Tahimik na pinapanood ni Vivi ang paligid. Nag-aayos na ng mga table ang mga caterer. Inaalis na din ang mga decorations at mga bulaklak ng party.
Alas dose na. Kahit papaano ay naitawid nila. Wala nang program, though my music naman saka masarap ang food. Maayos namang nag-estima ng mga bisita sina Tita Angelu saka yung mother ni Leo.
Pero habang nagaganap yon, nandoon naman sila at nagkakagulo sa likod.
"Mga besh, yung mga chararat na pinsan nung jowabels yung nagleak ng nyorn. Kakalurkey." Ani Pilar. Asa tabi lang niya ito habang inaayos ang maleta ng makeup. "Sabi na eh. Kanina, pinatsupi ba naman us doon sa room ni Miss Carrie. Sarap jombagin."
Tama si Pilar. Buti nga at nalaman agad na yung tatlong pinsan nung Leo yung may pakana nung tangkang sabotage. Nakuhaan ba ng CCTV na pumasok ang isa doon sa booth.
Tapos yung isa, nakita sa phone yung sextape na nailabas. Nadelete naman iyon agad pero imposibleng walang nakakuha ng kopya. Nagkatawagan pa ng pulis ng di oras.
Malaking eskandalo yung nangyari Kilala yung pamilya ng groom. Dating basketball player din sa university nila. Laman na nang social media sila ngayon malamang.
"Inggit lang much sa bride no? Mga chakaness kasi." Sabi naman ni Byron.
"Tru. Yayamanin nga, pero mga fezlak? Me gooshhh." Ngumiwi pa si Pilar. "Tumawag ako ng mga santo habang minuk-apan, daiz. Nag-ask aketch ng himala from heaven para mag-mukhang human."
"Shuta, yayamanin?" Si Byron naman. Inaayos din nito yung rack ng mga damit nila. "Rental lang ang afford, yayamanin? Yung mga gowns ko, oh. Need kong ipa-wash ng bongga. Maashim ang lekileks nila. Cartier pa naman, mga ambisyosang palaka."
"Baks, baka ayaw din kasi kay Miss Carrie coz wiz na silang makaka-huthot ng datungs sa Inamagenta ng groom. From my knowledge, itits ang tru na Alta na galing Espanya. Mga leech lang sila na aliping sagigilid"
Napahawak siya sa noo. Ito na namang dalawang kaibigan niya, kung maka-okray, wagas.
"Pero wer kaya gomora si Miss Carrie? Kawawa naman. Ang chika may anxiety daw yun and PSTD." Si Byron uli. "Sana safe siya."
"Ni-watch namin the CCTV. May kasama umalis si gurl." Sagot naman ni Pilar.
"Guy?"
"Yiz."
"Ayiiiiee! Runaway bride! Parang teleserye!"
Napalingon siya sa pagtili ni Byron. Panigurado kasing between pagkaalis niya sa room ni Miss Carrie at nung paglabas ng video, saka ito nawala. Kailangan niya atang magbigay din ng statement sa mga pulis.
Sino naman kaya yung guy na yon?
"To think na complete na yung papers nila ni fiance, no? Ci-narry ko kaya today yung mga origs, pinasuyo ni Madam. Sign-sign nalang ang need then kasal na. Then ayon na nga, warla-warla pa. Jombagan pa much." Sabi ni Byron.
"Pero ang bongganess di sila nag-aask ng refund. Halos two million yung parteh na itech ha!" Si Pilar uli. "Ang hard maging slapsoil."
Huminga siya nang malalim. Ang dami niyang inaalala.
"Oy, Viviana Vittoria Nepomuceno. Tulaley ang peg?"
"Shh. Pilar, ano ka ba? Si Fafa Ito kasi niya ang involved no."
"Ay..Shuri nemem."
Tumingin siya sa mga ito at ngumiti ng pilit. "Nandyan pa ba sila?"
"Yiz. Mukhang di pa nga yon gogora." Sagot ni Byron. "Puntahan mo kaya? May nakatoka naman ditey."
Tumalikod na siya at iniwan ang mga ito. Inangat pa niya ang laylayan ng dress niya dahil masyadong mahaba, kailangan na kasi niyang maghubad ng sapatos dahil masakit na sa binti. Kaso hindi pa siya nakakapagbihis sa ayos niya kanina. Wala pa siyang time.
Dumiretso siya sa backroom, malapit sa kitchen area.
Nakita niya si Ito na nakaupo sa isang sulok na may hawak na phone. Sa isang kamay may hawak na may sinding sigarilyo. Magulo na ang buhok nito, hindi na nga maayos yung pagkakatali. Maluwag na din ang tie nakahubad na ang jacket. Halatang stress na.
Naglakad siya papalapit. Hindi siya agad napansin dahil may masinsinang kausap.
"Sige, salamat, Charity. Pakisabi nalang kung may balita ka na din." Dinig niyang sambit ni Ito.
Napakagat naman siya nang labi. Hindi niya alam kung paano niya uumpisahan.
"Ito."
Inangat nito ang tingin sa kanya.
"O--Ok ka lang ba?" Nakagat uli niya ang labi. Ang tangang tanong lang. Nawawala na nga yung kapatid eh, malamang hindi ok.
"May balita na ba kay Miss Carrie?"
Umiling si Ito at napasuklay ng buhok. Pinatay nito ang sigarilyo sa katabing ashtray. "Kausap ko na yung mga kaibigan niya. Maski yung bestfriend niyang nasa Dubai. Walang may idea kung saan siya pwedeng pumunta."
Umupo siya sa tabi at inabot ang kamay nito. Napansin niya kasi ang mga benda nito sa kamao. Gawa siguro noong kanina.
"Pasensya na." Sambit nito sa kanya. "Di mo dapat nakita yung kanina."
"Wala yon, I understand naman."
Pero ang totoo, takot na takot siya. Dala siguro ng childhood trauma. Siya kasi ang laging witness noon kapag nabububog ng Papa niya ang ina kapag umuuwing talo sa sugal. Bumabalik tuloy yung bad memories.
Inisip nalang niya na iba naman yung sitwasyon ni Ito sa ama niya. Kapatid nito yung nabastos nang ganoon. Kahit sino gagawin yon. Kahit sino pwedeng maging bayolente.
"Hindi ka ba...I mean..Hindi ka nila ipapakulong?" Nag-aalalang tanong niya. Mukhang malala yung ginawa nito sa fiance ni Miss Carrie. Ang daming dugo kanina.
"Hindi yan, subukan lang niya." Sagot ni Ito. Andoon sina Leo kabilang side ng kwarto, kausap parin ng nga pulis. May hawak pang ice bag na idinidikit sa mukha. Namamaga yung isang mata nito at putok yung labi. Lumingon naman ito sa kanila at tumango.
Maayos na naman pala sila. Ewan nga lang kung bati na.
Wala naman kasalanan si Leo doon sa nangyari. Kita naman niya yung sobrang pag-aalala kanina. Nagpanic na nung nawawala si Miss Carrie.
"Pero pupunta na kami sa presinto mamaya, hinihintay ko lang yung abogado namin. Nasa custody na ng mga pulis yung mga pinsan ng gagong yan." Sabi ni Ito.
"I see. Mabuti naman." Sagot naman niya. Andoon yung feeling nga lang na pagka-guilty. Dinig na dinig niyang nagbanta na yung mga babaeng yon pero di niya pinansin.
"Ayaw na ni Carrie na magpa-party din, may phobia yon sa mga ganito. Lalo na maraming tao. Maski nga yung kasal, gusto noon simple lang saka kami lang bisita." Sambit uli ni Ito. "Mapilit din kasi itong si Leo saka yung nanay niya, di man lang inisip yung nararamdaman nang kapatid ko."
Na-gets na niya kaya ganoon pala si Miss Carrie kanina. Hindi lang pala dahil na-insecure ito sa relationship nila.
"Wait, yung scandal nila. Paano na?"
Napasuklay lang uli si Ito ng buhok.
"Wala namang kaso para sakin yun, relasyon nila yan. Kung gusto nilang kuhaan sarili nila habang ginagawa yon, ok lang. Bahala sila sa trip nila kahit pa nakakabadtrip." Sagot ni Ito. "Ang problema si Carrie na naman ang nadehado dito. Ilang beses ko silang sinabihan sa ganyan di parin nadala. Masyadong kampante lang itong si Leo, di alam na madami parin yung gustong manira sa kanila." Tuloy tuloy na sabi ni Ito. Mabuti na siguro yon para mailabas ang sama ng loob.
Tama naman na mas biktima dito si Miss Carrie. Pero ang grabe lang. Ang wild din kasi na b**m pa. Ang layo sa hitsura nito na ganon, hindi niya akalain. Parang di ito yung nasa video at kamukha lang.
Napansin niyang matagal na niyang hawak ang kamay ni Ito. Pasimple niya yong binitawan at umayos ng upo. Baka akalaing hanggang sa sitwasyong yon nilalandi niya.
"Wait." Sabi ni Ito. Tumayo ito at kinuha uli ang phone. Mukhang may kakausapin na naman.
"Yes Uncle...kung pwede pakideploy na rin ng mga tao. We still need to find Carrie. I need those men now."
Dinig niya yon. Napataas naman siya ng kilay.
Galawang mafia boss talaga. Bagay sa looks.
"Sino yung mga tao?" Curious lang naman siya.
"May Uncle kaming General sa Army. Saka may abogado din, nagpatulong na ako sa kanila." baling ni Ito sa kanya. Kumindat pa ito bago bumalik doon sa kausap.
Ay bongga. Ganoon naman pala. Siguro makikita din nila si Miss Carrie agad.
Pero may kindat talaga. Napakagat siya ng labi. Nagawa pa talagang lumandi sa ganoon sitwasyon.
Nilabas naman niya ang phone. Gusto niyang ma-check ang sitwasyon sa social media. Tama nga si Ito na nabura na yung video. Pero may kumakalat paring screenshot.
"Hala...." Kawawa talaga talaga si Miss Carrie.
Napasaglit siya sa i********:. Sigurado may balita din doon. Una niyang nakita na may bagong stories si Buds Dimaguiba. Naalala niyang nandoon nga pala ito kanina sa party. Chi-neck niga yon isa-isa.
Napatigil siya sa isa mga yon. May picture ng isang babaeng nakatalikod. Nakahiga sa kama. May caption pa.
"One last chance..."
Napakunot ang noo niya. Yung pagkakaayos kasi nung hair nung girl saka kulay, pamilyar sa kanya.
"Shutangina...anu too." Bulong niya.
Lumingon siya kay Ito. Seryoso pa itong nakikipag-usap. Nanlalamig ang mga kamay niyang lumapit dito. Hinintay pa niyang matapos.
"Do whatever it takes. Ang importante safe ang kapatid ko.." Dinig niyang sabi nito bago binaba ang phone. Lumingon ito sa kanya.
"Vivi?"
"D-Daddy, kaano-ano niyo si Buds Dimaguiba? Yung vocalist ng Black Rose?" Tanong niya. Nakita naman niyang lumapit si Leo sa kanila. Mukhang naalerto.
"Si Buddy?"
"Nandito siya kanina."
"He's--"
"Ex ni Carrie. Matagal na." Si Ito na ang sumagot.
Ex? Si Miss Carrie yung ex ni Buds? O my god!
"Bakit niyo inimbita?" Tanong ni Ito kay Leo.
"I didn't, Car did. She said she want someone that she knew in that party. Makaibigan kayo kaya pumayag ako." Lumingon naman si Leo sa kanya. "Why?"
Napatingin ang dalawang lalaki sa kanya. Lumunok siya bago sumagot.
Rambol na ito.
"I think alam ko na kung sino ang kasama niya."