bc

Sleep Baby , Sleep

book_age16+
1.3K
FOLLOW
5.5K
READ
friends to lovers
comedy
sweet
bxg
enimies to lovers
virgin
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Viviana "Vivi" Nepomuceno. 29. NBSB.

Dahil sa galit ng madrasta labing-tatlong taon nang nakakaraan, sinumpa nito si Vivi na hinding-hindi siya magkaka-boyfriend.

Okay lang naman sa kanya yon. Wala siyang pake. Sino ba naman ang gustong magkajowa kung maghihiwalay din naman?

Pero ehem...

Daddy, is that you?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Kuya, asan ka na ba?" Bahagyang napangiwi si Ito sa boses ng kapatid. Alam naman niyang nag-aalala ito kaya sa sinagot na niya ang tawag. Kanina parin yon nangri-ring. Nakalimang beses na rin. "May ihahatid nga lang. Sandali nalang." "Go home. Nagpapakamatay ka ba?" Sambit nang nasa kabilang linya. Minsan di niya talaga malaman kung sino ang panganay sa kanilang dalawa. Siya ang laging nabu-bully. "Carrie please.." Napahilamos siya nang mukha. Medyo nakakaramdam na siya ng hilo. Wala na yatang epekto ang espreso at redbull na nainom niya. "Uwi na kuya. Now na. Wag mo pagkaabalahan yang Kristina na yan. Hindi ka naman niy--" pinutol na niya ang tawag. Lalo lang pumipintig ang ulo niya. Baka di na niya kayanin. Thirty eight hours na siyang gising. Bukod doon sa pagod at sa sakit ng katawan. Naglipat kasi ng condo si Kristina. Kailangan nito ng tagabuhat kaya nag-volunteer na siya. Inayos na rin niya ang mga ibang gamit doon kaya natagalan. Tapos ngayong gabi, nagpahatid dito sa may bar dahil nakikipagkita daw ito sa mga highschool friends. Kailangan niyang maghintay dahil ihahatid pa niya pauwi. Hay, Kristina. Kung di lang kita mahal. Binuksan niya ang pinto ng kotse at lumabas. Nag-inat sandali. Sumasakit na ang likod niya. Signs of aging na yata. Huling taon na niya sa kalendaryo kaya nararamdaman na niya. Sanay naman siya dati sa patayang trabaho. Mas malala pa nga ang shifts niya noon. Mukhang wala na talaga sa kondisyon ang katawan niya. Ilang taon na rin naman siyang nandito sa Pilipinas. Nag-resign na siya sa pagiging nurse. Hindi naman sa ayaw na niya, bukod sa ilang di magandang pangyayari, mas gusto na niya munang mag-stay dito kasama ang nakababatang kapatid. Mas nababantayan niya. Humikab siya. "Nasan na kaya si Kristina?" Ang sabi sa kanya sandali lang daw. Apat na oras na siyang andoon. Alas-dos na nang madaling araw. Bumalik siya sa loob ng kotse at humikab uli. Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang pigura sa backseat. Muntik na siyang mapasigaw. Hindi naman multo. Tao. Lumingon siya. Nakita niya itong nakasandal doon at tulog na tulog. Batang babae. Hindi eh, may bata bang may malakin--- Napailing siya. Baby faced kasi. Mukha itong manika na nakapikit. Yung magmumulat kapag ginalaw. Ang taba ng pisngi saka maliit yung ilong. Kulay pink yung labi pero walang lipstick. Pero nakabukas yung blouse, kita ang bra. Parang walang paki kung nakaluwa yung dibdib. Nakanganga pa ng kaunti kaya naamoy niya na amoy alak. Lasing. Kumpirmado. Nagkamali yata ng kotseng napasukan. Nakalimutan din kasing niyang i-lock kanina yung pinto. "Miss..Miss." Gising niya dito. Wala. Ayaw. Masarap na ang tulog. Patay siya kay Kristina nito kapag naabutan siya. Mapagkamalan pa siyang may ginawa sa babae. Baka lalo siyang bastedin. "Miss. Hey. Kotse ko to." Tapik niya. Umungol lang ito at lalong humiga. Naloko na. Hindi kaya modus to? Baka bigla nalang itong bumangon at manaksak. Pero mukhang malabo yon. Maliit lang naman yung babae. Mukhang harmless. Kaya nga niyang baligabin. Napalingon siya sa paligid. Malayo yung parking na yon sa mga bar. Wala siyang mapagtatanungan kung nasaan ang mga kasama nito. Hay, naloko na. Hindi naman niya pwedeng alisin sa kotse niya ito at iwan sa isang tabi. Baka mapaano, may hitsura pa man din. Tumunog ang cellphone niyang hawak. Baka si Kristina na. -Beh, wag mo na ako ihatid. Sabay na ako sa friend ko. "Anak ng…" Napahilamos siya nang mukha pagkabasa noon. Hindi niya alam kung blessing in disguise yon o ano. Hindi na siya mahuhuli na may kasama dito. Kaso naghintay parin siya nang matagal para sa wala. Bumaba siya ng kotse at chi-neck ang babaeng tulog. Kailangan pa tuloy niyang problemahin yon. Mukhang okay naman sa tingin niya, maayos naman ang katawan. Naparami lang ata ng inom kaya di magising-gising. Marahan pa niyang kinapkapan pero iniwasan niya yung mga hindi dapat hawakan. Problema nga na wala itong bag. Wala rin palang wallet. Walang pagkakakilanlan. "Naloko na. Anong gagawin ko sayo?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook