Gising na, Beh

1239 Words
Hmm, teddy bear..teddy bear...i love you.. Naalimpungatan si Vivi sa liwanag na tumapat sa mukha. Umaga na malamang. Ngumiwi siya. Linggo ngayon at wala siyang naka-schedule na trabaho maghapon. Pahinga mode siya. Katatapos lang ng raket niya kagabi kaya nga nagawa pa niyang makitoma kina Byron. Mabuti naman at naiiwuwi siya ng mga ito sa bahay. Hinapihap niya ang cellphone sa tabi. Wala. Baka napaglaruan na naman ng pamangkin habang tulog siya. Baka nakinood na naman ng Cocomelon. Kailangan talaga niya yong bigyan ng sariling phone para di na pakialaman yung kanya. Napakaimportante pa naman yon dahil sa trabaho niya. "Elaaaaah...Elaaa..." Tawag niya sa kapatid. Kailangan niya yung phone talaga. Kahit wala siyang ganap ngayon araw, kailangan parin niyang i-check kung marami pa siyang pending deliveries para sa kinabukasan. Napakamot siya. "Asan na ba yun?" Kinapa niya uli ang tabi at may naramdaman siyang mainit na bagay. Matambok. Mabuhok-buhok. Nagmulat siya nang mga mata at natanaw agad ang ceiling fan sa kisame. "Shet..hindi." Bumangon siya. Tiningnan ang buong paligid. "Shet talaga." Kulay puti at gray ang dingding. Pati na rin mga kakaunting gamit na nandoon. Maayos ang pagkakasalansan. Ang linis-linis. Walang kalat. "Putangina." Sambit niya. Hindi yon ang kwarto niya. Dahan-dahan siyang lumingon kung saan nakahawak ang kamay. Nanlaki ang nga mata niya nang makumpirma kung ano yon. Dibdib. Matambok na dibdib. Matambok na dibdib ng maskuladong lalaki. Matambok na dibdib ng maskuladong lalaking nakahubo. Napasigaw siya. Sa sobrang taranta ay nasipa pa niya ito. Malakas namang bumalagbag sa sahig ang lalaki. "Shutanginamers! Sino ka?!" Bumalikwas siya sa kama at hinablot ang unan. Binato niya ito doon. "Sino ka!? Sino ka?!" Sigaw niya. Shet na malagket! Nasaan ba ako?! Bakit ako nandito?! Anong nangyari? ! May nangyari? "Ano ba?!" Dumadagungdong na sigaw ng lalaki. Napaatras siya. Napasandal pa sa pader. Napakalalalim kasi ng boses. Parang galing ilalim ng lupa. Juskoday. Halimaw ba itu? Parang slowmo na umangat ang katawan ng lalaki mula sa kabilang side ng kama. Dahan-dahang nareveal sa kanya ang maskulado at mabalbon nitong katawan. Ang tangkad. Ang haba ng biyas. "K-kapre?" Kapre yata?! Infairness sa kapre. Ganda ng abs. Matambok ang mabalbong dibdib. Yung biceps pakamatay. Saka hala jusko, may V line. Kitang-kita kasi medyo mababa na yung suot na pantalon. Umiling siya. Di ito ang panahon para maglaway. Kasunod noon nakita niya ang mahaba nitong buhok na nakatakip sa mukha. Juskoooo. Ano to? Male version ni Sadako? "S--Sino ko...I mean sino ka?" Nakakalimutan na yata niya pati sarili niya. Napalunok siya nang nagsuklay ito ng buhok at humarap sa kanya. Putangina. Mukhang goons! Matalim nang titig nang mga naniningkit na mga mata. Tapos matangos ang ilong na medyo usli. Tapos manipis yung labi. Tapos nag-iigtig pa yung panga. Mukhang masamang tao. Balbasarado. May mga ilang tatoo pa nga na mukhang tribal doon sa balikat at braso. Yung tipong mangingidnap tapos papasasaan ang katawang lupa mo. "Anong problema mo?!" Tanong nito. "Sino ka nga? Ba't...Bakit ako nandito?" Nanlaki uli ang mga mata niya. "Putangina ka?! Kinidnap mo ba ako?!" Shet. Oo nga. Nakipaginuman siya kina Byron kagabi. Tapos noong bangenge na siya, nagpaalam na mauuna na siya sa kotse nung gaga para umidlip. "Putangina! Kidna--" Tumama sa mukha niya ang unan. "Ang aga ng mura mo, ha! Ako dapat nagtanong niyan. Ikaw yung basta nalang sumakay sa kotse ko." "Ano bang pinagsasabi mo?" Di siya nito pinansin. Luminga-linga lang ito sa paligid na parang may hinahanap. "Hoy!" Napasabunot ito ng buhok--sa ulo at bumaling sa kanya. "Di ka ba nakikinig? Sumakay ka ng kotse ko kagabi. Tapos natulog ka." "Ha?" "Hatdog." Napangiwi siya. Anong klaseng sagot yon? Ibig sabihin, ibang kotse ang nasakyan niya at hindi kina Byron. Nasaan yung mga loka-lokang yon?! Nagkamot lang ang lalaking ng ulo at naghalughog na. Binaligtad yung kumot at kinapa yung buong kama. Yung pagkapa pa nito doon, parang nangmomolestya. May kasama pang pisil. Ang manyak nang datingan. Napahawak siya sa damit. Nakaskirt parin naman siya. Pero yung blouse niya nakabukas na. Nakaluwa na doon ang dibdib niya. "Gi..gi....ginahasa mo ako." Napakayakap pa siya sa sarili. Shet. Namolestya siya. Namoslestya siya nang hindi niya nalalaman. "Ginahasa mo ako." Pero bakit ganoon? Walang masakit? Virgin pa naman siya bago nangyari yon. Maliit ba tite nito? Sabagay sabi nila, kapag maskulado, jutay. "Wala akong ginawa sayo." Sabi ng lalaki. Napakunot ang noo niya. "Ha? Bakit?" "Anong 'ha? Bakit'?" Sabi lang nito. Ikot parin ito nang ikot sa kwartong yon. May hinahanap talaga. "Gago ka ba? Bakit wala kang ginawa?! Hindi ba ako mukhang kagahagahasa?!" Sa ganda niyang to? Sa seksi niyang to?! Hindi man lang nagnasa sa katawan niya? Aba'y walang-hiya rin! "Hoy ano ba?! Hindi mo man lang ba'ko minanyak?!" "Shut up!" Napatigil naman siya. Napalunok pa. Hala galit na. Humarap na ito sa kanya. This time lumapit pa nang isang hakbang. Napaatras tuloy siya. Nakakatakot na nga yung boses, pati pa din pagmumukha. "Ano? Gusto mong ma-r**e talaga?!" Napalunok uli siya. Mauubusan na ata siya ng laway. Baka totohanin. Mukha pa namang mangwawasak ng pekpek kahit juts. "Sakay ka nang sakay ng kotse ng hindi mo kilala! Talagang mara-r**e ka kung hindi matino ang makakapulot sayo!" "Hi-Hindi naman..." "Magpasalamat ka nalang, ha. Wag ka nang dumadada." Sambit nito. Tumango siya ng pilit. "Saka isa pa, di ako pumapatol sa mukhang grade two. Tabi diyan." Itinulak siya nito. Napaupo tuloy siya pabalik sa kama. "Grade two?" Nanlaki ang mga mata niya. Grade two?! Ang kapal nang mukha ng kapreng to! Porke't 4'11 lang siya! "Hoy!" "Ayaw mo ng Grade 2? Kinder sige!" "Amputs, bastos ka din no?!" "Manahimik ka na nga kasi muna, sabi eh!" Yumuko sa ito sa lapag at may inabot na kung ano mula doon. Cellphone. Nagpipindot ito doon at tinalikuran siya. "Hello?" Dinig sambit nung lalaki. "Kristina? Labs! Ako to si Ito na mahal na mahal ka?! Hello? Hello? Sandali lang ha pupunta na ako. Hello? Hello.." Napakusot ito ng mukha tapos itinapon ang cellphone sa kama. Naupo sa gilid at yumuko. "Namang buhay to o." Girlfriend ata yung Kristina. Tapos mukhang away na. Napangiwi siya. Mukhang kasalanan niya yata kung bakit nagkaganoon. Napasapo siya ng noo at huminga nang malalim. Ano ba naman kasi ang napasok ko? Sambit niya sa sarili. Hindi niya akalaing mangyayari sa kanya iyon. Akala niya sa w*****d lang niya nababasa ang ganitong eksena. Yung magigising nalang ang babae sa ibang lugar tapos nakipag-one night stand pala siya sa isang mayamang CEO. Tapos magkakatuluyan sila in the end. Kaso hindi. Mukhang totoo naman ang sinasabi nitong walang nangyari sa kanila. Saka mukha naman itong hindi CEO. Maliit lang yung kwarto. Wala ngang aircon. Pati nga cellphone nito, Android lang. Hindi yayamanin. "Uhmmm." Dinig niya yung lalaki. Napaangat siya ng ulo. Mukhang kalmado na ito. "Ano nga ba pangalan mo?" Napakurap siya. Mukha namang harmless ang hitsura kapag di na galit. Medyo gwapo pero di gaano. Ang OA lang talaga siguro ng reaksyon niya kanina kaya uminit ang ulo. "Viviana." Sagot niya. "Vivi nalang." Napasuklay ito ng buhok. Yung tulad sa shampoo commercial. Sumusunod sa galaw. Seryoso anong gamit nito? Mas maayos pa ang hairlalu nito sa kanya. "Carlito Esguerra." Sabi lang nito sabay buntong-hininga. "Para kung sakaling magreklamo ka sa pulis, alam mo pangalan ko." Napakunot siya ng noo. Reklamo? Saan? Di ba ito dapat ang gumawa noon? "Magpapa-medical ka pa ba?" Napailing siya. Bakit pa? "Ok." Sabi lang nito. Sa totoo lang naguguluhan siya. "Umayos ka na, ihahatid na kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD