--Tita, I'm here na. Nagcocoffee na kami :D
--Goodluck Viviana
Napanguso siya. Goodluck talaga.
Tuwang-tuwa sina Pilar at Byron kanina nung malaman na si Ito pala yung ipinakilala ni Tita Angelu. Kilig na kilig ang mga loka-loka. Yung dalawa mismo ang nanulsol nang bongga sa Tita niya kaya siya andito ngayon.
Ayain daw niya mag-coffee sabi. Reward kasi sin-ave siya kanina. Date daw sila. Wala siyang magawa kundi sumunod.
Mga traydor talaga.
Pero ang galing kasi nung timing nung pagsalo sa kanya ni Ito. Na parang nasa right place and right time tapos mega-catch sa kanya bago siya tumama sa sahig. Akala niya sa teleserye lang niya makikita yon. In real life pwede pala mangyari.
"Nasaan na nga ba yon?" Aniya.
Magsi-CR lang si Ito pero andoon na yung order nila. Caramel Macchiato ang itunuro nang higanteng mama. With blueberry cheesecake pa.
Hindi niya akalaing na may pagka-sweet tooth si Ito. Sa hitsura kasi, mukhang mangangain ng buhay. Akala naman niya pure black coffee din ang magugustuhan.
Yung pang astig. Matapang. Yung kaya kang ipaglaban.
"Oy. Tagal mo, ah." Sabi niya kay Ito nang makita niya itong lumalapit. Ngingiti-ngiti naman ang loko nang umupo sa kaharap na upuan. Parang batang nakakita ng Jolibee.
Oo nga, sana sa Jolibee nalang niya niyaya. Medyo mahal ang kape.
"Salamat dito, Vivi ha."
Ngumiti siya. Ang cute talaga yung pagkakasabi sa pangalan niya. Saka palangiti si Ito ngayon. Infairness, mas bagay.
"You're welcome, Daddy. Eat ka na." Sabi niya dito. Di naman ito nag-react. Mukhang tanggap na nito na Daddy na ang tinatawag niya. Pag pinatabi naman kasi height nila, mukha silang mag-ama.
"Sa Frontrow ba to?"
Kumunot ang noo niya saglit sa tanong na yon. Di niya naintindihan agad. Pero nanlaki ang mga mata niya nang magets na nang tuluyan.
"Hindi nga ako naghahanap ng downline!" Singhal niya. Porke't nagkape sila aayain na niya sa networking? "Power mo mukha mo!"
Sinubukan pa niya itong sipain sa paa sa ilalim ng lamesa. Kaso maikli talaga ang binti. Hindi niya naabot. Bwisit!
Tumawa lang si Ito nang malakas. Mukhang halakhak ng kontrabida sa pelikula. Mabuti nga at wala gaanong tao sa coffee shop sa ganoong oras. Walang maiistorbo.
"It was a joke." Sambit nito sabay ngiti. "You're so cute kapag naiinis ka."
Napaawang bibig niya. Parang biglang napawi noon ang badtrip niya kani-kanina lang.
Cute. Cute daw siya.
Me gashh... What is this?!
"Aneng sheneshebe mo?" Shet, ang pabebe nang tunog.
Di naman niya sinasadya. Napakagat nalang siya ng labi at hinawi ang buhok.
"Cute ka nga."
OMG inulit pa.
Hindi na niya kayang maitago yung pag-iinit ng pising niya. Panigurado kulay kamatis na. Sana di mahalata, kunwari blush-on lang.
Shuta. Hindi pwede to. Kalma self, jusko.
Tumikhim siya at inayos ang sarili. Ang galing ding kasing mambola ha. Dahil yata sa libreng food.
Pero tama na. Hindi dapat siya magpadala. May gusto siyang malaman dito.
Sumimsim siya ng kape bago magsalita. "Hindi kita ire-recruit sa networking, ok? May itatanong lang ako."
Kaya din siya u-mu-oo sa Tita at mga kaibigan dahil doon. Hindi naman siya Marites pero nakaka-curious.
Yung nadinig niya kanina. Yung nakulong na si Ito.
Ano kayang kaso? Myembro siguro ng sindikato. Halata naman sa mukha eh.
"Pwede ako muna." Sagot ni Ito sabay subo ng cheesecake. Ininom na rin yung frappe. "Yung kanina. Ba't kailangan mong gawin yon?"
"Ha? Alin doon?" Aniya.
Luh, baka inisip nitong sinadya niyang magpahulog at magpa-catch sa ganong posisyon. Baka isiping pinipikot niya. Di siya ganoon babae, ha.
"You're like, pretending to be someone else. Hindi ka naman ganoon nung una, ah. At sigurado ako na hindi ka ganoon talaga." Sabi nito.
Napabuntong-hininga siya. Yun lang pala.
"Yung kunwaring mahinhin ako at di makabasag pinggan? Yung Dalagang Pilipina ang peg, genern?"
Tumango naman si Ito.
"Si Tita Angelu kasi, nagtiwala kasi siyang isa akong babaeng marangal kaya nga niya ako binigyan ng work sa negosyo niya. Ayokong ma-disappoint siya sakin." Sagot niya. "Hindi niya alam na nagwawalwal ako till morning with my friends. Di nga niya alam na umiinom ako ng alak, eh."
Nagkibit-balikat lang si Ito. "Why do you have to hide it? There's nothing wrong with that. You're a grown woman."
Napataas siya ng kilay. Ivah mag English ng balbong mama. Pero yih. Medyo me kilig. He sees me as a woman, charot!
"Well, despite your size."
Napangwi siya.
"Ayos...ganda na eh." Bulong niya. Pambihira naman kasi. May kasunod na insulto.
"May mga responsibilities kasi din ako. Panganay eh." Tuloy nalng niya. "Lam mo na. Kaya kailangan kong maging magandang ehemplo para sa kanila. Bata pa yung mga yon. Baka gayahin ako, ako pa masisi."
"I see." Ngumisi si Ito. "But why are you flirting with me, then?"
Napainom sya ng kape pampakalma. Flirting daw. English na naman. Medyo overly-confident pa pagkakasabi.
With ngisi pa.
Jusko naman kasi, ba't ang halay ng ngisi ngayon. Mangangayod ng matres ang datingan.
"A-Assuming much ka, Daddy." Sabi niya. Napakagat siya ng labi. "Ka--Kala mo naman ikaw lang fli-ni-flirt ko. Di ah."
"Totoo?"
Ngumuso siya.
"Sandali. Sandali nga, ako yung may itatanong dapat eh." Aniya. Nahalata yata na nagsisinungaling siya doon sa huling nasabi.
Inayos niya ang upo. Binalik niya sa lamesa ang hawak na tasa at humalukipkip. "Magsasabi ka ng totoo ha?"
Umiling lang ito at ngumisi uli. "Ano ba ang gusto mong malaman? Itanong mo na."
Napalunok siya. Oo nga maganda ang accent nito pag-English yung salita pero iba pag na-nagalog. Ang tapang ng datingan. Mas matapang pa sa kape niya.
Huminga siya nang malalim bago magsalita.
"Nakulong ka diba?" Sabi niya nang diretso. Di na siya nagpaligoy-ligoy. "Bakit?"
Nakita niya ang biglang pagbabago ng mood ni Ito, nahalata niya agad, umigting yung panga. Pinagsaklop pa nito ang kamay at bahagyang yumuko.
"Sigurado kang gusto mong malaman?"
Tumango siya. "Be honest, ha."
Lalo talaga tuloy siyang na curious. Mamamatay tao ba? Member ng gang? Pinuno ng mafia? Kidnapper?
"Rape."
Napaawang ang bibig niya.
Rape? Sure ba yon?
Nakatingin lang sa kanya si Ito nang diretso. Parang inaantay siyang mag-react.
Napaupo tuloy siya nang tuwid. Para di siya makapaniwala.
Alam niyang may kalandiang taglay din tong si Ito. Game na nakipagpalitan ng spg nsfw na pictures, pero with consent yon. Saka isa pa, kung r****t nga ito, ang daming chances na dapat nag-take advantage ito sa kanya.
Pero syempre, kailangan niyang maging cautious. Paano kung totoo nga at ngayon kinukuha lang ang tiwala niya?
O baka di siya talaga ang type at kaya siya di tinatarget.
"Ito!"
Magsasalita na sana siya nang biglang may babaeng tumawag sa pangalan nito. Matinis ang boses. Napalingon tuloy sila.
Nakita niya ang babae na naglalakad papalapit. Maganda. Mahaba ang buhok. Sobrang puti at ang kinis. Kitang-kita kasi maiksi yung suot na short. Tapos naka sleeveless pa. Kumaway pa ito at nakita niyang maputi din ang kilikili.
Shutabels. Pati yun tinablan ng gluta?
Tapos, ang nakakainis, ang tangkad. Model ang datingan. Pamilyar yung babae, alam niya nakita niya ito kung saan.
"Kristina?"
Nakita niyang nakalingon din si Ito dito. Sabi na nga ba at pamilyar yung babae. Siya yung Kristina.
Walang abog na dumampi yung labi ni Kristina sa labi ni Ito nang makalapit na.
Napatakip nalang siya ng bibig. Akala niya 'friends' lang yung dalawa. Tapos may tukaang naganap ngayon. Sa harap pa niya mismo.
"Why are you here?" Tanong ni Kristina. Lumingon ito sa kanya at tumaas ang kilay. "Who is she? Pamangkin mo?"
Napatikom siya ng bibig.
Pamangkin ba? At least di apo.
Ngumiti lang siya at tumayo na. Mukhang di na rin naman sila makakapag-usap ni Ito. Saka sumama na ang disposisyon niya, baka mapatulan pa niya.
"Hi, you must be Kristina." Sabi niya dito. Pormal ang tono, sinigurado niya. Katulad ng pakikipag usap niya sa mga naging kliyente nila. "I've seen your vlogs."
Nakita pa niya ang pagkunot ng noo ni Ito sa kanya. Ngumiti lang siya dito at bumalik ang tingin kay Kristina. Taas noo pa, well wala naman siyang choice. Kahit nakaheels siya, matangkad parin ito.
Nilahad niya ang kamay. "I'm Viviana from Velvet and Marble Events."
Nakita naman niyang bumilog ang bibig ni Kristina. Agad na nakipagkamay din. Kilala ang company ng Tita niya sa mga high-end events, alam niyang nadinig na nito yon. At malamang alam din nito na sila ang naghahandle ng kasal ng kapatid ni Ito.
Pero di niya ginawa yon para magpakilala. Ramdam niya yung inis Kristina nang makita siya na kasama si Ito. May something parin ang dalawa. Nagmukha tuloy siyang kabit.
"Sir Ito, I have to go." Aniya nang lumingon na kay Ito. "Pakisabi nalang po kasi Miss Carrie na kailangan namin yung final guest list next week."
Nakita niyang tumango lang ito. Wala nang ibang reaksyon bukod doon. Ngumiti nalang siya at kinuha na ang bag. Lumingon siya kay Kristina at tumango. Tapos tumalikod na siya at naglakad papalabas ng coffee shop.
Huminga siya nang malalim nang makalayo na. Mabuti at maayos ang exit na nagawa. Buo pa ang katawan. Walang sabunutang naganap.
"Pambihira." Sambit lang niya sabay iling.
Hindi ko talaga panahon ngayon.