Chapter 43 : Ang pagiging balisa ni Boris Boris POV Nag-hire ako ng tao na mag-aalam sa bahay ni Malcolm. May mga gusto kasi akong gawin sa kaniya. Hindi ako papayag na hindi ako makaganti. Igaganti ko ang pagkamatay ni Draven. Igaganti ko ang kamuntikan niyang pagpatay sa akin. Nalaman ko na busy din sa kaniyang business si Malcolm. Marami iton bar na nagkalat sa Angat at Baliuag. Paraan niya siguro iyon para makapagbiktima. Ang mga bampira kasi ay hindi nabubuhay nang hindi nakakainom ng dugo ng tao. Sinamantala ko ang pagkakataon na umaalis siya sa kaniyang bahay. Nag-utos ako ng mga taong sisira sa bahay niya. Kinabukasan, pumutok na lang ang balita na nilooban daw ang bahay ni Malcolm. Naka-post din sa social media ang bawat gamit o haligi ng bahay niya na nasira. Tuwang-tuwa ako

