Chapter 11

1278 Words
Chapter 11 : Sawi sa unang subok Boris POV Hanggang matapos kumain si Lori ay nakatitig lang ako sa kaniya. Minsan, nahuhuli na nga niya ako kaya kapag nangyayari iyon ay umiiwas agad ako nang tingin sa kaniya. “Busog na ako. Sobrang sarap ng mga pagkain ninyo rito,” sabi niya habang nagpupunas na ng towel tissue sa bibig niya. Tumingin ako sa menu namin. “Baka may gusto ka pang kainin, Lori?” tanong ko pa pero umiling na siya. “Naku, sobrang busog na busog na po ako. Ayos na ako,” sagot niya at saka dinampot ang mango juice. Tila, nagustuhan niya iyon dahil nakakatatlong hingi na siya nito simula pa kanina. “May factory kami ng mango juice. Ako ang may hawak niyon. Actually, sariling negosyo ko na iyon.” Susubukan kong bulagin siya para kapag nalaman na niya ang alok ko mamaya ay lalo ko siyang mapapayag. “Ang sarap nga ng mango juice niyo. Lasang fresh. Halatang hindi hinaluan ng mga kemikal,” sabi niya habang panay pa rin ang inom niyon. “Bukod dito sa italian restaurant namin ay marami pa kaming ibang restaurant. Hindi lang iyon, may tatlo pa kaming mall sa iba’t ibang panig ng Pilipinas,” sabi ko pa kaya nakita kong nanlalaki na lang ang mata niya. “Sigurado ako na mansyon ang tinutuluyan mo ngayon,” sabi niya kaya agad naman akong tumango. “Stalker ba kita? Bakit alam mo ‘yon?” pagpapatawa ko. “Naku, hindi, ha! Sa mga sinasabi mo pa lang kasi na mga negosyo niyo ay alam ko na agad na malaki ang bahay niyo. Basta mayamang pamilya ay mansyon ang tinutuluyan,” sabi niya kaya napangiti na lang ako. Kinuha ko na ang puting sobre sa bulsa ko. Inabot ko na agad iyon sa kaniya. “Ito nga pala ang tulong ko sa ‘yo. Maaari mo nang mapa-operahan ang ina mo dahil diyan,” sabi ko. Tinanggap naman niya ang sobre. Dahan-dahan niya iyong sinilip at nang makita niyang may laman iyon na makapal na pera ay nanlaki ang mata niya. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa pera. “A-ano naman po ang kapalit nito? Napakalaking halaga nito kaya nakatitiyak ako na may kapalit ito?” “Kailangan mong magpakasal sa akin,” diretsyo kong sabi kaya lalo nang nalaglag ang panga niya. Napatayo siya bigla at saka nag-iba ang timpla ng mukha. “Ayoko. Hindi ako papayag!” sagot niya agad kaya na nadurog bigla ang puso ko. “T-teka, hindi pa ako tapos, Lori. Basahin mo muna ang contract na ginawa ko,” sabi ko sa kaniya at saka ko binigay sa kaniya ang contract paper na ginawa ko kanina. “Sir, pasensya na po pero hindi ko kayang tuparin ang sinasabi niyo sa ‘kin na magpakasal ako sa ‘yo. Sorry po talaga,” sabi niya at saka ito dali-daling umalis at lumabas sa restaurant namin. Naiwan akong tulala sa mesa namin. Para akong maiiyak dahil sa nangyari. Nakita ko pa na nakasilip sa kusina ng restaurant namin ang mga tauhan namin dito kaya nahiya ako lalo sa kanila. Tumayo na lang ako bigla at saka lumabas sa restaurant namin. Umalis na ako roon dahil alam kong wala nang kwenta kung magtatagal pa ako roon. Nakakahiya. Dinig na dinig ng mga tauhan namin doon ang sinabi ni Lori. First time kong ginawa ito, tapos ganoon agad ang nangyari. Paano pa kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob na maghanap pa ng ibang babae kung ngayon pa lang ay pinanghihinaan na agad ako ng loob. Baka gaya ni Lori ay tanggihan lang din ako ng ibang babae na aalukin ko. F*ck! I hate this life. I hate this f*cking body. I hate myself! Sana mamatay na lang ako. Sana mauna na lang ako kay lolo. Sana ako na lang ang nagkasakit at hindi siya. Walang kwenta ang buhay ko. Wala akong silbi. Walang may gusto sa akin. Walang gustong maging jowa ako at lalo nang walang may gusto na maging asawa ako. Bakit kasi mataba ang putanginang katawan na ito? Ngayon na lang ulit ako napaluha. Para akong bakla. Mahinang nilalang talaga ang tulad ko dahil isa naman talaga akong talunan. Ganoon naman talaga ‘di ba ang mga talunan? Umiiyak at palaging malungkot. Sabagay, sanay naman na pala ako kaya bakit umiiyak pa ako? Syet! Hindi ko lang matanggap na ganoon agad ang nangyari sa unang try ko sa paghahanap ng babae. Hindi manlang niya ginandahan ang salita. Ang bungad niya agad ay ‘hindi.’ Parang diring-diri siya sa akin. Sa kakaiyak ko ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tabing-ilog. Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko at saka ako bumaba roon. Naupo ako sa damuhan. Naalala ko na may dalawang bote na red wine nga pala sa likod ng kotse ko. Bigay iyon ni Andrich sa akin. Tumayo tuloy ulit ako at saka pumasok sa kotse ko. Kinuha ko ang isang bote ng wine. Binuksan ko iyon at saka muling naupo sa damuhan. Tinaggal ko ang takip ng wine at saka atinungga ang bote. Napailing ako ng malasahan kong sobrang pakla niyon. Muntik pa akong masuka. Tila, kakaibang wine ata itong pasalubong sa akin ni Andrich. Hindi ko kayang inumin kahit nalulungkot ako. Ang pangit ka-bonding ng wine na ito. Binaba ko na lang tuloy iyon sa damuhan. Baka masuka lang ako kapag pinagpatuloy ko pang inumin iyon. Tumingin na lang ako sa ilog at saka nanahimik ng ilang minuto. “Sir, pasensya na po pero hindi ko kayang tuparin ang sinasabi niyo sa ‘kin na magpakasal ako sa ‘yo. Sorry po talaga,” “Sir, pasensya na po pero hindi ko kayang tuparin ang sinasabi niyo sa ‘kin na magpakasal ako sa ‘yo. Sorry po talaga,” “Sir, pasensya na po pero hindi ko kayang tuparin ang sinasabi niyo sa ‘kin na magpakasal ako sa ‘yo. Sorry po talaga,” Paulit-ulit na sumasagi sa utak ko ang mga sinabi ni Lori. Nakakainis. Napapikit na lang ako at saka napasuntok sa damuhan. Gusto kong sumuko na, pero hindi pupuwede. Para kay lolo ito kaya dapat kong tatagalan ang loob. Maghahanap ako ng babae na gipit na gipit. Bahala na kung hindi man maganda ang makuha ko. Ang mahalaga ay magkaroon na ako ng asawa na ihaharap kay Lolo Tobin. Kung ayaw sa akin ni Lori, e, ‘di ‘wag! Sinayang niya ako. Hindi ba niya naisip na safe na sa akin ang kinabukasan niya at ng pamilya niya? Boris De luca ito. Isa sa mayamang tao sa Pilipinas kaya bakit tinanggihan niya ako? Sinayang niya ako. Iyon lang iyon. Biglang nag-ring ang phone. Pagdukot ko niyon sa bulsa ko ay nakita kong tumatawag si mama. Mukhang emergency iyon kaya agad ko naman sinagot. “Yes po, mama?” tanong ko agad. “Anak, ang lolo mo hindi na dumidilat ang mata,” sabi niya agad sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Pinatay ko agad ang linya niya at dali-dali akong sumakay sa kotse ko. Not now, Lolo Tobin. Hindi ko pa natutupad ang huling hiling mo. Huwag muna, please! Hindi ko tuloy mapigilang maiyak. Baka bumigay na ang lolo ko. Hindi ko kakayaning mawala siya na hindi manlang natutupad ang hiling niya. Habambuhay ko iyong dadalhin. Habang patuloy ako nagmamaneho ay muli na namang nag-ring ang phone ko. Nakita kong si Lori naman ang tumatawag. Hindi ko iyon sinagot dahil wala naman na siyang silbi sa akin. Maarte siya. Hindi ko kailangan ng babaeng gaya niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang buhay ng lolo ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD