Nagising si Kiera na nakahiga na siya sa damuhan at mataas na ang sikat ng araw. Napabangon siya bigla at inikot ang mata sa paligid, sandaling natigagal sa nabungarang hindi pamilyar na lugar. Napapaligiran siya ng maraming puno at matatas na talahib. Sandaling nakiramdam sa paligid at pilit inisip kung nasaan siya. At parang tubig sa ilog na dagling rumagasa ang mga alaala ng mga pangyayari kahapon. Agad natapik ang sariling noo. Napanaginipan niyang nasa bahay na siya at dumating na daw ang daddy niya. It felt so real. "Xander?" tawag niya. Parang binundol ang dibdib dahil hindi nagisnan ang binata. Paano kung tuluyan na siyang iniwan nito?Paano kung narealized nitong hindi pala siya dapat kailangang tulungan. At marami pang kung ano-anong pumasok sa isipan niya. Karamihan ay puro mg

