Isang malaking gusali ang bumungad sa kanila sa harapan pagbaba nila ng ferry pero karamihan sa mga tindahan doon ay nakasara na. Crowds everywhere, heading in a different direction. "Should we ask someone for the direction? You said you are not familiar with the place." Suhestyon ni Kiera. "Iniisip ko kung makikitawag ulit ako sa kahit na sinong narito." Inikot ng binata ang mata sa paligid. Pero hindi ito makakuha ng tyempo dahil lahat ay nagmamadali. "Do you still have a spare cash on you? Pwede tayong sumakay papunta sa pinakamalapit na presinto at humingi ng tulong doon." "I have a few. Pero hindi ko gustong gastusin yun. Baka iniisip mong nagbibiro ako pero wala talaga sa bulsa ko ang wallet ko. Nasa compartment yun ng kotse. And speaking of my car, kailangan kong matawagan ang

