Xander III: Clash of emotions

1740 Words
"I don't know why my father did this Thess and I want to pour out all my anger on him. Kung sana ay sinasagot lang niya lahat ng tawag ko." Pagsusumbong ng hinaing sa kaibigan habang kausap ito.  Tumawa ang kaibigan sa kabilang linya. "Ikaw lang ang may lakas ng loob mag-rants sa daddy mo habang nasa business trip siya."  Well, she has the right to do so. Akala niya ay matino na ang usapan nilang mag-ama sa Japan palang. One bodyguard! That's it! She can put aside everything.  Pero ang magkaroon ng timing ang paglabas? It's absurd! "Wala akong sinabi niya na hindi ko sinunod. Kaya may karapatan akong mag-rants sa kanya ngayon." Tumayo siya sa kinauupuang kama sa maluwang na kwartong kinaroroonan. King-sized bed na may mga adornong laces. Tulad ng nakasanayan. Amoy rosas ang buong kwarto at from top to bottom ang classic wallpaper.  Lumapit siya sa bintana at sumilip. Nakita niya sa maluwang na bakuran ng bahay nila si Lt. Amigable. Lalong nadagdagan ang pagka-inis. Kasalukuyan itong nakikipag-usap sa cellphone habang nakatunghay sa labas ng mataas na pader na gawa sa bakal at akala mo ay pag-aari nito ang tinutuntungan. She hated his guts! Kung hindi pa niya alam ay pipitsuging sundalo lang naman ito na mayabang kung umasta.  "When are you arriving by the way?" Nasa London parin ito ngayon dahil may mga inaayos pa.  Bale sa limang grupo nila ay tatlo silang Pinay. Siya, si Thess Alcaraz na isang exchange student at si Minzu na isang dating ofw sa Qatar ang magulang na nakapag-migrate ng United Kingdom ang buong pamilya. They are planning to meet each other here in the Philippines. See, hindi siya mapangmatang tao. Japanese people are just hardworkers at ang namayapang ina ay isang ordinaryong Pilipina lang din naman. At pinalaki siya nitong maging mapagpakumbaba sa kabila ng karangyaang tinatamasa. Sadya lang talagang hindi maganda ang unang engkwentro nila ng lalaki at talagang mayabang ang naging dating nito sa kanya.  "I'm already in the Philippines darling." "What?!" Tignan niya ang maliit na notebook na listahan ng mga numero. Philipine number nga ang nai-dial niya dahil naka-ilang attempt na siya kanina sa biritish number nito ay walang sumasagot. At muli ay gusto niyang isisi  ang tila pagkalutang sa naturang sundalo iyun.  "May inaayos lang akong mga papeles para sa inaaplayan ko kaya maaga ako umuwi. Unlike you, hindi sa pagtatapos nagtatapos ang pakikibaka ko." Untag ng nasa kabilang linya.  "Come on Thess! You are not poor. Hindi mo maa-afford ang magkaroon ng marangyang buhay sa London kung walang perang magsusuporta sayo. You basically have the same life as me." "Dahil sa ginagawa kong part-time jobs." "Na hindi ko nakikitang ginagawa mo." Ang sabi ng babae ay online jobs ang ginagawa nito kaya madalas paring nakakasama sa mga shoppings at travels niya. Dinaig pa nga nito si Minzu na aminadong kulang lagi sa budget.  "Come on Keira..." "Hey, I don't mean anything bad. Sumimasen! I know we have some things that we don't say to each other despite being friends and I get that." Hindi kailangang malaman ng dalawang malapit na mga kaibigan na minsan ay napapaisip siya sa mga pasekretong lakad ng mga ito when she became an open book to both of them.  Naimbitahan na niya si Minzu at si Thess sa malaking bahay nila sa Osaka bago sila magtapos. The two of them knew her very well at hindi siya madamot na tao. Some people say that the Japanese are stingy! They are not. Alam lang nila kung paano ang maghawak ng malaking halaga. Bukod pa sa natural na ang maging hardworker.  "Let's meet then since you are already here." Pag-iiba niya. "I am bored to death!"  "As if makakalabas ka." "Umalis si Christine. Wala namang magagawa ang bodyguard ko kundi ang bumuntot. Let's go shopping."  "Ano pa ba ang dapat mong bilhin gayung nabili mo na yata ang lahat ng mga branded bags at shoes sa Europe." "There is always something to buy Thess. I don-t have any particular thing in my mind now but I want to go out. Mababaliw ako dito sa bahay."  "Where then?"  Nagalak siya. "You set it! Hinid ko parin kabisado ang Pilipinas." "And yet you spoke the language so fluently." Natatawang saad nito.  She can really imagine her friend's reaction.  "I'll send you the location then."  "Hai! Atode aimashō." Pagpapaalam niya at agad nagpunta sa banyo. Dali-dali siyang naligo kaya bumalik sa pagkakaunat ang buhok. Binukatkat ang Louis Vuitton luggage na hindi pa naisasalansan ang laman kaya nagkalat iyun sa carpeted na sahig. Bahala na ang katulong na gumawa nun.  Isa sa mga bagay na hindi niya natutunan sa pagtira mag-isa sa labas ng Japan ay ang maging domesticated. Ang sabi nila kapag tumira ka sa malayong lugar ng walang kahit na anong katulong ay mapipilitan kang kumilos. But it doesn't apply to her. Why would she? Sobra-sobra ang ipinapadalang pera ng ama na pwede niyang ipambayad sa kung sinuman at makakatulong pa siya sa kapwa niya estudyante na nangangailangan ng extra na budget. Sa tuwina ay naghahanap nalang siya ng pwedeng utusang maglinis sa apartment na tinutuluyan.  She opted to wear a cute dress from Zara. Sa kabila ng pagiging magarbo ay hindi naalis sa kanya ang pagiging haponesa. She just loves anything cute. Tulad ng apple green na napiling isuot na tenernuhan ng Valentino Garavani sandals na napamili niya minsan sa Denmark.  She took out her Hermes sling bag and voila! Simple and yet naghuhumiyaw ng karangyaan. Ang tanging accessory sa katawan ay ang limited edition na Cartier sunglass. The price of her bag alone is almost worth a million. Na ang tanging laman ay ang nag-iisang card niya. An american express debit card na naka-link sa kanyang dollar account kung saan pumapasok ang perang nilalagay ng daddy niya.  Kiera Fujita means money. Kaya maswerte ang mapapangasawa niya.  Bumaba siya at lumabas ng main door. Saktong lumingon ang bodyguard niyang nakikipag-usap parin sa cellphone. Aba't ang kapal naman nitong makipag-telebabad habang nasa trabaho. Sisiguraduhin niyang malalaman ito ng daddy niya.  Tinapos nito ang tawag nang makita siyang humakbang papunta sa sasakyan. "Ihatid mo ako sa address na ito." Inilahad niya sa mukha nito ang cellphone kung saan naroon ang text message ni Thess.  Ni hindi man lang ito natinag sa pagiging maotoridad niya. She's wearing her sunglass so she doesn't have to appear fearful to him. Wala siyang pakialam kung mas matangkad ito sa kanya. Alalay parin niya ito.  "Have you not heard what I said? Open the door for me."  "Hindi kaba marunong magbasa? O gusto mong suwayin ang bilin ng ama mo." Mababa pero mariing saad nito. "Baka nakakalimutan mo Miss Fujita, may  timing na inayos para sa mga magiging paglabas mo. It's either you left your brain in the country where you came from or you forgot the time differences." Napasinghap siya. Hindi matiyak kung sa insultong ibinato nito sa kanya o dahil sa matatas nitong english. Oh well, Filipinos are one of the best english speakers all over the world. Kahit na ang ibang ordinaryong tao ay magaling magsalita ng naturang  lengwahe. Tumingin ito sa relong pambisig. "Tatlong oras kang maaga para sa lakad mo. Bumalik ka sa loob." Sa sobrang inis niya ay inalis ang suot na salamin. Gusto niyang makita nito ang galit niya. "How dare you talk to me like this! Who do you think you are? Kinuha ka lang naman nila para bantayan ako. Wala kang karapatang pigilan ako sa gusto ko!" Tangka niyang habawakan ang pinto ng sasakyan nang humarang ito. "Ano ba?" Sinubukan niyang paalisin ito pero tila ito estatwa sa kinatatayuan. Ni hindi ito natinag. "Yah!" Singhal niya.  Nakita niya ang unti-unting pagdilim ng mukha nito kaya bahagya siyang napaatras. "H-Hinihintay ako ng kaibigan ko." Dagdag niya. "Hindi kaba marunong makaintindi!" Humakbang ito.  Napaatras siya at hindi napigilan ang mapalunok.   "Huwag mo ng pahirapan ang mga sarili natin Ms Fujita! We both know that we don't like this situation. Sundin mo ang bilin ng ama mo sayo at gagawin ko ang iniutos sa akin." Walang emosyong patuloy nito. At ikinabilib niya ang nakitang halos blangkong reaksyon nito. "How about my plan then? Nakabihis na ako."  "Magpalit ka kung gusto mo at wala akong pakialam! Huwag mong sagarin ang pasensya ko. Kung nasanay kang napapaikot mo ang lahat ng bagay sa kamay mo dahil sa pera ng ama mo ay ibahin mo ako."  Umismid siya rito. "Really! Hindi ba at pera lang din naman ang dahilan mo kaya ka pumayag na bantayan ako. Tell me, magkano ang ibinayad nila sayo? I will double the prize huwag ka lang hahara-harang sa harapan ko."  Nagsigalawan ang lahat ng muscles sa mukha ng lalaki. At may pakiramdam pa nga si Keira na anumang oras ay bibigwasan nalang siya nito. Go on! She dared using her eyes. At nang mapatalsik kana! "Is this the kind of play that you want? You seemed bored little girl. Kung anong nakikita kong panlabas mong anyo ay siyang kabaligtaran ng ugali mo. There is nothing cute about your personality." Nainsulto siya ng sobra sa sinabi nito. Never pa siyang nakatanggap ng ganuong insulto sa tanang buhay niya. Aminado siyang inilalabas ang kapangitan ng ugali rito. Pero hindi niya inaasahang maririnig iyun mula rito. At higit sa lahat ay hindi inaasahang maapektuhan siya ng bongga. But hey, atleast he found you cute! Kantiyaw ng sharing utak. Agad niyang binura ang isiping iyun. Pinatigas ang leeg at tumingin ng diretso dito habang nakatingala. "Well, same goes for you. Ikaw ang pinaka-bastos na lalaking nakilala ko alam mo ba yun? Kahapon mo pa ako iniis. A-And for a record I am not a little girl!" "Get furious all you want. Pero kahit anong insulto ang ibato mo sa akin ay hindi ka parin pwedeng umalis." "Wala kang karapatang pigilan ako!" Nanlilisik ang mata niya sa pagkakatitig rito. Ang dalawang kamay ay parehong nakakuyom sa tagiliran. "Pero may kakayahan ako. Wala akong oras makipagtalo sayo kaya pumasok kana sa loob."  Literal na kumukulo ang dugo ni Keira. Kapag kinunan siya ng bp ay literal na masisira iyun dahil above the  limit point ang nararamdaman niya. "Really! Well, I'll make sure to report you to my dad! Phone call while on duty? Tignan natin lung hindi ka mawalan ng trabaho. Bakeru! Stupid jerk!" Tinalikuran ito at nagmamartsang bumalik sa loob ng bahay.  Hindi na nito nakita ang galit na tinging ipinukol ni Xander rito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD