Chapter 12 : Ready na ako, promise! Boris POV Pagpasok ko sa mansyon namin ay nakita kong nakaupo na si Lolo Tobin at mukhang okay na. Nakita ko na naka-aligid silang lahat kay lolo. “Ano bang nangyari?” tanong ko sa kanilang lahat habang hinihingal ako. “Ang lolo mo kasi. Kanina hindi ito dumidilat. Sobrang himbing lang pala ng tulog nito. Mabuti at na-check ni Manang Rosita ang pulso niya. Maayos naman pala siya,” sagot sa akin ni mama. “Kasalanan ito ni Andrich. Siya ang gumawa ng ingay rito. Akala nito ay patay na si papa,” sabi naman ni papa kaya napapakamot na lang ng ulo si Andrich habang napapatingin sa aming lahat. Hiyang-hiya tuloy ito sa amin. Lumapit ako kay lolo. Kumakain na ito ngayon ng tanghalian habang nakabantay si Manang Rosita. Hindi na raw kasi nagkakakain na si

