Mahaba-haba na ang nalalakad nila nang makakita sila ng isang tila kumpol ng mga puno at sa likod nun ay isang maliit na espasyong napapaligiran ng matataas na talahib. "Let's stay here for the night." Ibinaba siya nito at agad siniyasat ang buong lugar. She was hesitan to enter the clearing. Madilim kasi doon dahil malayo na ang huling bahay na nadaanan at ang tanging tanglaw ay ang buwan sa langit. "Are you sure it's safe to stay here?” Alanganing tanong at ayaw humakbang ng mga paa. Nayakap niya ang hawak na kumot at inikot ang mata sa paligid. Feeling niya ay unti-unting tumataas ang balahibo sa batok dahil sa kadilimang bumabalot sa lugar. It’s eerie and gloomy! Baka may bigla nalang lumitaw na lamang-lupa doon. "Safe ka sa akin, you don't have to doubt." Nahagip ng tenga ang sar

