Lumapit si Vivi sa salamin at huminga. Tapos inamoy-amoy ang moisture na naiwan doon.
Napakusot siya ng ilong.
Mabango naman kahit mga ilang oras na siyang di nakapag-toothbrush. Saka wala naman siyang bulok na ngipin o anuman. Baka talaga nung oras na yon, hindi kaaya-aya ang amoy ng bunganga niya. Nandiri si Ito sa kaya di siya pinatulan.
Sabagay, may lasing bang mabango ang hininga?
Pinagkibit-balikat nalang niya at tinuloy ang paglilinis ng salamin ng banyo. Bakit ba kasi niya inaalala pa? Baka talaga si siya trip.
Busy si Ela dahil kay Miggy kaya siya muna gagawa ng mga gawaing bahay. Tapos na rin naman yung ginagawa niya. Hindi pa sumasagot yung client, siguro dahil gabi pa ngayon sa US.
"Wipe. Wipe. Wipe." Pakanta-kanta pa siya habang nagpupunas ng salamin. Paikot-ikot pa ng balakang. Punas sa baba. Punas sa taas. Sabay prodyek! Pak!
Shet ang sexy ko!
Sexy naman talaga siya. Ipinagmamalaki niya dahil pinaghirapan niya. Twenty three lang ang waistline. Bilog din ang puwitan at firm ang thighs. Resulta yun nang pagtakbo niya sa village tuwing umaga. Tapos squats at planking everyday.
Kaso nga lang, four-eleven lang ang height niya.
Kyot.
Smol sized.
Pandak.
Isama pa yung pagmumukha niyang mukhang nine-years-old. Bilugan yung mata niya tapos ang tambok-tambok ng pisngi.
Kahit na anong kapal ng makeup para pantandain ang sarili wala din. Sabi nga ni Pilar, nagmumukha lang siya batang pinilit nang nanay na sumali sa Little Miss Philippines.
Nakakainis.
Kaya siguro wala man talagang nanliligaw sa kanya kahit anong effort pa ang gawin. Hindi na yon dahil sa sumpa ni Tita Ana--
"Ate!"
Napatili siya nang biglang sumigaw si Germalyn. Napalabas siya ng banyo at dumiretso sa kwarto nito.
"Lyn! Anyayare?!"
Akala naman niya nanakawan na naman sila. Last time may nanloob sa kanila nung wala sila sa bahay. Buti ilang mga gamit lang ang nakuha.
"Nawawala yung sneakers ko!" Dabog nito. Nakakalat pa ang mga sapatos nito sa lapag. Mukhang naghalungkat nga.
"Alin ba doon?" Lito niyang tanong.
"Yung pastel pink na converse!" Padyak pa nito na parang bata.
Twenty-two na si Lyn at malaking bulas. Pero ganoon parin kumilos. Palibasa na-spoil ng Papa niya noon at ni Tita Annalyn.
Half sister niya si Germalyn. Kaya ganoon pangalan kasi Germano+Annalyn.
Dalawang taon noon si Ella nang malaman nang Mama nila na may naanakan na kabit ang Papa nila. Sa sobrang sama ng loob, naglayas ang Mama nila. Bumalik doon sa pamilya sa Cebu. Doon na nagkasakit tapos na deds.
After one year, inuwi na ng Papa niya si Tita Annalyn kasama na si Germalyn sa bahay. Tong magaling niyang ama naman kasi, pakilala doon sa bagong madrasta, binata. Kaya di naman niya maaway dahil sa ganoon sitwasyon.
Wala na rin naman siyang magagawa kundi tanggapin. Bata pa din siya noon. Mas nagtatampo pa nga siya sa ina dahil iniwan nalang sila basta-basta ni Ela. Di man lang nilaban.
Di ba dapat strong ang pamliya, walang iwanan.
Huminga siya nang malalim bago magsalita kay Germalyn. Di niya pwedeng pagtaasan ito ng boses. Matatampuhin dahil bunso.
"Kay Ela yon, diba?"
Nakakaramdam na siya na magrarambol na naman ang dalawang kapatid. "Hiniram mo na naman sa kanya ng walang paalam, no?" Sabi niya dito.
Ang hilig din nitong si Lyn na manghiram ng gamit kay Ela nang di nagsasabi. Palibasa yung dalawa ang magkalapit ang edad at magka-size. Buti safe nga ang mga damit niya.
"Eh asan nga?" Angal uli ni Germalyn.
"Malamang binawi na yon." Sumandal siya sa pintuan at humalukipkip. "Umalis si Ela ngayon. May inaasikaso sa school ni Miggy. Baka nga yun ang sinuot."
Ngumuso si Lyn at dumampot nalang ng isa sa mga pares na nakakalat. Umupo ito sa kama at nag-medyas.
"Why does she keep buying those things anyway. May anak na siya, ah. Po-porma pa?"
Napataas ang kilay niya. English, eng geleng-geleng leng. Mukhang sulit yung tuition na binibigay niya. "Hayaan mo na ang Ate mo."
Kung sasabihin ni Lyn na pipigilan niya si Ela sa pagsusuout noon, di niya gagawin. Di porke nanay, magiging losyang na. Saka isa pa, pinaghirapan ni Ela naman ang pinambili sa mga gamit. Pinag-ipunan at hindi hiningi sa kanya.
Yun din ang pakunswelo kay Ela kahit minsan di niya maintindihan ang trip. Kapag may gusto, ito ang gagawa ng paraan para makuha. Hindi na siya kinakausap man lang.
"Ate, need ko nga pala ng money. May project kami. Feeding program diyan sa may Tondo. Kailangan kong mag-ambag today." Sabi ni Germalyn.
"Magkano?"
"Two thousand."
Napataas siya ng kilay. "Ba't ang mahal? Dalawang libo?!" Budget na nila yon sa pagkain sa isang linggo. "Para san ba yan? Kailangan ba talaga?"
"Ate..hindi mo talaga maiintindihan. Di ka naman nakapag-college, diba?"
Napangiwi siya. Kaya ayaw na niyang magtanong eh. Nasusupalpal siya. Oo at first year lang inabot niya. Namatay Papa nila noon kaya kailangan niyang tumigil at magtrabaho na.
"Ngayon na ba talaga?" Tanong niya. Magro-grocery na sana siya kaso napurnada pa.
"Magbibigay ka ba? Di na ako aalis kung hindi. Kanina pa ako hinihintay ng mga classmates ko."
"Sandali, kukuha ako sa kwarto." Tumalikod siya. Nangako siya noon sa ama na itataguyod yung mga kapatid niya. Wala siyang magagawa kahit na naiinis.
Sabagay, isang taon nalang.
Pumasok siya sa kwarto at kinuha ang wallet. Kinuha na rin niya ang phone na naka-charge. Inabot niya ang pera kay Germalyn pagbalik niya sa kwarto nito.
"Eto o. Dalawang libo. Plus two hundred pangkain mo."
"Ew. Two hundred lang?"
"Ayaw mo? Babawiin ko."
Ngumiwi lang si Germalyn at kinuha ang bag. "Alis na ako."
Tapos noon ay tuloy-tuloy na lumabas.
Huminga siya nang malalim at umiling. Iniwan pa ni Germalyn yung mga kalat na sapatos sa lapag. Napilitan tuloy siyang iligpit yon.
Sana man lang makapagtapos na ito. Bigo na nga siya kay Ela noon. Kahit isa man lang sa kanina, makakuha ng diploma. Para maramdaman man lang niya na sulit lahat ng sakripisyo niya.
Umupo muna siya sa sala. Kailangan niyang huminga. Napapagod na siya. Hindi doon sa mga gawaing bahay, doon mismo sa buhay niya.
Twenty-nine.
Twenty-nine years old na siya. Apat na buwan mula ngayon, trenta na.
Hindi niya alam kung may narating na ba siya sa buhay. Oo nga't nabayaran na niya lahat ng pagkakautang ng Papa niya. Nabawi na niya ang lahat ng naisangla nito dahil sa pag-ca-Casino. Nagkanegosyo na. Maayos na ang buhay nila kaysa dati.
Pero parang may kulang parin.
Sa twenty-nine years niya sa mundo, hindi pa siya nagkaka-boyfriend kahit kailan. Maski maligawan ay wala.
Di pa niya nararanasang ma-inlove.
"Sana...Sana...Sana man lang. Kahit yung feeling lang. Maramdaman ko." Bulong niya sabay buntong-hininga.
Pero parang imposible na. Hindi niya alam kung may dadating pa.
Sabi nga sa kanta, tatangapin nalamg niya ang malupit na tadhana. Tatanggapin nalang niya na sadyang hindi siya pinagpala.
Napatigil siya sa pagninilaynilay nang mag-vibrate ang phone na hawak.
Napakunot ang noo niya nang makitang notification yon. May nag-like lang ng picture niya.
Napangiwi siya. Akala naman niya kung ano. Pero agad din siyang nabuhayan ng makita kung sino yon.
"Oh my gasss. Si Ito!" Sigaw niya. Napatayo pa siya.
Napatingin siya sa buong kabahayan. Wala namang tao. Walang makakakitang mukha siyang tanga.
Natawa lang siya sa nilike nitong picture. Six years ago pa yon at di na yon ang DP niya. Mabilis siyang nag-message dito.
-Are you stalking me, Daddy?