Umagang Kay Ganda

1356 Words
Marahang nagmulat ng mga mata si Vivi. Makulimlim pero alam niyang umaga na. Dahan-dahan siyang bumangon at inalis ang kumot. Napansin niyang wala nang nakatusok na IV sa kanya. Mukhang inalis na dahil bandage nalang ang nandoon. Yung mga tubo din, maayos na nakasalansan doon sa isang tray sa bedside table. Napahawak siya sa may noo, doon sa may bandage. Hindi na makirot pero nahihilo parin siya nang kaunti. Masakit din ang mga kasukasuan at mabigat ang pakiramdam. Pero kumpara kagabi, mas maayos na siya ngayon. Inikot niya ang mga mata. Natanaw niya si Ito na nakaupo malapit sa kama. Nakapikit at may nakapatong na isang kumot sa balikat. May kayakap pa na unan. Nakaawa naman tingnan, naisip niya. Mukhang nilamig magdamag habang binabantayan siya. Naaalimpungatan siya kagabi kaya alam niyang oras-oras siyang chi-ni-check nito. "Ito..." Marahang niyang tawag kahit paos. Kumislot lang ito pero nakapikit parin. Napangiti siya. Maamo naman pala ang mukha ng loko kapag tulog. Mukhang santo, kulang nalang yung halo saka bulaklak ng sampaguita at everlasting. Ang bait tingnan. Hindi na mukhang nangangain ng buhay. Hindi nga lang niya alam kung bakit nga ba nandito si Ito. Ano nga bang nangyari at bigla itong lumitaw para tulungan siya? Pero laking pasasalamat na rin niya, kung sakali walang tumulong baka palutang-lutang na siguro siya sa baha. Dahan-dahan siyang bumangon. Hahayaan na niya munang matulog si Ito doon, nakakahiya namang gisingin. Sumilip siya sa bintana. Umuulan parin at mukhang hindi tumigil mula kagabi. Nakikita niyang may tubig na sa kalsada. Mataas na at hindi na yon madadaan ng mga mababang sasakyan. Hindi pa naman aabot yon sa loob ng bahay sa baba, buti naman. Wala pa pala siyang balita kung kamusta na sina Miggy o nakauwi na ba ng Bulacan si Germalyn. Kahit naman masama ang loob niya sa mga kapatid, mahal parin naman niya ang mga yon. Nag-aala parin siya. Sana naman nasa maayos ang lagay. "Vivi hindi ka muna dapat tumayo." "Ay! katawan ni Susej, malaki! Ay!" Sigaw niya. Nakita niyang nakatayo na si Ito sa tabi. Natawa naman ito sa naging reaksyon niya. "Magugulatin ka pala." "Ano ba?! Ba't kasi bigla kang sumusulpot dyan?!" Sabi niya dito. Nakakahiya din kasi kung ano-anong lumalabas sa bibig niya kapag nagugulat. Ngumisi lang ito sa kanya. "Good Morning, by the way." Bati nito. "Ay....um...G-good morning din." Napasuklay siya ng magulong buhok. Jusko naman mukha siyang bruhaha pa siguro. Baka may muta din. Nakaka-conscious tuloy. "Hindi na kita inistorbo. Akala ko kasi..Akala ko after three days ka pang magigising." Sambit nalang niya. Ngumiti uli ito at parang natatawa pa. Mukhang bentang-benta dito ang pinagsasabi niya. Tapos sumilip din ito sa bintana, doon sa tinitingnan niya kanina. "Baha na pala." "Oo nga, palagi dito yan. Baka di ka pa makauwi. Sorry." Aniya. Nakakahiya, ang laking abala na niya na naman. "Hala, baka hinahanap ka na Kristina." Nakita niyang umiling si Ito. "Paano mo nasabi?" "Di ba magjowa kayo?" "Hindi. Hindi ko siya girlfriend. Wala kaming relasyon." Eh nakipagtukaan tapos waley? Sabagay, si Kristina naman yung tumuka. Nag-assume lang siya siguro. Pero yehey ha. Single pala talaga si Ito. Pwede na uling makipaglandian. "How do you feel now, Vivi?" Tanong nito. Ang aga-aga, iniingles siya. Ngumiti nalang siya bago sumagot. "Ok na ako. Medyo nahihilo lang pero kaya ko na." "You still need to see a doctor." "Umm ok--umm--Hindi ka ba nilalamig?" Wala parin kasi itong pangtaas. Malamig ang panahon. Saka pakiramdam niya, lalo siyang lalagnatin kung palagi niyang nakikita itong hubo nang ganon. Ang ganda naman kasi ng katawan kahit di mag flex. Tambay siguro ito sa gym. "Hindi naman." Sagot na ni Ito. "Nabasa kasi damit ko kagabi, pasensya na. Wala akong maisuot." "Wow, laging nababasa...sana all." Mahinang bulong niya. "Ha?" "Hotdog na malaki. Ah-ha. W-wala. Wala." Napalakas pa yata yung boses niya. Nakakahiya. "Ah. Sorry. Di ka ba komportable?" Napahawak pa ito sa batok na parang nahihiya. "Isusuot ko nalang muna kahit na basa." "Ay...wag. Baka ikaw pa magkasakit. Wala...wala naman yon sakin..." Enjoy nga sa view, hihi. "Pero...Umm..M-may tshirts na panglalaki sa cabinet. Yun muna suotin mo. Kuha ka lang diyan." Sabi niya. "Si Byron kasi dito minsan natutulog sa amin kaya may damit na dito. Oversized naman yon, baka kakasya na." Lumingon si Ito sa isa sa mga cabinet niya. "Dito ba?" Nanlaki ang mga mata niya nang binuksan nga nito yung isang pinto. Agad siyang napatakbo at sinara iyon pabalik. "Wait!" Hingal na sambit niya. Parang nawala lahat ng sakit sa katawan bigla dahil sa panic. Napahawak pa siya sa dibdib. Nawala sa isip niya na may mga vibrators at dildos nga palang nakatago doon. Nakasalansan. Malalaki, maliit, iba-ibang klase, iba-ibang shape. Yung mga siraulong kaibigan niya kasi, tuwing birthday niya, nireregaluhan siya noon. Isang dosena na nga yon ngayon. Shet. Napaangat ang tingin niya kay Ito. Nakaawang ang bibig nito at nakatingin sa kanya. "Wait..." Huminga siya nang malalim at tumalikod. Binuksan niya uli ang kabinet at mabilis na kinuha yung isang T-shirt saka sinara. Homaygad. Kailangan ko munang huminga. "Are you ok, Vivi? Pulang-pula ka." May bahid na pag-aalalang tanong ni Ito. Napalunok nalang siya nang akmang lalapit ito. "Mahiga ka muna kung---" "Haaaaaaa. Dyan ka lang." Sambit niya. "Na-nakita mo ba?" Baka iniisip na nitong na ganoon na siya ka-wild dahil sa collection niya. Di naman kasi. Slight lang. Di pa nga niya nagagamit kahit alin sa mga yon. Gusto niya kasi na maging first time niya ay yung real and organic kaya tinago niya muna. Tumawa si Ito ng malakas bago kinuha ang T-shirt na inaabot niya. "Kagabi pa." Nanlaki ang mga mata niya. "Nakita mo talaga?" "Kinuha ko yang pajama mo sa loob. Of course. Nabilang ko pa." Shit. "Normal lang naman yan. No judgement here." Sabi ni Ito sabay tawa uli. Hindi naman siya nakikipagbiruan sa pagkakataong yon. Tumalikod na ito para isuot na yung T-shirt. "Wait..." Napaatras siya at napasandal uli sa cabinet. Napatingin siya sa suot niya. Nakapajama nga siya. "Bi-Binihisan mo ako?" Sambit niya. Oo nga, paano nga naman siya nakapagpalit ng basang damit. Pati underwear niya, iba din. Wala na siya sa ulirat kagabi dahil lagnat niya kaya di niya naisip. "Na-nakita mo na ang lahat." Kumagat pa ng labi si Ito at tumango. "Medyo..." Napatakip siya ng bibig. "Oh my god!" Impit na tili niya. Wala na exposed na talaga siya. Shit talaga. Putangina. "Hindi ako nakapag-shave!" Bushy pa talaga pepe niya. Tapos nakita ni Ito na malagubat yon. Mas nakakahiya. Pero bakit ba yon ang iniisip niya? Jusko, Viviana. Lalong tumawa si Ito. Lumapit at hinaplos pa ang bumbumnan niya na parang bata. "Wala akong ginawa, ha. Kailangan ko lang palitan ang damit mo dahil nilalamig ka na." Sambit nito. "Saka marami na akong pasyenteng nabihisan. Sanay na ako." Ngumuso siya. Sabagay, sino ba naman mae-L sa hitsura niya kagabi? Jusko. Kung pwede lang siyang kainin ng lupa ngayon. "Gutom ka na siguro. Ipagluluto kita ng breakfast. Pwedeng makigamit ng kusina?" Tanong ni Ito. Napalunok siya uli. Mas malakas ang paanyaya ng pagkain kaysa pagkawindang niya. Sunod-sunod siyang tumango. "Si-sige...go lang." "Alright. Mahiga ka muna uli." Sambit nito bago tumalikod. Pero bago pa ito makalayo ay inabot niya ang laylayan ng Tshirt nito. "Sandali." "Yes, Vivi?" Napakagat siya ng labi. Ba't kasi ganoon ang pagtawag ng pangalan niya. Ba't parang ang sweet. "Salamat...sa lahat...pero.." "Pero?" "Bakit mo to ginagawa?" Gusto niya lang malaman. Parang imposible kasing pang Good Samaritan lang ang peg. Sana lang di ma-offend. Ngumiti si Ito. Sa pagkakataong yon di na niya talaga nakitaan ng pagiging kontrabidang sanggano. Parang may ray of sunlight from heaven pa na galing sa bintana na tumatama sa mukha. "Gusto kita." Diretsang sagot nito. Napaawang ang bibig niya. Hindi niya alam ang magiging reaksyon. Sa totoo lang first time niyang masabihan ng ganoon ng isang lalaki. Hindi niya alam ang gagawin niya. Saka sasabihin. Ngumiti uli si Ito. "Saka mo na sagutin. Ipagluluto muna kita." Sabi nito. Marahan siyang tumango. Naiwan siya sa kwarto na nakatayo parin na parang tuod. "Humaygaaddddd." Impit na sambit niya nang mahimasmasan. Is this it, pancit? Magkakajowa na ba ako? Pero...pero. Ang sumpa..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD