Kabanata 1

1830 Words
HALOS nag-uunahan ang mga luha ni Marriane nang masilayang nasa loob ng ICU ang kaniyang panganay na anak. Hindi niya lubos maisip na ganito ang kinasasapitan ni Paul. Maraming mga aparatus ang nakakabit sa ibabaw ng dibdib nito. Alam niyang nag-aagaw buhay ang tanging lakas na naiwan sa kaniya. "Lumaban ka, Anak. Huwag kang susuko. Nandito lang si Nanay, nandito lang ako sa tabi mo." Namamaos ang kaniyang boses habang basang-basa na ng luha ang kaniyang mga mata. Isang dalagang ina si Marriane. Sa edad na labinsiyam ay naging isa siyang ina. Tanging si Tiyang Lanie ang naging katuwang niya sa kaniyang buhay. Matandang dalaga rin si Tiyang Lanie na kaisa-kaisang kapatid ng kaniyang ina. Hindi rin niya alam kung sino ang kaniyang ama dahil ang kaniyang inang Olivia ay isang dancer noon sa club. Marahil isang foreigner ang kaniyang ama dahil bakas sa kaniyang mukha ang pagiging dugong dayuhan. Kayumanggi ang kaniyang kulay subalit makinis at binagayan ng kaniyang matangos na ilong. Para siyang isang Indiana, maganda ang hubog ng katawan, mahaba ang pilikmata at malalago ang mahaba niyang buhok. Malapit na siyang maging labinsiyam nang ligawan siya ng isang lalaking naging una niyang pag-ibig, si Froilan Villegas. Nag-aaral pa noon si Froilan sa isa sa mga mamahaling unibersidad sa Maynila. Nagkakilala sila ni Froilan sa isang convenient store na kung saan naging part time na trabaho ni Marriane para matustusan ang kaniyang pag-aaral. Na-love at first sight sa kaniya si Froilan. Nag-aaral din noon si Marriane bilang isang computer secretarial. Walang sapat na kita si Tiyang Lanie kaya kailangan ding magsumikap ni Marriane para maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Hindi na rin niya alam kung nasaan ang kaniyang ina dahil mula nang isilang siya, si Tiyang Lanie na ang namulatan niyang tagapag-alaga. "Will you accept me as your boyfriend, Marriane?" Napakalambing ng boses ni Froilan habang hawak-hawak ang kamay ng dalaga. Nasa mamahaling restaurant sila at kyime pa ang dalaga na pumasok sa lugar na kahit kailan ay hindi niya napuntahan dahil sa status ng kanilang pamumuhay. "Hindi ako nararapat sa iyo, Froilan. Langit ka samantalang lupa lamang ako. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa isang katulad ko." "May batas bang bawal umibig ang isang Froilan sa isang katulad mong napakaganda? Hindi ako tumitingin sa status ng buhay. All I know, mahal kita, Marriane. Hindi hadlang ang pagiging langit at lupa na namamagitan sa ating dalawa. We can build a better future. Huwag mong husgahan ang aking katapatan sa 'yo. Please follow what is in your heart. Alam kong mahal mo rin ako. Huwag mo na ring pahirapan ang damdamin mo. I love you, Marriane." Wala na ngang magawa si Marriane dahil totoo nga ang sinabi ni Froilan. Kahit anong tago niya sa kaniyang nararamdaman, mahal nga niya ang binata. Nag-aalinlangan lamang siya dahil alam niyang hindi siya nababagay dito. "Froilan..." "Please, say you love me too..." Hindi binitiwan ni Froilan ang kamay ng dalaga. Makailang beses niya itong hinalikan. Halos matunaw naman sa hiya si Marriane dahil hindi tulad ng ibang dalaga, malambot ang kamay samantalang sa kaniya alam niyang ramdam ni Froilan ang kagaspangan nito dahil sa sobrang trabaho para may ikabubuhay. "Please..." "M-mahal din kita, Froilan. Sana huwag na huwag mo akong sasaktan." Gumuhit ang malawak na ngiti sa napakaguwapong mukha ni Froilan sa binitawang sagot ni Marriane. Lalong pumungay ang kaniyang mga mata. Kitang-kita ang laki ng pagmamahal niya rito. "Oh, thank you, Marriane. You make me so much happy today. I will promise that I will love you and I will never hurt you. I love you." Muli niyang hinalikan ang kamay ni Marriane. Hindi rin alam ni Marriane kung gaano siya kasaya nang tanggapin na niya ang pagmamahal ni Froilan. Hindi na niya ininda kung ano ang kahinatnan ng lahat gayong sila na ngang dalawa. "I-I love you too, Froilan." Masaya nilang pinagsaluhan ang hapunang iyon sa isang restaurant. Naging emosyonal din si Marriane dahil sa ipinakitang pagmamahal sa kaniya ng binata. "Baka magalit ang Mommy mo kapag nalaman niyang isang katulad ko lamang ang minahal mo." "Don't bother about that, Marriane. Wala namang magawa si Mommy kung sino ang gugustuhin kong mahalin." Isinandal ni Marriane ang kaniyang ulo sa matipunong dibdib ni Froilan. Graduating na rin si Froilan sa pagiging isang business administration course. Isa ang kaniyang pamilya sa nagmamay-ari ng malalaking kompanya sa buong ka-Maynilaan. May ilang branches din sa ilang sulok ng Pilipinas. Panganay na anak si Froilan at may kababatang kapatid siyang nag-aaral ng nursing, si Kayre. Hindi sila magkasundong kapatid dahil napaka-meticulous nito pagdating sa mga bagay-bagay. Isang doctora ang kanilang ina at isang presidente naman ng Silicon Incorporate ang kanilang daddy. Gusto ng ama nito na pagdating ng araw, siya ang magmamana para e-manage ang kanilang company. "I know that you will become a succesful head of the company in the future, Froilan. Sana huwag mo akong bibiguin." Tanging ngiti lang ang tugon niya sa kaniyang daddy. Kahit ang kaniyang mommy ay malaki rin ang tiwala sa kaniya. Ang ibigin si Marriane ay ligaya na ang hatid nito sa kaniya. Nabihag siya sa pagiging mabait at simpleng dalaga na hindi niya nakikita sa mga babaeng pumalibot sa kaniya para kunin ang kaniyang interes at pag-ibig. "Ihahatid na kita sa inyo, Marriane." "Huwag na, Froilan. Maraming jeep namang dumadaan papunta sa bahay namin ni Tiyang Lanie. Huwag ka nang mabahala. Umuwi ka na rin at tiyak na hinahanap ka na sa inyo. May klase ka pa bukas." "Ano ka ba? Hindi ko hahayaang iwan ka rito. Gabi na. Tumigil ka na lang kaya sa pagpa-part time diyan sa Twenty-four Convenient Store. Lagi ka na lamang ginagabi sa pag-uwi." "Kailangan kasi, Froilan. Alam mo naman kung ano ang dahilan kung bakit hindi ako titigil sa pagpa-part time. Ito lang ang puwede kong gawin para matustusan ko ang mga babayarin ko sa school." "Ako na ang bahala sa mga babayarin mo sa school. I am very much concerned about your safety. Susunduin na lang kita after ng klase mo at nang makapagpahinga ka naman. After kasi ng klase mo, kailangan mo pang dumeretso sa convenient store." "Ayokong umasa sa iba, Froilan. Huwag kang mag-alala kaya ko naman, eh." "Iba pala ang turing mo sa akin?" Biglang namayani ang tampo sa mukha ni Froilan. "Hindi sa ganoon. Huwag ka nang magtampo. Isang taon lang naman at makapagtapos na ako sa pag-aaral. Sana maunawaan mo ako." "O, siya. Basta iingatan mo lagi ang iyong sarili. Anyway, nandito lang naman ako at susunduin kita after ng duty mo." "Huwag na, Froilan. Eleven o'clock ng gabi ang end ng trabaho ko every night. May mga dapat ka ring asikasuhin kaya huwag mo na akong alalahanin. Kakayanin ko 'to para sa future ko at sa magiging future natin pagdating ng araw." Wala na ring magawa si Froilan. Inihatid na rin nito si Marriane sa tinitirhan nito. Nakailang beses na rin siyang nakapunta kung saan nakatira sina Marriane at ang tiyahin nito. Hindi lingid sa kaniya na nakatira lamang ang dalaga sa isang lugar na kung saan dikit-dikit ang mga bahay at halos rinig na ang pinag-uusapan sa loob dahil dingding lang naman ang pagitan at tagpi-tagpi rin ang bawat dingding. Masasabing nasa squatter area nabibilang ang lokasyon nina Marriane. "Huwag ka nang bumaba, Froilan. Masyado nang gabi at malayo pa ang daanan papunta sa loob." "Ihahatid kita hanggang sa looban. Marami pa namang nag-iinumang lalaki sa kabi-kabilang kanto. Ito ang isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw kong magpart-time job ka tuwing gabi, Marriane. Hindi ako mapakali kapag naiisip ko ang oras ng uwi mo." "Nasanay na ako sa ganito. Mababait naman ang mga kapitbahay ko, Froilan. Huwag kang mag-alala walang masamang mangyari sa akin dito. Kilala na nila ako at isa pa, halos kilala rin sila ni Tiyang Lanie kaya takot lang nilang gawan ako ng hindi maganda." Mag-i-insist pa sana si Froilan subalit bigla ring tumunog ang kaniyang cellphone. Bago niya ito sinagot ay humugot muna siya ng mahinang hangin. "Hello, Mommy?" "Where are you, Froilan? It is already midnight. Bakit hindi ka pa nakauwi? Kagagaling ko lang ng hospital but you are not still at home." "I am on the way home, Mom. In a few minutes." "Make it sure, Froilan. Ayokong nasa kung saan-saan ka pa sa ganitong oras. I will wait you here until you arrive." "Okay, Mommy." Nagpaalam na si Froilan kay Marriane kahit nag-alala itong iwan ang nobyang mag-isang papasok sa eskinita. Hilam pa rin sa luha ang mga mata ni Marriane. Kailangan na rin niyang lumabas ng ICU. Halos nadudurog ang puso niya sa tuwing pagmasdan ang inosenteng mukha ni Paulo. Sa edad na limang taon, hindi rin nito naranasang makita ang kaniyang ama. Ilang beses na ring tinanong siya ng kaniyang anak kung sino ang ama nito, subalit hindi alam ni Marriane kung ano pa ang isasagot niya gayong mula nang iluwal niya si Paulo, tanging si Tiyang Lanie lamang ang katuwang niya at ang nasa tabi niya. Kaarawan noon ni Marriane, ikalabinsiyam na taon. Paglabas niya sa kaniyang pinapasukang pampublikong paaralan ay agad na siyang sinalubong ni Froilan sa labas ng gate. "Hi, Marriane. Happy birthday." "Froilan, ang aga mo naman. Wala ka bang klase?" "Our professor was out for the last period at nakisabay talaga para makahabol ako sa end of class mo today. Well, I wanted to celebrate your birthday. Are you not happy seeing me here?" "Ano ka ba, siyempre masaya ako." "Eww, ambisyosang palaka!" Napalingon si Marriane sa boses na iyon. Hindi na bago sa kaniya ang puna ng kaniyang kaklaseng si Gera lalo na nang malaman nitong may sumusundong de-kotse at ubod ng gwapo sa kaniya. Minabuti na lamang niyang huwag pansinin o kaya'y patulan. Hindi lang sa ganitong paraan niya naranasan ang pang-iinsulto nito sa kaniya. "Ano ba ang ini-offer mo sa manliligaw mo, ang katawan mo para mapansin ka?" "Ano ba ang pinagsasabi mo, Gera?" "Kung sabagay, saan ka pa ba magmamana? Kung saan ka binuo ng nanay mong puta, siguradong ganoon ka rin!" "Ayaw kong patulan ang mga pinagsasabi mo, Gera." "Talaga? Wala ka naman talagang itatago, dahil iyon ang katotohanan. Anak ka ng puta kaya mananalaytay din iyan sa mga ugat mo. Ang kapal talaga ng mukha mo." Masakit man sa damdamin ang mga narinig niya mula kay Gera subalit kailangan niyang umiwas sa gulo. Minabuti niyang tumalikod at sarilinin na lamang ang sama ng loob. Totoo ngang ganoon ang buhay ng ina niya pero wala na siyang magagawa para ipaglaban pa ang nanay niya. Hindi naman siguro kasalanan na naging bunga siya ng pagbebenta noon ng katawan ng kaniyang ina. Ang mahalaga, namuhay siya nang normal at kahit mahirap ay nagsusumikap siya para mabuhay. "Who is she?" mahinahong tanong ni Froilan sa kaniya kaya naudlot din ang pagmumuni niya. "Ah, kaklase ko. Sige na umalis na tayo, Froilan." Hindi na lamang pinansin ni Marriane ang umuusok na tingin at pangungutya ni Gera lalo na nang alalayan siya ng binata papasok sa kotse nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD