Froilan ang inosenteng labi ni Marriane.
Napapikit ang dalaga nang maramdaman ang malambot na labi ng nobyo. Maingat ang bawat pagbuka ng bibig nito para malasap ang unang sarap at tamis ng halik. Hindi niya alam kung paano ang makipaglaban subalit natangay na siya. Kusang bumuka ang kaniyang labi para salubungin ang bawat tilamsik ng halik ni Froilan.
Naging malikot na rin ang mga kamay ng binata habang pikit-matang ninanamnam ang silakbo ng kanilang halikan ni Marriane. Labag man ang isipan ni Marriane sa bawat pagpisil ni Froilan sa mga maseselang bahagi ng kaniyang katawan, sumasang-ayon ang kaniyang puso. Para na siyang nalalasing sa tamis ng una niyang halik.
"Froilan..."
Nakatitig si Marriane sa malapad na kisame. Hindi niya alam kung bakit nakarating sila sa isang sulok na puno ng pagmamahalan. Nakahiga na siya sa malambot na kama. Ipinaubaya na niya ang kaniyang sarili habang buong ingat na hinahalikan ni Froilan ang kaniyang kabuuan. Lumantad sa binata ang inosente at malulusog niyang dibdib. Habang hinihimas at nililimas ni Froilan ang kaniyang nips, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.
F-Froilan...ano ba ang ginagawa natin?"
"Trust me, Marriane. Trust me..."
Sapat na ang binitawang salita ng nobyo para ipagkatiwala na nang lubusan ni Marriane ang kaniyang sarili sa binata.
Ayaw ng kaniyang isipan subalit nababalot na siya ng init sa bawat dampi ng halik ni Froilan sa kaniyang buong katawan. Naghahalo ang takot, excitement at damdaming hindi maipaliwanag. Si Froilan ang unang lalaking nakadampi sa kaniyang balat.
Napasabunot siya sa buhok ng binata nang unti-unting pumasok ang kalugdan ni Froilan sa kaniyang kaibuturan. Hapdi, sakit at matinding kaba ang bumalot sa buo niyang pagkatao.
"Froilan..."
"I will make it gentle, I promise..."
"N-natatakot ako..."
"Sshhh...as what I have said, trust me, Marriane...ohh...I am falling in love you. I love you so dearly..."
Buong ingat na pinasok ni Froilan ang mundo ng pagkabirhen ni Marriane. Kahit gaano man kasikip ay napagtagumpayan niyang sagupain ang nasa loob, dahilan para mapunit ang kinaiingatan na yaman ng dalaga. Kasabay ng pag-agos ng mainit na likido at pag-agos ng luha ni Marriane.
"I am sorry, Marriane. I am sorry..." Pinahid ng binata ang luhang umagos mula sa maamo at magandang mukha ng nobya. Humalo ang emosyon sa kaniyang dibdib. Naawa at nahiya siya sa dalaga dahil nabiyak niya ang pagkabirhen nito ng wala sa oras. Hindi man sinadya ngunit nadala siya sa silakbo ng kaniyang damdamin, sa init ng kaniyang pagmamahal sa dalaga.
"Wala kang dapat ihingi ng sorry, Froilan. Ginusto ko rin ang nangyari. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Kusa kong ibinigay ang aking sarili sa iyo."
Isang matamis na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Froilan. Hindi maipaliwanag ang kasiyahan sa kaniyang puso. Siya ang unang lalaki sa buhay ni Marriane.
Makalipas ang ilang buwan, naging routine na ang pagsundo ni Froilan sa dalaga sa school tuwing off classes na. Hindi na rin niya hinayaang makapag-part time pa ang nobya sa isang convenient store. Ilang beses ding tumanggi si Marriane subalit wala na siyang magawa. Hindi na makapagpayag si Froilan na bumalik pa siya roon.
"Huwag mo nang problemahin ang babayarin sa school. They were all paid. Ang allowances mo araw-araw ay may nakalaan na rin kaya no need nang magtrabaho ka pa tuwing end of classes mo. Gusto kong mag-focus ka sa pag-aaral, Marriane."
"Pero, Froilan, sobra-sobra na ang tulong na ibinigay mo sa akin."
"Nandiyan na naman tayo. Ilang beses ko bang ipaalala sa 'yo na para na rin 'yan sa 'yo."
"Nag-aaral ka rin kaya pera pa rin iyan ng mga magulang mo, Froilan. Mas nakakahiya kapag nalaman nilang ginagamit mo at tinutulong mo sa akin ang mga-"
"Stop talking about it, Marriane
Please...ilang beses ko nang sinabi ang tungkol diyan kaya sana, respetuhin mo na rin ang gusto ko. This is not only for my own welfare, this is for you and to our future."
Mahirap na rin ang makipagtalo sa nobyo kaya kahit sobrang hiya na ang naramdaman ni Marriane, kailangan na rin niyang lunukin ang kaniyang pride.
Hindi lamang noong kaarawan niya naulit ang kanilang pag-isa ng katawan. Buong puso na niyang ibinigay kay Froilan ang kaniyang kabuuan. Hindi na rin niya naisip kung ano na ang mangyari sa kaniya, ang alam lamang niya, sobra niyang mahal ang binata at hindi na inalintana kung ano ang kahahantungan ng lahat.