Xander II: Jiko Ai! (Self-love)

3042 Words
The Philippines. It's not her birthplace pero itinuturing niyang pangalawang tirahan ang naturang bansa. She'd only been in the country a few times pero sa tuwing naroon siya ay parang ayaw na niyang umalis. Isang dahilan na rin siguro ay dahil sa bansang ito nakahimlay ang ina. Keira's mother, Raleen Cruz opted to rest in her country land. She died four years ago. Ang tanging babaeng pinakasalan ng daddy niyang si Kei Fujita, a Japanese business tycoon. Tubong Laguna ang mommy niya na nagtrabaho sa bansang Japan bilang factory worker where she had met Kei. At doon na ito tumira when they started building their family. Keira was born and raised in Japan but surrounded by Filipinos. At kahit nang mag-aral siya sa London ay Pilipino din ang piniling maging kaibiganin. Though she didn't look like one dahil sa dugong haponesa niya, pero nanatili parin ang pagiging pusong Pinoy. Kung hindi siya matatas managalog ay walang mag-iisip na half-Filipino siya. She's five-one with a slender body tulad ng normal na haponesa. Chinita at laging pinanatili ang buhok na may bangs. Inilibot niya ang mata sa arrival area sa terminal three ng NAIA kung saan siya lumapag. Ang sabi ng ama nang maghiwalay sila sa Osaka International Airport ay may susundo sa kanya sa airport. And that person will be her bodyguard too. She smiled wickedly sa ideyang pumasok sa isip. Madali lang utuin ang lalaki. She just have to use her charm. At ang sabi nila ay nag-uumapaw siya noon ng hindi nag-effort. Ilang sandali pa ay isang matangkad na lalaki ang lumapit sa kanya.   "Keira Fujita?" Tanong nito sa buong-buong tinig. "Konichiwa!" Bati niya sa matinis na boses. Agad sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi na dagli ring nabura nang masilayan ang kabuoan ng kaharap. Kinailangan niyang tumingala sa sobrang tangkad nito. Kapag tinanggal niya ang suot na three inces high-heels ay baka ni hindi siya aabot sa baba ng lalaki. Sa tingin niya ay nasa six feet and taas and well-built. Nakasuot ang lalaki ng kupasing maong at polo-shirt. And he was so tan. Kulay na tanging hindi niya gusto sa mga Pilipino. Medyo nadudumihan siya sa ganuong kulay. Maybe because she was surrounded by white people most of her life. Feeling niya ay magaspang ang balat kapag ganuon ang kulay ng isang tao. "Are you Keira Fujita?" Ulit na tanong nito sa lalaking-lalaking tinig. Tinanggal ang suot nitong sunglass kaya bumungad kay Keira ang mga mata nito. It was fierce and hostile. Yung matang kapag tumitig ay makukuha ka sa isang tingin lang. "H-Hajimemashite..." alanganing bati niya rito in her usual sweet Japanese distinct voice na ikinasalubong ng kilay nito. "Half-filipino ka hindi ba? Hindi kaba marunong managalog?" Nagulat si Keira at napakurap ng ilang beses. Bakit ganito siya kausapin ng lalaki? "S-Sorry." Bigla siyang nangilag pero pinilit niyang ibalik ang composure. "Gusto ko lang batiin ka in my mother tongue." Pinaraanan ng dila ang mga bibig dahil sa hindi maipaliwanag na biglang pagka-ilang. Samantala, si Xander ay halos mag-isang linya ang kilay sa ginawang iyun ng kaharap. Hindi alintana ang pagka-gulat na nakabadha sa mukha ng babantayan. Wala siyang pakialam kung mabastusan ang babae sa kanya. Insulto sa p*********i ang pabantayan siya ng isang babaeng mukhang menor de edad. Though nabasa niya sa profile na bigay ni Gen. Guillermo na bente anyos na ang Keira Fujita na ito. Pero ngayong nasilayan ang kabuoan ng dalaga, sa tingin niya ay mas mukhang fifteen years old ito kaysa sa orihinal nitong edad. So small and slender. Napaka-puti na parang kupon na kapag hinawakan mo ng mahigpit ay baka bumakat iyun sa kutis nito. Mahaba ang buhok na halatang ginamitan ng kung anong pang-kulot at bangs. She looked like one of this anime character he used to watch when he was in his teens. At ganuon din ang boses nang batiin siya sa sa lenggwahe nito. "A-Are you my bodyguard?" Alanganing tanong nito.  Napatiim ng bagang si Xander sa salitang ginamit ng babae. Ayaw niyang ibunton rito ang labis na pagka-inis dahil sa mga pangyayari. Laman parin ng isip niya ang tungkol sa nawawalang kasamahan. Maya't-maya ay panay ang hingi niya ng update kay Fritz. "Sundan mo nalang ako," aniya at tinalikuran ang babae saka naglakad dala ang mga gamit ng dalaga. Si Keira ay sandaling napatitig sa likuran ng lalaki at bahagyang napawaang bibig. How can he be so cold towards her? Nayayamot at may tinitimping galit na sumunod siya dito. She is starting to get annoyed with him. Hindi nito kailangan umakto ng ganuon as if she wants the situation. Mukha yatang napipilitan lang itong gawin ang trabaho. Hindi ba pabor yan para siya ang unang bumigay sa trabaho niya? Hmmm. Sa isip ay may ideyang naglalaro. Nagmamadali siyang sumunod rito at halos doblehin niya ang hakbang upang hindi mawala sa paningin ang lalaki! Damn! He should be looking after me! complain niya sa sarili. Takasan niya kaya ito! Sandali siyang huminto at hinintay itong tuluyang makalayo. Pero sa sobrang gulat ni Keira ay huminto rin ang lalaki at nilingon siya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tinging ipinukol nito kaya napahakbang siya muli pasunod rito.  Nakabukas na ang pinto ng sasakyan nang marating niya iyun. Napapikit siya nang malakas na isara ng bastos na lalaki ang pinto. Nasundan niya ng masakit na tingin ito habang papunta sa driver's seat. Pinigilan niya ang sariling huwag itong patulan. Pagkalulan ay walang kibong pinaandar nito ang sasakyan. Nagpupuyos ang kalooban niya habang nakaupo sa likuran ng kotse. She's beginning to hate the man! How dare him! Tinignan niya ito ng masama mula sa rearview mirror. Naramdaman marahil ng lalaki iyun kaya tumingin din ito sa salamin. Nagtama ang mga mata nila at hindi itinago ni Keira ang niloloob. At sa labis na gulat ay ni hindi man lang nagbago ang reaksyon ng lalaki. Gesuyarou! sigaw ng isip niya. Maya-maya'y napagtuunan niya ng pansin ang bulto nito. Infairness, hindi ito mukhang basta-basta bodyguard lang. Maganda ang build ng katawan at gusto niya ang shape ng mga balikat nito. Muling bumalik ang pagka-asar ng maalalang ni hindi man lang ito nagpakilala sa kanya. Gusto niyang magwala sa sobrang pagkainis. Patunay ang kanina pang pagkakakuyom ng kamao.  Ilang beses muling nagtama ang mga mata nila sa rearview mirror at ni hindi nagbago ang paraan ng pagtitig dito. If her stare could burn a living species, malamang kanina pa ito naging abo. How dare you! Pagsisisihan mong hindi ka lumuhod sa mga paa ko. Maya-maya'y biglang nag-preno ang sasakyan, at dahil hindi naka-seatbelt ay hindi sinasadyang tumilapon siya at muntik ng masubsob sa harapan. "Ne!" Hindi napigilang singhal niya rito sa sobrang galit. Kung hindi niya naihawak ang dalawang kamay ay baka nangudngod na ang mukha niya. Ang lalaki ay nilingon siya. "Do you have a problem with me?" Walang reaksyong tanong nito.  Naipinid ni Keira ng mariin ang mga labi. Sinasagad nito ang pasensya niya. Hindi pa siya kailanman nakatagpo ng lalaking nag-uumapaw sa kabastusan. "Bastos!" Hindi niya napigilang singhal rito at bumalik sa pagkakaupo. "Isusumbong kita sa daddy ko!" Pagak na tumawa si Xander sa tinuran ng babae. "Go for it!" Pinanlakihan siya ng mga mata at napaawang ang bibig sa sobrang gulat. "A-Are you really going to be my bodyguard? Bakit ganyan mo ako kausapin?" Binigyan niya ito ng nang-iinsultong tingin. Mukhang hindi siya nito kilala. "At anong klaseng pakikitungo ang gusto mong gawin ko?" Pagmamaang-maangan nito. "Ang trabaho ko ay bantayan ka lang." Pinagdiinan ang huling salita at muling pinaandar ang sasakyan. Hindi bayolenteng tao si Keira pero gusto niyang ihampas ang mamahaling louis vuitton bag dito. No Keira! Masisira lang ang bag mo, awat niya sa sarili. Hindi niya gustong mawalan ng breeding dahil sa walang modong pipitsuging bodyguard lang. Pinilit niyang kalamahin ang sarili at umayos sa pagkakaupo pagkatapos ay tumingin sa labas ng bintana. Ayaw niyang tuluyang masira ang unang araw niya sa Pilipinas dahil lang dito. Hanggang makauwi sa bahay ay hindi na nag-usap ang dalawa. Pagkababa ng sasakyan ay pabagsak niyang isinara ang pintuan at dali-daling pumasok sa loob ng bahay.  Nawala ang pagkainis nang salubungin siya ng pinsang si Christine. Pamangkin ito ng mama niya at talagang ka-close niya. Four years older than her. Ito ang lagi niyang ka-chat at nagtuturo sa kanya dati ng tagalog. Ilang beses na rin itong nakarating ng Osaka dahil na rin sa kahilingan niya. "Keira!" Excited na bulalas nito at agad niyakap ang pinsan. "Hindi ka tumatanda, ang ganda-ganda mo parin. It's good to see you." "It's good to see you too Christine. Mabuti naman at pinuntahan mo ako." She hugged her back. Totoong na-miss niya ito. The last time they saw each other was at her mother's funeral. "But of course! Si tito Kei ang personal na tumawag sa akin para puntahan ka. Gusto ko ngang sunduin ka sa airport pero kailangan kong ihanda ang bahay para sayo. Hindi bale gwapo naman at makisig ang sumundo sayo." Nanunukso ang tinging ipinukol ng pinsan sa kanya. Nabura ang ngiti sa labi niya. "Gwapo at matikas, bastos naman!" Naiiritang turan niya sa pagkakabanggit sa lalaki. "I'm so happy na hindi mo kinalimutan ang mga itinuro ko sayo. You're still so fluent with Tagalog. At ano iyong sinasabi mo tungkol sa bodyguard mo?" "Wala! Let's not talk about him!" She rolled her eyes. Hindi niya pag-aaksayahan ng enerhiya ang mga ganuong klaseng tao. "But of course, I always see to it that wherever I go ay lagi akong may kakaibiganing mga Pinoy." She held both her cousin's hands. "Couz, could you help me convince dad? I don't need a bodyguard. Safe naman sa Pilipinas hindi ba?" Nabura ang ngiti sa labi ni Chrisitine. "I-I can't do that Keira. It's still safe for normal people. Pero hindi ka kasama dun." "W-What do you mean?" "Kahit ako ay pabor sa gusto ni tito Kei. Kung hindi ko nga lang alam na sundalo si Lt. Amigable ay ako mismo ang magsasabi sa kanya na ikuha ka ng maraming bodyguard. Recently ay sunod-sunod ang pagdukot sa mga anak ng mga mayayamang tao ngayon Keira. Come, I'll tell you." Hinila ni Christine ang pinsan sa kalapit na upuan. "It all started when a certain Faith delos Santos was kidnapped somewhere in Pangasinan. She was just a simple OFW before they had found out that she's the lost granddaughter of an oil magnate in UAE. Pagkatapos nun ay kung sino-sino na ang mga nakikidnap for ransom na anak ng mayayaman. It's not safe for you Keira." Sa haba ng sinabi ng pinsan ay isa lang ang tumino sa isip ng dalaga. "H-He' a soldier? Not a bodyguard?" Tanong niya patungkol sa lalaking nakairingan kanina. "Yes, kaya nga panay ang pa-cute ko sa kanya pero ineffective my dear cousin. But I found him more charming because of that." Kinikilig na turan nito. "He's not so bad after all. Pwede mo siyang paglibangan." "Paglibangan! What a word Christine! Sorry pero hindi ko siya type!" She flipped her hair and crossed her arms on her chest. "Siya, hindi mo type?" Hindi makapaniwalang bulalas ng pinsan! "Sabagay, you are more on white people." She nodded. Ang totoo'y nang unang makita ni Keira ang pinag-uusapan ay nagulat siya sa sarili. Hindi niya tipo ang ganuon mga kulay, but the man was definitely attractive. Kung hindi lang sana siya nabastusan dito ay baka nga matuwa pa siya sa presensya nito. "Just bear with him! At wag na wag mo siyang tatakasan." Mahigpit na bilin ni Christine sa pinsan.. "Kabisado kita pinsan, this time ay huwag mong paiiralin ang tigas ng ulo ko. Your father had sent me a schedule kung anong oras ka lang pwedeng lumabas." "What!" Hindi pinansin ni Christine ang reaksyon niya. Sandaling tumayo at binuksan ang cabinet. Kinuha ang isang papel at bumalik. "These are the timings that you are allowed to go out. Security guards will be coming to watch over the house, at dahil sa request mo na isang bodyguard lang kaya may timings ka." "No!" Mariing tanggi niya at kinuha ang papel saka pinasadahan ng tingin. "This can't be!" Umahon ang galit sa dibdib niya para sa ama. Si Christine ay binigyan ng nakikisimpatyang tingin ang pinsan. "At bakit ka pumayag sa ganitong set-up. You didn't even bother to contradict my father! This is too much Christine. Gumuhit ang guilt sa mukha ng babae. "S-Sorry Keira. It was actually Maki who communicated with me about this." "Yeah right!" Keira rolled her eyes. Her father is really a businessman, he knew how to use people. Alam nitong malaki ang crush ng pinsan niya kay Maki at hindi nito masasalungat ang lalaki. "Sorry na." Paglalambing ni Christine. "Alam mo namang super weakness ko si Maki eh. How is he by the way? Did he became more handsome?" "He still looks the same." Tipid niyang sagot. Inabot ang bag at kinalkal sa loob ang cellphone. "Where's the sim card that I asked you to prepare?" "Keira, sinasabi ko sayo huh! Hindi sinabi ng daddy mo na wag kang bigyan ng sarili mong sim card pero alam ko yang tumatakbo sa isip mo. At hindi mo alam kung ano ang ibinilin diyan kay Lt. Amigable. Knowing soldiers, hindi eepekto ang pagpapawa mo sa kanya. " "As if I will do that. I'm not even planning to talk to him!" Duh! "Ikaw naman. He is not so bad at all. Hindi nga lang nangiti but still charming." "Well, I don't like him! Ang pangit niya at pati na ang balat niya. Ewww!" Gumuhit ang pagka-disgusto sa mukha niya. She's not even planning to get close to him. Lalo pa ngayong napag-alaman niyang sundalo ito. She doesn't have issues with them pero madalas sa kanila ay babaero at ruthless. At napatunayan niya iyun kanina lang. "Grabe ka naman. Ang hot kaya niya!" Komento nito. "Eh kung isumbong kaya kita kay kuya Maki?" Humalikipkip si Christine. "Isnabero rin naman yang pinsan mo. Kung hindi naman hihingi ng pabor ay nungkang kausapin ako nun. Kaya kay Lt. Alexander Amigable nalang ako. Ang sarap niya kayang titigan." Hindi pinansin ni Kiera ang sinabi ng pinsan tungkol sa naturang sundalo. "Kuya Maki is just like that because he is too busy. You know my father can't rely on me when it comes to his business so I'm very thankful to him. Besides, wala siyang time sa pakikipag-relasyon." Depensa niya sa pinsang lalaki. Though her cousin Maki is a drop-dead gorgeous half Japanese man, never pa niya itong nakitang nakipag-relasyon ng seryosohan. Though he had flings. Minsan ay nakukunsensya na siya dahil naatang rito ang responsibilidad na siya dapat ang gumagawa. Kaya nga hindi nalang din siya kumontra nang sabihin ng daddy niya na nais siyang ipakasal. "I'm going to Laguna." Pagbibigay alam niya sa pinsan. "Nasabi nga ng dad mo. But you will not be staying there for long. Gusto ng daddy mo na pupuntahan mo lang ang puntod ng mommy mo and then come back here." Napahinto siya sa pagkalkal ng cellphone upanghanapin ang lalagyan ng sim card. "But I want to see our other relatives. I don't want to be branded as a snob. If I could stay there for long, why not." "But Keira. Wag ng matigas ang ulo mo. Walang tutulugan si Lt. Amigable doon. Sige aber, papayag kabang matulog na katabi siya." Pinanlakihan niya ng mata ito. "Are you crazy!" Pinamulahan siya ng mukha. "Asus! Hindi mo kailangang mag-blush. You had stayed in London by yourself, don't tell me hindi ka nakipag-boyfriend doon." "Well dear cousin, sorry to inform you but I did not. Busy ako sa studies..." "And shoppings and theaters and sports. Not to mention traveling. Tell me, wala ka bang interes sa lalaki?" Curious na tanong ni Christine. "Nope! They're just a waste of time!" Ipinagkibit-balikat niya ang reaksyon ng pinsan. She's not a man-hater! Kulang lang talaga siya sa oras. Besides, aanhin niya ang lalaki when she already has everything that money can buy. Sa pag-aaral, sa nakahiligang sports na tennis, ang pagbisita sa mga theaters at higit sa lahat ang travelling and shoppings palang ay madalas kinukulang na ang oras niya. Sa buong pananatili niya sa London ay nalibot na niya ata ang buong European countries. A Japanese culture na na-adopt niya na mas mahalaga ang career at i-enjoy ang buhay kaysa makipag-relasyon. "Hmm, you know I'm still waiting for you to fall in love." "I will fall in love with my husband-to-be. Haven't kuya Maki inform you? Kaya ako umuwi at bibisita sa puntod ni mommy, because I'm going to be engaged soon." Pagbabalita niya rito. "Kanino?" Gulat na tanong ni Christine. "Wala siyang binaggit tungkol diyan." "I don't know. Oh no, how to do this." Naiinis na turan niya. Si Christine na napansin ang pag-struggle ng pinsan na ilagay ang sim card sa latest iphone nito ay inagaw iyun mula rito at siyang nagtuloy. "Fixed marriage? At hindi mo pa nakikilala ang lalaki?" "He could be a son of one of my father's business partners." Matabang niyang sagot. "At pumayag ka?" "Bakit hindi? Basta may pera siyang pangtustos sa mga luho ko, then why not." Napahinto si Christine at tinitigan ang pinsan. "Paano kung hindi mo siya mahal?" "Marriage is about companionship my dear cousin. I don't have to fall in love with my husband to be. Bibigyan ko lang siya ng isang anak at ipagpapatuloy ko ang pagliliwaliw ko." Napapailing nalang si Christine. Nahiling na sana'y ganun lang din kasimple ang mindset tulad ng kaharap. "Kung naririnig ka ni tita Raleen ay baka mabatukan ka nun. Where did you learned all these things? Hindi basta-basta ang fixed marriage Keira." Pangangaral sa dalaga. "I don't want to beg for love Christine. Kung mamahalin ako ng lalaking ipapakasal sa akin, why not. I could give him a little bit of mine. But it's more important to love myself." "Wag ka lang ma-inlove talaga at kainin yang mga pingsasabi mo." Paalalani Christine sa pinsan at inabot dito ang cellpone. "I'm not capable of falling in love my dear cousin. Jiko Ai! Arigatou." Tumayo ang dalaga at agad nag-dial. Tatawagan niya ang dalawang naging kaibigan sa London na nauna ng umuwi sa Pilipinas. Napabuntong-hininga nalang ang babae at pinanonood ang pinsan na nag-umpisang mag-dial.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD